Chapter 29

10.2K 179 16
                                    

Violeta

"Bakit ang sama naman yata ng timpla ng mukha ng baby ko?" Ani momy sa akin. Sa office nya ako dumeretsu after nung nangyari sa restroom.

"Nothing mom. Nakakatampo lang kasi kayo, paskong pasko pero nagtatrabaho pa rin kayo ni Dad." Sagot ko na totoo naman talaga, isa pa yon sa ikinababadtrip ko. Simula nag kaisip na sya ay madalang nya makasama ang mga magulang nya dahil abala ang mga ito sa pagpaparami ng pera.

"You should understand baby, para sayo rin naman lahat ng ginagawa namin ng Dady mo. We want you to have a bright future." Sabi nanaman nya sa akin, ilang beses na ba nilang nasabi ni Dad sa akin yon. Mayaman naman na kami, anu pa ba ang gusto nila? Napabuntong hininga na lang ako.

"You want to rest muna baby? Don ka muna sa private room ko, may aasikasuhin pa kasi akong pasyente." Aniya sa akin.

I stand and rolled my eyes. "Okay, merry christmas mom and merry christmas to me." Kako saka ako lumabas sa office nya at dumeretsu na rin sa private room na nakalaan sa mom ko.
Tinanggal ko ang sandals ko at agad nagdive sa kama, ibinaon ko ang ulo ko sa unan at doon ko ibinuhos ang luha ko. Bakit ba yong mga pinakagusto ko ay di napupunta sa akin? Akala ng iba, nakukuha ko lahat ng gusto ko, but they are wrong. Di nila alam, ako pa itong naglilimos.

Isa pa si Alex, bakit ba di nya ako magustuhan? Anu pa ba ang kulang, ginawa ko naman lahat para lang mahalin nya ako. Ang Luciel na yon ang dahilan eh! Tama! Kung di siya dumating idi sana natutunan na rin akong mahalin ni Alex, baka naging masaya na sana kami ngayon.
Kailangang kong gumawa ng paraan para mapaghiwalay ang dalawa. Sa akin lang si Alex, she's all mine!
Kailangan kong ipahinga ang isip ko, kailangan kong makaisip ng magandang plano para mapasaakin si Alex.

Clarise

Tsk! Lalong nasira ang pasko ko, wagas naman kasi maka acting si Violeta. Nagkadikit lang ang labi namin e kala mo may sakit na akong nakakahawa.

     FLASHBACK

"Oh my God!!! What have you done? You kissed me!" Ani Violeta sa akin at agad na bumangon mula sa pagkakadapa sa akin. Nanlalalaki pa ang mga nito habang nakahawak sa labi nito.

"Excuse me Ms. Imperial! Hindi kita hinalikan, at never kong gagawin yun noh!" Inis na sagot ko saka bumangon. Ang sakit na nga ng likod ko tapos ganun pa sasabihin nya. "Aksidente lang yun, malay ko bang tanga ka at napasama ka sa paghila ko sa pintuan!"

"How dare you to call me tanga ha!" Galit na sigaw nya sa akin saka bigla nya ako sinampal, di ko expect kaya di agad ako nakaiwas. Napahawak na lang ako sa pisngi ko, gustong gusto ko na siyang gantihan pero nagpigil lang ako, anak sya ng may ari ng pinagtatrabahoan ko at isa pa mabait sa akin si Dr. Imperial, pagbibigyan ko muna ang babaing ito.

"Next time pa na gawin mo ulit sa akin yan, makakatikim ka na sa akin!" Kako sa kanya saka ko sya iniwan. Halatang natakot naman ito dahil natahimik lang ito. Dumeretsu na lang ako sa locker ko. Tapos naman na ang duty ko. Nagpalit ako ng damit, pagkatapos ay nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko.

"M-mis, okay ka lang?"
Napalingon ako mula sa pagkakayuko upang tingnan yong nagsalita. Isa palang napakagandang babae. Dumeretsu muna kasi ako sa isang parke malapit sa ospital na pinagtatrabahoan ko.

"Ha, um.. oo, okay lang ako." Mahinang sagot ko bagamat nakangiti. Inalok ko sa kanya ang bakante pang espasyo ng inuupuan ko. Ngumiti naman ito at umupo.

"Pansin ko kasi na mag isa ka lang dito at parang malungkot kaya naglakas loob akong lumapit sayo." Aniya sa akin.

"Ikaw, mag isa ka rin naman ngayong pasko. Di mo rin ba kasama ang mga pamilya mo?" Tanong ko.

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon