Chapter 42

5.7K 149 9
                                    


Violeta

"Tama na yan Alex please... Lasing ka na."

"No! Ibalik mo sa akin yan!"

"Pero lasing ka na! Ilang araw mo ng ginagawa yan ha? Maawa ka naman sa sarili mo!"

"Wala akong pakialam! Bakit di nyo na lang ako hayaan ha? This is my life!" Aniya at pasuray na naglakad paakyat sa kwarto nya. Wala na akong nagawa, tinawag ko na lang ang katulong nila para iligpit ang mga kalat.

So eto nga, nagkakamalabuan na sila ni Ciel. Sinisira na rin nya ang buhay nya. Di na nya naaasikaso ang bar. Parang di na sya yong dati. Naaawa rin ako sa kanya pero ito ang gusto ko, ang mawala sa isip nya si Ciel, makakalimutan din nya.

Sinundan ko na lang sya sa kwarto nya, panigurado di nanaman nagbihis bago humiga.

Naabutan ko syang nakadapa sa kama nya.

"Alex, you need to change your clothes first."

Umungol lang ito bilang sagot. Naglabas ako ng shorts at maluwang na t-shirt.

"Here, magpalit ka muna." Kako at iniabot ko sa kanya ang damit nya.

"Thanks.."
Pagkakuha nito ay pumunta muna ito sa sarili nitong c.r para magbihis.

"Pwede mo na akong iwan, kaya ko ang sarili ko." Aniya sa akin pagkatapos nyang magbihis.

"Pero gusto kong dumito muna." Protesta ko.

"Then leave me alone. Gusto ko mapag isa."

I sighed.

"Okay, nasa labas lang ako. Just call me kung kailangan mo ako." Pagkasabi ko nun ay nagtalukbong na ito ng kumot. Lumabas na lang din ako sa kwarto nya at nagtuloy sa guestroom.
Titiisin ko kahit napakalamig nya sa akin. Someday, matututunan din nya akong mahalin.

Alex

Many days, weeks and months had past pero di na talaga kami nagkaayos ni Ciel. Ilang beses ko pa syang sinubukang kausapin pero wala na talaga. Iniwan nya ako na parang wala lang, na parang wala lang sa kanya ang pinagsamahan namin.
Minahal ko naman sya ng totoo, ipinaglaban ko sya pero wala namang nangyari.

"Hey! Bumalik ka nga dito sa bar pero lutang ka pa din." Si Celeste. "Dapat be happy!" Aniya pa.

"Happy...? Lakas yata ng tama neto." "How could I? Lam mo naman siguro kung anu pinagdadaanan ko ngayon." Sagot ko at sinimsim ang alak sa baso ko.

"Yun nga e. Dapat wag ka magmukmok. Kung ayaw nya sayo, then fine! Humanap ka na ng iba."

"Di naman ganun kadali yon. Mahalaga sya sa akin at mahal na mahal ko sya. Ang gulo nga e, ang ayos ayos namin tapos isang iglap lang bigla nyang sasabihin na ayaw na nya, na may karelasyon na syang iba." Pagak akong tumawa.


"Baka naman may nililihim syang problema.." anito at umupo sa harap ko. I sighed.

"Kung may problema, bakit kailangan nyang ilihim sa akin. Handa naman akong makinig." Sagot ko. "Ilang beses ko na syang kinausap pero ala pa rin, kahit mga magulang at kapatid nya wala namang masabi sa akin." Malungkot na dagdag ko.

"Tsk! Tsk! Mahirap nga pag ganyan."

"Ilang beses na rin kaming nag away ni momy. Pinapaamin ko sya kung may ginawa sya kaya biglang nag iba sa akin si Ciel pero wala naman daw."



"So what's your decision now? I mean, what's your plan now?"

"I dont know... I even stalked Ciel at nakita ko na palage silang magkasama ng Justine na yon at para ngang may relasyon sila. Ang sakit lang huh..." Pinilit kong pigilan ang luha ko pero pumatak pa rin.


Lumapit naman ito at inakbayan ako.

"Kaya mo yan Alex, anu ka ba! You are a strong person. Huwag mong hayaan na matalo ka." Anito at tinapik pa ako sa balikat ko.

Yeah.. Tama sya. Di talaga ako dapat magpatalo. 0ne more try. Kakausapin ko ulit si Ciel... Hindi ako basta basta susuko na lang.


Thanks for reading.
Pasensya na po sa matagal at short na short na update.
Sana magvote po kayo at comment na rin:)


You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon