Simula bata pa ako mga "daycare" pa ako nun ay may bestfriend na ako na lalaki, siya si Raem. Lage kami magkasama pagpasok ng school at sa pag uwi. Kapag may nang aaway sakin, lage nya ako ipinagtatanggol. Magkapitbahay lang kami at parehas na pagtitinda ng mga gulay ang hanapbuhay ng mga magulang namin. Mahirap lang kami pero mas maganda ang buhay nina Raem. At yun nga, lage ganun ang routine ng buhay namin. Magkasama lage pagpasok ng school, maglaro tuwing sabado at linggo hanggang sa mag graduate na kami ng elementary.
Bago ko tuloy ang storya ako nga pala si Luciel, Ciel for short at yun ang tawag nila sa akin lahat ng mga kakilala ko.
After gruduation ng elementary ay nagdesisyon ang parents ko na sa bayan ako mag aaral ng highschool. Nalungkot ako dahil sa baryo namin mag aaral si Raem. In short, magkakalayo kami.
Nakitira kami sa kapatid ng nanay ko na may bahay sa bayan malapit sa school. Kasama ko ang isang ate ko na graduating na ng highschool. Inalila nga lang kami ng tita ko at mga anak nila. Kala mo kung sinu silang mayaman. Bayad daw ng pagtira namin ng libre e minsan naman nagbibigay kami ng upa at nagbibigay talaga kami ng bayad sa kuryente.
Pero kahit ganun tiniis nalang namin ng ate ko.
Masaya rin naman pala mag aral sa bayan, nasanay narin ako na magkalayo kami ng bestfriend ko. Marami nga lang ako natutunan na kalukohan. Uminom ng alak at mag cutting class.. Mga friends ko pala mga bakla at tomboy na mayayaman. Mababait naman sila at kahit ganun lang sila tinuring nila akong kapatid at di nila ako pinagsamantalahan. Mabisyo lang talaga.
Nalaman ng ate ko ang pag cu cutting ko at pag iinum ng alak kaya sinumbong niya sa parents namin at shempre galit sila. Third year highschool na ako nun.
Dahil sa nalaman nila ay nagdesisyon sila na sa baryo na ako tutuloy ng fourthyear. Ayuko sana kaya lang wala ako magawa. Mamimis ko yong mga friends ko don.
Nagsisi rin naman ako kung bakit ko ginawa yon lalo nung makita ko ang paghihirap nina tatay at nanay. Magsisikap na talaga ako..
"bakit ka nagkaganyan?" tanung sakin ni Raem. Bakasyon na kasi kaya umuwi na ako ng baryo at tutal sa baryo na rin naman ako mag aaral. Kasalukuyan kaming nasa ilog nun kasama rin mga ibang kababata namin.
Napabuntong hininga lang ako. "kasama sa buhay yon Raem.." sagot ko na sumeryeso.
Tumawa lang sya sa sagot ko, pinagmasdan ko mukha nya. Nagmature na katawan nya, di na sya pat patin gaya ng dati. Lalaking lalaki na sya. Hmmm... gwapo siya.
"matutunaw ako" sabi nya. Nahuli nya siguro na pinagmamasdan ko siya.
"yelo ka ba para matunaw?" banat ko nalang para isalba ang pride ko. Tumawa lang siya.
"kala mo Ciel, hindi ka na makakabisyo dito. Lage kita babantayan, subukan mo lumaklak ng alak at papaluin kita.." Aniya
Binelatan ko lang siya at tumakbo. Hinabol naman nya ako at niyakap. Sa amin walang malisya yon dahil magbestfriend kami pero binibiro na kami ng mga kababata namin.
Nagsimula na ang pasukan at feeling ko marami ako magiging kaaway dahil yong mga kababata ko na don din nag aaral kasama si Raem ay mga crush ng bayan kuno. Pero may girlfriend na pala si Raem, sa school ko nalaman. Hurt ako don.
Pinagseselosan nga ako lage dahil lage ako kasama sa tropa nila. Mga tropa nilang crush ng bayan "kuno". May mga itsura naman kasi sila e. Si Raem, lage nakabantay sa akin. Sinasamahan nya ako kada break ng klase. Pinipili pa nya magiging kaibigan ko,kung patapon, di nya palalapitin sa akin. Lage na nga nag aaway si Raem at ang girlfriend nya dahil sa akin.
Pinapili pa nga si Raem ng girlfriend nya kung ako daw ba o siya? At gulat kaming lahat dahil ako lang naman pinili ng bestfriend ko at shempre proud at masaya ako. Lalo kami naging malapit sa isat isa, binibiro nga kmi bakit di nalang daw kasi kami ang magjowa dahil bagay daw kaming dalawa pero tinatawanan ko lang kunwari. Aminado ako na may lihim akong pagtingin sa kanya pero alam kung hanggang kaibigan lang ang tingin nya sa akin.
BINABASA MO ANG
You Are My Everything (girlxgirl)
RomanceAng crush ko naman talaga ay ang sincebirth bestfriend ko. Ang alam ko straight ako gaya ng ruler, pero noong nakilala ko si Alexdoberman naging straight ako na parang rainbow. Pa read po. Thankz!