"A-anung ginagawa mo dito?" nakabusangot kong tanung kay dober. Ngumiti naman ito sa akin.
"syempre nag CR, kaw naman. Kailangan pa bang itanong yan." sagot nito sa akin.
"hmp!" inismiran ko lang siya.
"Umiyak ka yata, bakit?" tanung nito sa akin.
"bakit ka nagtatanong e di naman tayo close." nakasimangot na sagot ko. Lumapit naman ito sa akin. Kinabahan tuloy ako.
"see? malapit na ako sayo. Close na tayo diba?" pamimilosopo nito sa akin. "anu, bakit ka umiyak?" tanung ulit nito. Arggh kulit!
"d-di naman ako umiyak a." kaila ko.
"halata sa mata mo, namumugto kaya. May problema ka ba?"
"ikaw ang problema ko." sagot ko pero sa isip ko lang.
"wala." tipid na sagot ko.
"0w? Bakit bigla kayo umalis kanina ng kaibigan mo sa park?"
"hmm? Wala lang, nagmamadali lang dahil malelate na kami sa subject namin." sagot ko. Imbestigador pala to.
"ah really? E bakit nandito ka pa? Sabi mo nagmamadali kayo." pangungulit nito.
"tsk! wag mo ako pakialaman!" pagsusungit ko. Alangang sabihin ko na umatongal ako ng iyak kanina dito. Pagtawanan pa ako.
"Ang sungit mo naman.Hmmm... Gusto mo ba ako para sa childhood bestfriend mo?" kapagkuway tanong nito. Tsk! Bakit kailangan pa nitong itanong ang mga bagay na iyon. Anung isasagot ko? Na ayaw ko siya para kay Raem dahil gusto ko ang sarili ko para kay Raem? Pwede ba yon? "go, fight! Ipaglaban ang karapatan!" sigaw ni kunsensya. Manahimik ka nga!
"w-wala ako karapatan na makialam kung anu o sino ang magugustohan nya."sagot ko at akmang aalis nung hinila niya ako. Nakihila nito ang laylayan ng blouse ko. Napatingin ako sa kanya at napatingin din ito sa akin. Naramdaman ko nanaman yong mga abnormal kong nararamdaman sa twing magkadikit kami.
Bumaba ang tingin nito sa may bandang leeg ko at ngumiti.
"I really love my arts. It looks good in your neck princes."anito
"huh? Arts daw?"
Sandali akong napaisip. Anung arts ang pinagsasabi nito? .......... Oh my God amiga! Wag nyang sabihin na-----Pak!!! ayan, pagkalutong kong sampal sa kanya. Napamulagat naman ito at napahawak ito sa pisngi nitong sinampal ko.
"bakit mo ako sinampal!?"gulat nitong tanong.
"tinatanong mo pa? May pa arts-arts ka pang sinasabi! Walang hiya ka! Bakit mo ako nilagyan ng chikinini ha!" sigaw ko sa kanya habang nang gigigil kong pinaghahampas sa kanya yong shoulder bag ko. Panay naman ang salag nito gamit ang kamay nito.
"Nah, aw! aw! Ouch! Tama na!" saway nito sa akin pero di ko siya tinigilan. Hampas don, hampas dito, hampas forever ang ginawa ko.
"maniac ka talaga! Wala kang kahihiyan! Pinatulog na nga kita sa pamamahay ko pero ganun lang igaganti mo!" sigaw ko ulit sabay hampas nanaman. Sige pa rin ako ng hampas pero bigla ko itinigil dahil bigla ito tumahimik at di manlang sinalag ang mga hampas ko. Seryuso itong tumingin sa akin kaya kinabahan ako.
"Are you done?" si Alex
"h-ha?" kinakabahan ako kaya isang pautal na "ha" lang naisagot ko.
"kasi kung tapos kana, ako naman." anito at walang babalang itinulak niya ako kaya napasandig ako sa dingding.
"walang hiya ka talaga! Bakit ka nanunu-" di ko na naituloy ang dapat ko pang sasabihin dahil marahas nitong inangkin ang aking labi. Nagpaparusa ang paraan ng kanyang paghalik. Pakiramdam ko ay madudurog na ang labi ko. Pilit ko siyang itinutulak pero malakas parin talaga ito kesa sa akin. Napaluha nalang ako dahil pakiramdam ko ay dudugo na ang labi ko. Hinayaan ko nalang siya at di na ako nanlaban. Naramdaman ko nalang na kusa itong tumigil at pinahid ang luhang naglandas sa pisngi ko saka niya ako niyakap. Alam ko pagkakataon ko na para tumakbo at umiwas pero parang di kayang humakbang ng paa ko. Parang gusto ko yong pakiramdam na nakayakap ito sa akin.
"sshhh..... stop crying princes. Kaw naman kasi ang tigas ng ulo mo." bulong nito sa akin habang hinahagod ang likod ko. Kahit nakasuot ako ng damit ay tumatagos pa rin ang init ng palad nito sa likod ko.
"i-i hate you.." sagot ko
"aww.. it hurts. But its okay." sabay haplos nito sa mukha ko. Ako naman ay parang tuod na di manlang umiwas. Kasasabi ko lang na i hate you sa kanya tapos ngayon hinahayaan ko lang na haplos haplosin nito ang mukha ko. Gaadyemmet.....
"ahhh.... sabi ko i hate you..!" ulit ko.
"i dont care...." bulong nito at walang sabi-sabing inangkin nanaman ang labi ko. Pero this time ay gentle na ang paraan nito. Inuutosan na ako ng utak ko na itulak siya pero di naman kumikilos ang mga kamay ko bagkus ay nakalambitin na ito sa batok di dober. Di ko rin namamalayan, tinutugon ko na rin pala ang halik nito. Bawat galaw ng labi nito ay sinusundan ko. Parang drugs ang halik nito at pakiramdam ko ay naaadict na ako. Pinasok nito ang dila nito at lahat ng madaanan ay ginalugad.
"ahhh......" di ko mapigilang mapaungol. Lalo naman nito pinainit ang paraan ng paghalik sa akin. Bumaba ang paghalik nito sa akin papunta sa leeg ko at bawat daanan ng labi nito ay parang nag iiwan ng apoy na nagpapainit sa katawan ko.
"ahhhh.... A-alex... s-stop.." pakiusap ko. Baka pag di ko siya pinigilan ay baka kung saan pa kami abutin.
"hmmm...?" namumungay ang mga matang tumingin ito sa akin. Napalunok nanaman ako. Muli nitong inangkin ang labi ko. Arggh! Bahala na, saka ko nalang siya pipigilan. Nag eenjoy pa ako. ^^
Kasarapan ng pag eenjoy ko nung unti unti nitong nilalayo ang mukha nito sa akin. Tsk! bitin nanaman ako. Arggh! anu ba!? Dapat pa ng magalit ako eh. Anu na bang nangyayari sa akin.
Tinitigan nya ako saka ngumiti. Napayuko na lang ako. Dyosko! Wala na akong puri! First kiss, second kiss, third kiss ko ay naibigay ko na at sa dober pang nilalang. Ay ewan, kanina ang sungit ko pero bakit kadali kong bumigay? Natotomboy na ba ako at si dober pa pinagnanasaan ko? Anu nalang sasabihin ni Raem sa akin.. Haaay Dyos ko Lord, patawad pagkat akoy makasalanan, makasalanang nilalang.. ehh kanta na yon a.
Narinig ko ang paimpit na pagtawa ni dober kaya napatingala ako."bakit ka nakikipag argumento sa sarili mo?" anito
" h-ha? Di a." sagot ko " bakit mo kasi ako nilagyan ng kiss mark at bakit mo ba ako hinahalikan?"tsk! ewan ko ba kung bakit ko naitanong, alam ko namang pinagtritripan ako ng dober na to.
^-^
BINABASA MO ANG
You Are My Everything (girlxgirl)
RomanceAng crush ko naman talaga ay ang sincebirth bestfriend ko. Ang alam ko straight ako gaya ng ruler, pero noong nakilala ko si Alexdoberman naging straight ako na parang rainbow. Pa read po. Thankz!