Ilang buwan na ang nakalipas. Bakasyon na rin. Lage kami magkasama ni dober, namamasyal din kami sa amin paminsan-minsan. Ang ikinasasama lang ng loob ko ay parang wala naman yata itong balak manligaw sa akin, wala namang sinasabi. Kakahiya naman kung ako pa mag oopen.
"Hoy Ciel! Anu nanaman iniisip mo dyan?"ani ate Clarise. Naghahanda na ang mga ito kasama si Raem at magulang nila dahil ngayon ang gruduation nito. Buti pa si ate Clarise natapos na sa koleheyo, ako mag sesecondyear pa lang.
"Wala ate, wag mo ako pansinin. Remember, its your day today." pilit ang ngiting sagot ko.
"Sus! Si doberman lang yan!" sigaw naman ni Lyka. Takte! Kelan pa ito nakarating sa kwarto namin?
"Tse! Andito ka nanaman? Lumayas ka nga! Di ko feel ang pagmumukha mo ngayon. Tsupi!" biro ko rin sa kaibigan ko.
"Prenship naman, kung galit ka sa mundo wag mong idamay ang mga tao sa paligid mo." dagdag pang pang-aasar nya sa akin.
Tsk! Kahit kelan talaga, pumunta lang yata dito upang asarin ako.
"Di ako galit sa mundo noh!" nakasimangot na sagot ko.
" Asus! Di raw, e sambakol yang mukha mo. Ayusin mo nga para kapag picture taking na di mukhang dinaanan ng bagyo yang mukha mo." anya pa sa akin. Hainis naman! Palibhasa blooming to ngayon, nakalimutan ko palang sabihin na sila na ni Jackson. Di naman kasi katulad kong dalagang pilipina yang mukhang baklang kaibigan ko. Umpisa pa lang ng ligaw sa kanya ni Jackson, sinagot agad.
"Tse! Maganda na ako kahit di ako magmake-up noh!" sagot ko. Humarap naman ako sa salamin at inayos ang nagulong buhok ko mula sa pagkakasandal sa sofa. Panay din tingin ko sa 3210 ko kung may text ba si dober pero wala.
"Di raw sya makakadalo!" ani ate Clarise sa akin. "Nagtext sya kanina sa akin, may aasikasuhin daw."
Buset! Buti pa kay ate Clarise nakuhang magtext, sa akin hindi. Anung klaseng manliligaw yon? Ay! Nakalimutan ko, di pa nga pala nanliligaw ang mukhang asong yon. Hainis!
"Tara na!" Maya-maya ay aya na ni Raem. Kasama rin nito ang girlfriend nitong nakilala nito sa bar nina dober. Hainis talaga! Ako na lang walang partner! Ay ulit! Merun pa pala si ate Clarise hihi!
Lumabas na kaming lahat sa boarding house at pumunta na sa school.
Napakaganda ni ate Clarise! Bagay sa kanya ang nakatoga!
****
Pagkatapos ng graduation ay dumeretsu kami sa mang inasal. Napalaban nanaman ako sa kainan, sirang-sira talaga ang diet ko kapag badtrip ako. Kainis kasi si dober, di man lang nagpakita.
Humirit ako ng halo-halo kaya pumila ulit si ate Clarise sa counter.
"Ako ang nauna mis, wag ka nang sumingit! kita namin na nakikipag talo si ate Clarise sa isang babae sa pilahan.
"Saglit lang naman ako!" sagot naman nung babae. Nakaside view ito kaya di namin gaanung makita ang mukha nito pero halatang maganda, maganda rin ang katawan. Nakadress ito ng hanggang tuhod. Halatang makinis ang balat, halatang mayaman.
"E sa ako nga ang nauna sa pila." sagot naman ni ate Clarise. Makikialam na sana ang mga crew nung bigla nalang kumuha ng tubig mula sa mesa ng mga costumer yong nakadress na babae at isinaboy sa mukha ni ate Clarise.
"0wwww......!" napa oww pa ang mga usyusera at usyuserong costumer. Nagmamadali na ring umalis yong babae. Parang tanga lang din kaming nanonood kasama magulang nina ate Clarise.
BINABASA MO ANG
You Are My Everything (girlxgirl)
RomanceAng crush ko naman talaga ay ang sincebirth bestfriend ko. Ang alam ko straight ako gaya ng ruler, pero noong nakilala ko si Alexdoberman naging straight ako na parang rainbow. Pa read po. Thankz!