Chapter 10

12.3K 259 13
                                    

Hi to Aayie08 (Anne)
enjoy reading

"Can I stay in your house?" tanung sa akin bigla ni Alex pagkababa namin ng sasakyan. Sa bakuran na nina ate Clarise pinark ni Alex si Coco Martin (tawag ko sa sasakyan nya). Ang mga kapitbahay naman na usyosera't usyosero ay manghang mangha kay Coco martin. Tsk! Mga kagaya ko ring mga perstaym ang mga yan.

"ha? Bakit sa amin? Si ate Clarise naman nag imbita sayo a. Dapat don ka sa kanila tumuloy." sagot ko. Weh, alangan naman na don siya sa bahay namin. Dalawa lang kaya kwarto don.

"Nakalimutan ko palang sabihin na sa inyo sya tutuloy. Wala siya matutulogan sa bahay dahil umuwi sina tita galing canada." ani ate Clarise.

" ate naman e. Dalawa lang kwarto sa bahay namin. San naman sya matutulog." angal ko.

"Wala naman si Katelyn a. Magshare muna kayo ng room. Saka si Potpot  kina tita at tito naman nakikitulog." sagot ni ate Clarise.

" Aist ate Clarise naman e.!" Angal ko ulit.

" Kung wala ako matutuloyan, di balik na lang ako sa bayan." ani Alex na parang nagpapaawa pa. Aish....

" Kita mo Ciel! Di ka na nahiya kay Alex. Nalibre ka na sa pamasahe tapos ganyan ka pa." sisi naman ni ate Clarise sa akin.

"esh! Sige na nga! Sa amin ka na tutuloy dober!" baling ko kay Alex

"ha? dober? Tawag mo sa akin dober?" si Alex na nanlalaki ang mata at turo pa mismo ang sarili. Tumawa naman si Ate Clarise.

" Wag ka ng umangal dyan. Sige ate Clarise, una na kami." paalam ko kay ate Clarise.

"Dober!" tawag ko kay Alex. "Sumunod ka na sa akin." at na una na akong naglakad pauwi sa bahay. Malapit lang din sa bahay nina ate Clarise.

Pagdating sa bahay ay agad ako nagmano kina nanay at tatay.

" o, sino naman yang kasama mo? Ba't di mo sinabing may kasama ka para nakapaghanda naman sana ako." ani nanay habang tinitingnan si Alex.

"Nay, Tay, si Alex po pala, schoolmate namin." pagpapakilala ko.

"Gandang gabi po." bati ni Alex at nagmano rin kina nanay at tatay.

"Buti napasyal ka sa amin. Kaganda da at katangkad mo naman ineng." puri ni tatay kay dober.

" Di naman po. Maganda daw po dito, marami daw po papasyalan dito." sagot naman ni Alex.

"ay tama ka anak." si nanay naman. "lalo nat piyesta ngayon dito."

" Nay, si Potpot po pala?" tanong ko. Ngayon ko lang maalala ang bunso kong kapatid.

" Na kina aling Puring, inutosan ng nanay mong bumili ng kape at asukal, naubusan pala kasi tayo." sagot ni tatay.

" Ay ganun po ba? Uutosan ko pa naman sanang bumili ng balot e. Mamaya na lang po." ako, haist.. sarap sana kumain ng balot ^_-

" Ayain mo munang magpahinga yang kasama mo Luciel, baka mamaya napagod sa byahe at mamaya kakain na rin tayo ng hapunan."utos ni nanay.

" Sige po. Dober, tara." aya ko kay Alex. Nakabusangot naman ito dahil sa pagtawag ko sa kanya ng dober. Panigurado pagod ito dahil nagdrive pa ito. Tinulogan ko nga siya buong byahe hihi. Sukat ba naman kasing sabihin na "bagay kami", ayun tulala naman ang lola nyo. Di na ako nakapagsalita, tinulogan ko nalang. Bagay daw kami e nagpaligaw naman siya kay Raem, saka panu naman nangyari na bagay kami e parehas kaming babae, sinong lalaki sa amin, siya? Siya ang iibabaw sa akin kung sakali? Hala! hihihi puro kahalayan nanaman ang nasa isip ko. Bastos na kaisipan yan..

Pagpasok namin sa kwarto ko ay iginagala naman nito ang paningin nito sa kwarto ko. Tsk! Naliliitan siguro.

"wag kang mag expect ng maluwang na kwarto, maliit lang kwarto ko at kwarto pa namin ng ate ko to. Saka wala kaming kutson." ako.

"hmmm..... wala naman ako sinasabi a. Ang cute nga ng kwarto mo e. Sing cute mo." sagot nito sa akin sabay upo sa papag. Feel at home agad.

" m-ma- matagal ko ng alam na cute ako.!" pagsusungit ko para pagtakpan ang pag e stammer ng boses ko. Eto nanaman e, hinaharot nanaman nya ako.

" Ako lang yata nagsabi e." pang aasar nanaman nito. Tsk! Kainis, kanina pinuri ako ngayon nang aasar nanaman.

"marami na nagsabi noh, di lang ikaw." pagmamayabang ko rin a.

"Talaga?" at kinindatan pa nya ako. Tsk! Inaakit yata nya ako e. Ehihi

"0o, at wag mo ng itanong kung sino dahil di mo rin kilala." sagot ko. " Mauna na akong maligo, dyan ka muna." at iniwan ko siya sa loob ng kwarto. Kadikit lang ng kwarto ko ang banyo namin.

Pagkatapos kong maligo ay  sa banyo na rin ako nagbihis. Mahirap na baka pagnasaan pa ako ni doberman.

" o, ikaw naman, kung naliligo ka." pang aasar ko rin.

"Syempre naman, amoyin mo pa ako kung gusto mo. Pero pweding pahiram ng tuwalya? Nakalimutan ko kasi magdala e, kung pwede.." pakiusap nito.

" wait lang, maghahanap muna ako." at kinalkal ko ang aparador ko. Swerte naman at nagpakita si dora. Ang isa ko pang tuwalya na design ay si dora. Hinagis ko sa kanya at agad din nitong nasalo.

" thanks dora!" sagot nito at nagmadaling lumabas ng kwarto. Tsk! Tawagin ba naman akong dora, porket mahilig sa dora, mukha na bang dora. Tumayo ako at humarap sa salamin. Di naman ako mukhang dora a, wala naman akong bangs. Niluluko ako ni dober e.
Ang ginawa ko na lang ay nagpatuyo ng buhok gamit ang electricfan.
Patuyo na ang buhok ko nung matapos na rin itong maligo. Mabilis ang pagpasok nito sa kwarto, yun pala nakatapis lang ng tuwalya! Emeged! Di ko na alam kung ilang beses akong napalunok. Matutuyuan na yata ako ng laway nito. Dyosko po, ikaw ba naman makakita ng dyosa na nakatapis lang ng maliit na tuwalya, konting tuwad lang makikita ko na ang kwan nya. Hay naku, wag nyo na akong pilitin na banggitin kung ano yong "kwan", sa akin na lang yon. Tumutulo pa ang tubig mula sa basang buhok nito pababa sa mapuputi nitong leeg,  may tumutulo rin sa legs nito, basa pa rin siguro ang buhok nito "doon" hihihi!. Gaadyemmet... maputi at mapula pula ang kanyang sakong, anu kaya pakiramdam kapag dilaan ito simula sa sakong paitas...?
"HEAVEN"biglang sagot ni kunsensya na ngayon lang din umeksena.

^-^
hi to Mybabykelly (rei)

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon