Chapter 28

8.6K 214 8
                                    

Continuation: Bisperas ng Pasko.

"Five! Four! Three! Two.. 0neee!!!!!" Sabay-sabay naming sigaw, alasdose na ng madaling araw.

"Merry christmas!!!" Sabay-sabay ulit naming sigaw. Nag family group hug din kami at syempre kasali ang doberman ko.

"Merry christmas darling.." Ani tatay kay nanay sabay halik nito ng mabilis sa lips ni nanay.

Kunwari namang inirapan ni nanay pero nakangiti naman.

"Merry christmas din darling." sagot naman ninay.

"0y....." Sabay naming tudyo ni Potpot.

"Yan si tatay at nanay, kahit uugod ugod na sweet pa rin, yehoo...!" Ani ate Kate at pumalakpak pa, sumabay naman kami ni dober sa pagpalakpak.

"Mali ka dyan Kate anak, di pa kami uugod ugod ng nanay nyo. Baka gusto nyo dagdagan pa namin kayo, anu darling?" Pakindat pa ito tumingin kay nanay.

"Tse! Katanda mo na ganyan pa naiisip mo." Sagot ni nanay na natatawa, sa kanya yata ako nagmana, pakipot kunwari hihi.

"Ehh..! Tama na po, ayuko na po may kapatid. Gusto ko ako na talaga ang bunso..." Nakangusong angal naman ni Potpot.

"Bleh! Laos ka na Pot! Di na ikaw ang bunso. Gagawa pa sina nanay at tatay." Pang aasar ko sa kanya. Tumayo naman ito at akto nya akong kukurotin pero nagtago ako sa likod ng superhera ko. Lam nyo na, hihi!

"Andaya mo ate Ciel! Ate Alex, pabayaan mo yang si ate bansot ng makapaghiganti ako." Ani Potpot pa at umakto na parang zombie. Lalo tuloy akong nagsisisigaw. Niyakap naman ako ni dober ko, yun talaga ang gusto ko.

"Si bansot nay, pasimple pa. Gusto lang magpayakap kay Alex o." Ani ate Kate sabay iling.

"Naku, kayo talagang mga bata." Nangingiting saway ni nanay. "Merry christmas mga anak, Alex.." Tumingin naman ito kay Alex. Masaya namang tumango si dober, lumapit ito kay nanay saka yumakap.

"Thank you po nay, Merry christmas din po nay, tay, Kate... (ngumiti naman sina tatay at ate Kate.) Merry christmas Pot. Maraming salamat po sa pagtanggap nyo sa akin sa pamilya nyo." Sinserong saad ni Alex. Lumapit ako sa kanya saka ko siya niyakap.

"Ako dober? Di mo ako babatiin?"

"Syempre naman, babatiin kita baby. Merry christmas baby, i love you."

"Sus.. hayaan mo si bansot Alex.. papansin lang yan. hahaha!" Biro naman ni ate Kate, inirapan ko lang siya.

"Merry christmas na merry christmas dober ko.." Saka ko siya pinaghahalikan sa pisngi, pasimple itong umiwas, nasagi ko kasi yong pisngi nyang medyo namamaga pa.

"Gusto mo lagyan ulit natin ng yelo?" Kako sa kanya.

" Okay lang ako baby, wag mo ako alalahanin." Sagot nya.

"0 anu pa ginagawa nyo dyan, halina na kayo at ng makakain na, gutom na ako.." Aya ni nanay. Masaya kaming lahat ng dumulog sa mesa at pinagsaluhan namin ang munti naming handa, pero sa kaloob-looban ko ay nag aalala pa rin ako sa kasintahan ko, ang alam ko naman ay alerto sya, posibleng tumama yon sa pinto.

"Ate...! Akin yan...!" Agaw sa akin ni Potpot sa hawak kong nakabalot na regalo.

"Kaw na bata ka di ka makapag antay!" Kako naman sa kanya pero di na nya ako pinansin, abala na ito sa pagbukas ng regalo. Busy kaming lahat sa pagbubukas ng kanya kanyang regalo.

"Dober ko, ito pala regalo ko sa sayo oh, i love you." Masaya kong iniabot sa kanya ang regalo ko kahit alam kong wala itong regalo sa akin, wala naman kasi itong bitbit.

"Thank you baby..." Aniya at ngumiti sa akin.

"Buksan mo na daliii..!" Excited na utos ko sa kanya.

"Wait..." Aniya sa akin habang may kinukuha ito bulsa nya.

"This is my gift for you baby..." Inabot nya sa akin ang isang maliit na box. Agad ko namang kinuha at binuksan.

"D-dober..." Namimilog ang mga matang tumingin ako sa kanya. "Di ko naman yata matatanggap ito, napakamahal naman yata nito." Sabi ko saka ko ulit inabot sa kanya yong box na naglalaman ng kwintas na halatang mamahalin.

"No, para sayo yan baby. Magtatampo ako pag di mo tanggapin." Aniya sa akin. "Akina at ako magsusuot sayo." Kinuha nya ang box saka nya ako pinatalikod, wala na akong nagawa, naluluha na lang ako dahil napakasarap sa pakiramdam na may regalo rin pala ito sa akin. Nakaukit pa ang pangalan naming dalawa sa kwintas.

"Salamat dober..." Naluluha pa ring sabi ko sa kanya saka ko sya niyakap.

"Salamat din Ciel at binigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka, na mapatunayan kung gaanu kita kamahal.." Sincere nyang bulong sa akin. Niyakap ko sya ng pagkahigpit higpit, wala ako pakialam kht andyan sina nanay hihi!

"Sus, paskong pasko may langgam." Ani Potpot, ume epal nanaman, grrr..!

Nakangiti na lang na humiwalay sa akin si dober.

Clarise

Kanina pa ako umiiyak dito sa restroom, tumawag na sa akin ang mga ibang kakilala ko at pamilya ko upang batiin ako, pero yong isang tao na inaasahan ko na babati sa akin ay wala, kahit manlang sana text pero wala rin. Sabagay, anu ba naman  ang aasahan ko? Bakit kasi ako umaasa? Kasama nito ang mahal nito panigurado, nangako pa silang dadalaw sila dito pero di naman sila nagpunta. Marahas kong pinunasan ang mga luha ko, akma na akong lalabas sa cubicle nung marinig ko na may pumasok at parang nagpapadyak pa ang paa, pumasok naman ito sa kabilang cubicke at pabalibag pang sinara ang pinto. Dinig ko pa ang pag hagulhol nito, di yata alam na may iba pang tao dito sa restroom. Tsk! Di lang naman pala ako ang bitter ngayong pasko. Akma ulit ako lalabas nung bigla ito sumigaw.

"I hate you Aleeex...! Pagsisisihan mo itong ginagawa mo sa akin...!"

Huh? Bakit parang pamilyar sa akin ang boses nya. Teka, Alex daw? Tama! Si Violeta yong nasa kabilang cubicle? Pero anu naman ginagawa nya dito? Ah, oo nga pala, mama nga pala nito ang isa sa doktor dito at isa rin sa may ari ng ospital na pinagtatrabahoan ko.

"Hoy!" Kinalampag ko yong dingding. "Kung gusto mong mag wala, wag dito. Baka matakot mo pa ang mga pasyente kapag makita o marinig ka!" Sigaw ko sa kanya.

Kinalampag din nito ang dingding. Mas malakas pa nga e.

"Hoy! Kung sinu ka man! wala kang pakialam! Di mo alam ang pinagdadaanan ko!" Ganting sagot nyang pasigaw sa akin.

"Akala mo lang yan, alam ko kaya, hahaha!" Sagot kong pasigaw din saka ako humagalpak ng tawa.
Lumabas naman ito ng cubible saka nito kinalampag ng kinalampag ang pintuan ng cubicle na kinaroroonan ko.
"Nak ng putchang gaga na to, kahit anak ito ng me ari ng ospital di ko sya uurongan!" Pabigla kong hinila ng malakas ang pintuan, napasama ito sa paghila ko, sobrang lakas ng impak. Naramdaman ko na lang na tumama na ang likod ko sa sahig at napasama ito padagan sa akin, napadikit tuloy ang labi namin.


^-^
Thank you for reading.
Please vote, comment.

   Sa mga nagtyagang ng pm sa akin, maraming salamat po. Ito na po yong update, sana magustuhan nyo at sana magparamdam din kayo sa comment box ng story ko at e vote nyo na rin.

              -Marlonestar-

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon