Pagkatapos maiayos ang mga gamit ay agad na rin akong nagbihis. Uuwi na muna kami sa baryo namin. Sembreak na! Agad agad hihi! Pero kami lang ni ate Clarise ang uuwi dahil nagpapart time job si Raem. Yun pala ang mga dahilan kaya siya nagtaksil este nagsinungaling sa akin. Pati pala kay ate Clarise naglihim. E susurprise nya daw sana kami sa first salary nito pero nalaman din namin bago ito makapagsagod, syempre kinumpronta ko kung bakit kada break wala ito tas late pa umuuwi minsan. Mahal din kasi ang animal husbandry na course nito, tulong na rin daw nito sa parents nila pangdagdag sa mga babayarin sa school. Buti nga sila at may kamag-anak sila sa ibang bansa na tumutulong sa kanila. Magseserve na rin ito ng gabi dahil wala naman na daw pasok. Di naman daw si Alex ang nagpasok sa kanya don, nakita daw nito na hiring yong bar na pinagdalhan sa amin nun ni Alex at dahil eighteen na siya, natanggap naman. Pero ako, uuwi nalang para matulongan ko si nanay sa palengke."tara na." si ate Clarise. Kasama ko siyang uuwi ng baryo.
"ei ate, di na ba natin hihintayin si Raem bago tayo umuwi?" ako. Gusto ko lang naman munang makita ang fafa ko bago magbakasyon.
"ang sabi nya sa akin deretchu na siya hanggang madaling araw don. Provide naman daw ng resto ang pagkain nila don." sagot ni ate Clarise
"ha? Di ba siya matutulog? Sobra namang pagbabanat ng buto yon!" ako. Psshh.. Baka andon lang yong dober na yun e kaya gusto magbabad don.
"straight daw muna siya ngayon para bukas daw deretsu tulog nya hanggang hapun. Night shift daw siya simula bukas." paliwanag naman ni ate Clarise.
"ay ganun." dismayadong sagot ko. Kainis ang mokong na yon. Alam na ngayon kami uuwi ng baryo pero parang wala lang sa kanya.
"anu na? Tara na para di tayo gagabihin." aya sa akin ni ate Clarise. Isa't kalahating oras kasi ang byahe pauwi sa amin.
"sige na nga." at binitbit ko ang backpack ko. Nakalagay don ang mga damit na paborito kong sinusuot.
"akin na nga yan!" agaw naman ni ate don sa bag.
"ay!" gulat ko. Basta naman kasi hinablot. " nakakagulat ka naman ate, wala naman problema kung ikaw magbibitbit, pabor sa akin yon." ako at binuksan ko na rin yong pinto. Nakasunod naman sa akin si ate Clarise.
"Oh my gaadyemmett......" napatulo ang laway ko este nagulat ako kasi paglabas ko ng pinto tumambad sa akin ang isang nakangiting anghel.? Sa pagngiti nito ay lumitaw ang mapuputi at pantay pantay nitong ngipin. And wait... ngayon ko lang napansin na may pangil siya na bumagay naman sa kanya at lalo pang nagpadagdag ng ganda nito. Nasabi ko na bang mala Kristine Stewart ang ganda nya...? Hoho walang wala ako sa beauty nya.! Nakasandal ito sa bagong-bago na kotse, nakatukod pa ang siko nito patalikod, ang hanggang balikat naman nitong buhok ay malayang nililipad ng panghapong hangin. Nakasuot nanaman ito ng kulay itim na sando?, kaya na- exposed ang mapuputi nitong braso at balikat. Kahit sino siguro ay matatakam.. Pweh! pweh! Kung anu-ano naman ng kahalayan ang naiisip ko. Napupuri ko pa ang maniac na yon. Naku-naku Ciel.. ayan ka nanaman. Masyado mo nanamang pinuri yan, kala ko ba galit ka dyan? Yun nga e, ang alam ko galit ako sa kanya pero-- ay ewan basta galit ako.!
"psst... 0y!" kalabit sa akin ni ate Clarise. Don ako bigla natauhan. Gaadeeymeeett.....! "bakit tulala ka nanaman dyan?"
"huh? h-hindi naman a." pautal na sagot ko."b-bakit kasi may doberman dito!?" nilakasan ko yong boses ko para marinig ni Alex.
"anung doberman na pinagsasabi mo dyan, wala namang aso dito." sagot naman ni ate Clarise na naguguluhan. Tsk! bulag lang teh, nasa harap na nya eh..
"ayan nasa harapan natin. Wag nga kayo magbubulag-bulagan dyan ate." sagot ko naman. Uuwi na nga ako, masisira pa araw ko. "0ws? " Si kunsensya naman, ume epal. Gusto yata nya na di maisama sa baryo e.
"hala Ciel, puro ka kalukohan e si Alex lang naman nasa harapan natin a." at ibinaling ang tingin kay dober na hanggang ngayon ay nakangiti pa. Grabe, di kaya nangawit ang bibig nya? Well, its not may problem anymore. Ahehe english yon. Naman, education course ko noh. "major in filipino naman" aww si kunsensya binuking ako. Pasasagasaan ko na ito e.
"sakto lang dating mo Alex, anu, tara na?" si ate Clarise
Hannudaw? Inaya nito si Alex? Sasama ito sa amin!!!???
"ate, wag mong sabihin na isasama mo yan!" turo ko kay dober na tumalikod para buksan ang pinto ng kotse nito. "wow.. nakaracer back pala ito at juskooo fo mr. fu amfutiii ng likod nya... Napatakip na lang ako sa bibig ko, baka kasi tumulo laway ko, atleast di nila makikita kung sakali diba? Bawat paggalaw nito, ang hot at ang sexy ng dating. Bigla naman ito lumingon sa akin, di na ako nakaiwas ng tingin. Naku! Panigurado nahuli nya akong nakatingin sa likod nya! Pakshet naman! Napakapasaway naman kasi ng mata ko. Enebeyen...!
"enjoying the view huh.." anito saka nya ako kinindatan. Tsk! Kahit kelan pang asar talaga. Inirapan ko na lang siya.
Natatawang ipinasok naman ni ate Clarise ang dala naming bag sa backseat. Kainis, kelan pa naging close ang mga ito at nagawa pa nitong isama ang doberman na ito sa amin.
"ate, bakit nag aya ka ng mafeeling? Bawal yon sa atin di ba?" baling ko kay ate Clarise.
"hay naku Ciel, wala namang ginagawa sayo ang tao. Bakit mo pinag iinitan? Inimbita ko siya para naman makapamasyal sa atin. Ayam mo nun, libre pa sa pamasahe."sagot nito sa akin. "sumakay ka na." pang aaya pa nito.
Wala na ako nagawa. Sayang nga naman kung mamamasahe pa, may libre na nga e. Ibibili ko nalang ng balot yong ipapamasahe ko sana. Nakabusangot nalang ako at sumakay na rin sa backseat. Hmm... sarap ng amoy ng kotse ni dober. Napakalambot pa ng upuan, achuchu.! Sa totoo lang, ngayon palang ako nakasakay ng kotse at di ko lubos akalain na makakasakay ako at sa ganito pa kaganda at kabonggang kotse! Kung artista na lalaki ang kotse ni dober ay parang si coco martin. Sarap reypin!! ahihihi! Nagmo moment ako nung may kumalampag sa bintana sa side ko. Pagtingin ko ay si dober pala na nakapamewang. 0o na seksi kana, kelangan bang ipamukha. Bakit di pa pumasok para lalarga na kami. Binaba ko naman yong bintana, medyo nahirapan nga ako kasi di ko kabisado, buti nalang at tinulongan ako ni ate Clarise.
"anu!?" salubong ang kilay na tanong ko pagkababang pagkababa ng bintana. Salubong din ang kilay na humarap ito sa akin. Anu naman problema nito?
"lipat ka sa harap." utos nito sa akin.
"ngek! ayuko nga!" sagot ko naman, bakit naman nya kasi ako palilipatin sa harap.
"lipat ka sabi e, magmumukha akong driver nyo e." anito sabay hila ng kamay ko. Pssh.. naman, kala ko dahil gusto nya ako makatabi, ayaw lang pala nito magmukhang driver. Wew.. kung anu ano pa kasi naiisip.. esh..
"ayuko! si ate Clarise na lang." at niyugyog ko naman si Ate Clarise na walang pakialam sa pagbabangayan namin ni dober. Nakasandal pa ito at nakapikit, nakahh!! relax ang lola.
"hmm.. Ciel naman e, kaw na lang lumipat. Tinatamad na akong lumabas."sagot nito at pumikit ulit.
Tsk! Kainis talaga."kahit ikaw nalang kasi mag isa sa harap." baling ko ulit kay dober.
"ayuko nga, lika na kasi para makaalis na tayo."pangungulit nito. Tsk! Lumabas na lang ako mula sa backseat para di pa magtagal ang argumento at nang makaalis na kami. Ngising tagumpay naman ito. Gulat pa ako nung pagbuksan nya ako ng pinto sa passenger seat. Aysus.. gentlewoman naman pala ito kahit papanu. Sumakay na rin ito at pinaandar na ang sasakyan.
"mukha ka naman kasing driver bakit ka pa nagrereklamo." bulong ko pero alam kong dinig nito.
"mukha nga akong driver, mukha ka ring kundoktor.." ganting pang aasar nito sa akin saka nya ako tiningnan at ngumiti. " kaya nga bagay tayo." dagdag na bulong nito sabay kindat sa akin. Ohhmhayghad!! Tama ba yong narinig ko?? Marlonestar, naglinis ako ng tenga pramis to God!
^-^
salamat po sa mga nagbabasa at ng vote!!
BINABASA MO ANG
You Are My Everything (girlxgirl)
RomanceAng crush ko naman talaga ay ang sincebirth bestfriend ko. Ang alam ko straight ako gaya ng ruler, pero noong nakilala ko si Alexdoberman naging straight ako na parang rainbow. Pa read po. Thankz!