Chapter 7

13.5K 287 27
                                    

"Ciel, pakabait ka ha. Wag mong bibigyan ng sakit ng ulo sina Clarise at Raem." anang ate Katelyn nya. Yong nagtatrabaho sa bakery. Dinalaw siya nito sa boarding nila para hatiran ng allowance. Nakisabay ito sa may ari ng bakery na may dadaanan lang din daw malapit sa boarding house namin.

"0o naman ate, ako pa." mayabang na sagot ko.

"sus siguradohin mo lang. Wag ka munang magpapaligaw." dagdag pa nito. "Clarise, baka may nanliligaw naman kay Ciel ha?" baling nito kay Clarise. Nasa kusina kaming apat at kumakain ng pasalubong ni ate na pagkadami daming tinapay. Nagpaiwan naman  yong bos nito sa kotse na sinakyan nila.

"h-ha? 0o naman Kate. Walang nanliligaw dyan." nauutal na sagot ni ate Clarise. Namula pa nga ito, dahil siguro alam nito na may gusto ako kay Raem.

"tingin pa kasi nila kay Ciel ay trese, kaya di nila nililigawan. Pero sa totoo lang may gustong manligaw kay bansot." sabad naman ni Raem kaya nagtawanan sila. Nagsalubong naman ang mga kilay ko. Psh..

"basta! Wag ka muna magpapaligaw, para hanggat kaya ko, kaya namin nina nanay at tatay ay pag aaralin ka namin."sabi ni ate Katelyn. Di na nabigyang pansin kung sino yong gustong manligaw.

"0o na po, pramis!" at itinaas ko pa ang kanang kamay ko na tila nanunumpa. "sus! Wala ngang manliligaw pero nagpahalik naman!" kantyaw ni kunsensya. Dahil don ay parang naimagine ko nanaman si dober na nakangiti na nakatitig sa akin...... na para bang gusto nya akong halikan. Ahhh.... Napapikit tuloy ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Tik!" Tunog nung pagpitik ng kung sino sa noo ko kaya bigla ako napadilat. Lahat sila malapit at nakatingin sa akin. Nakangisi naman si Raem at hinihipan pa ang daliring pinangpitik sa akin.

"bakit ka namimitik!?" sigaw ko kay Raem.

"abah, ate Katelyn. Tingnan mo si Ciel o, nagtatanong pa. Sukat ba naman kasi na mag imagine at  sa harap pa natin." pangangantyaw ni Raem. Hala! Halata bang nag imagine ako? Psh.. kasalanan to ni dober, kung di kasi nagpaimagine e di ko naman siya iimaginen e. "huh? at nanisi pa ang malandi." sagot ni kunsensya. Esh! kainis..

"Di ako nag iimagine huh."palusot kong namumula.

"e anong tawag mo don?" si ate Katelyn. Tahimik lang si ate Clarise pero ngingiti-ngiti.

"Nagku- concencrate lang naman ako sa panunumpa ko na di magpapaligaw." sagot kong nakanguso

Puro nalang kantyaw ina abot ko. Pinagpatuloy pa nila pang aasar nung may kumatok sa pinto. Agad naman binuksan ni Raem. Pumasok naman yong kumakatok at si dober pala. Nakaramdam nanaman ako ng kakaiba at selos. Basta selos! Grabe naman ang babaing to, di na antayin na siya ang dalawin ni Raem. Siya na mismo nanliligaw. Arggh! Kainis!
Di ko pa nakakalimutan yong sagot nito sa tanong ko kung bakit nya ako hinahalikan. Ang sabi lang malalaman ko daw pagdating ng araw, saka nya ako iniwan mag isa. Anu naman daw kaya?

"oh.. sinu sya?" tanung ng ate ko at palipat lipat ang tingin nito sa amin. Nakaupo na rin si Alex at paharap pa sa akin. Nakasimpleng black tshirt lang ito na may design at skinny jeans na pinarisan ng flatshoes. Pero bakit kahit simpleng damit mukha pa rin itong kagalang galang, maganda pa rin, mukha pa ring malinis, mabango---- ay Ciel, tama na. Pinuri mo nanaman yang karibal mo. Saway ko sa sarili ko.

" ate Katelyn, siya pala si Alexine. Schoolmate namin--- at nililigawan ko." sagot ni Raem. Dyos ko, kailangan pa daw idagdag un?

"wow! Talaga?" namilog naman ang mga mata ni Ate Kate. Ang oa lang nya pramis. "Ang galing mo naman mamili Raem!" dagdag pa nito. Pssh! Nakailang pssh na ako. Mas malayo naman na magaling siya mamili kung ako niligawan nya noh. At si dober naman, ang ganda pa ng ngiti nya. Sarap nya ipalaman sa tinapay at nguyain ng pinung-pino. Parang grinder o blender lang haha!

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon