Ciel
"Tayo nalang magtabi." Ani Alex sa akin at itinabi nya yong upuan malapit sa akin. "Bakit magkasama nanaman kayo ng Justine bolbol na yan..?" Bulong nyd sa akin. Inirapan ko lang sya, makatanong kala mo naman walang ginawang milagro. Grrr!
"Alex.. Eto na yong order natin.." Malambing na sabi ni Violeta kay dober.
"Kay Ciel na ako makikikain, di ba baby ko?" Anito sabay kindat sa akin. Tinudyo tudyo naman kami nina Jane at Lara, sumimangot naman si Biolet, buti nga sa kanya. Hmp! May nalalaman pa itong dober na baby e di pa nga nakakapagpaliwanag sa akin huh..!
"E baby mo yang mukha mo." Kako at nilapit ko lang sa akin yong pagkain ko.
"Damot naman ng baby ko." Aniya sa akin at ngumuso.
"Tse!" Inirapan ko ulit sya. Sinu naman sasaya kung makikita mo yong kasintahan mo at may kahalikang iba, idagdag mo pa kaharap ko pa ngayon. Ang sarap kaya nyang katayin ngayon. Paraang PINIKPIKAN ang gagawin kong pagkatay sa kanya. Torture talaga hahaha!
"Hoy Ciel! Nakangiti ka pero di ka naman nakaharap sa doberman mo. Aminin mo, may halong drugs yang chicken mo noh?" Ani Lara sa akin.
"Paki nyo, trip ko eh, ngumiti din kayo kung like nyo." Kako at ipinagpatuloy ko ang pagkain ko.
Mayamaya lang ay nagpaalam si Justine, mauuna daw ito dahil may nakalimutan daw ito sa school, okey lang andito naman si dober ko.
"Baby naman.. Di mo naman ako pinapansin, kay Violet nalang ako makikika- umpt!"
Haha! Kay Biolit pala ha, ayan nguyain mo yang buong hita ng manok!
"Ciel! Luko ka! Mabubulunan naman si Alex sa ginagawa mo!" Sermon naman ni ate Clarise.
"Ciel, muntik na ako don a, gusto mo naman yata akong ma deadbol.." Reklamo ni dober matapos mailuwa yong hita ng manok. Akma namang hahaplusin ni Biolit ang likod ni dober pero inunahan ko sya. Katakot takot na irap ang ganti nya sa akin. Binelatan ko rin, kala nya ha.
"Aww.. Low class talaga.." Bulong nya pero dinig ko.
"Sinong sinasabihan mo ng low class ha!"
"Kung sinung nakarinig idi sya!" Abah, sagot ba naman nya sa akin.
"Malandi, mang aagaw, haliparot, isinisiksik ang sarili sa ayaw naman sa kanya...!"
"Sinong tinutukoy mo ha?"
"Aba ewan ko, sinu nga ba? Hihihi!"
"Ciel, tama na yan.." Si Alex at niyakap ako. Grr..! May gana pa syang mangyakap samantalang kahalikan nya nung isang araw tong crocodile sa harap ko!
"Sinu nga sabi? Sinung pinariringgan mo!?"
Ani Biolit, umuusok na yata pwet nito. Sina ate Clarise ay di na mapakali, alam na yatang sasabog ako.
"Kung sinu yong nagtatanong, sya yong tinutukoy ko!" Hindi makapagpigil na sagot ko. Biglang tumayo si Violeta at akmang sasampalin ako, naharang agad ni Alex ang kamay nya.
"Don't you ever hurt my girlfriend! Baka ako ang makakalaban mo!" Galit na duro nya kay Violeta. Halatang shocked naman ang rumehistro sa mukha nito.
"I hate you Alex! Isusumbong kita kay Tita! I hate you. I hate all of you!" Anito at tumakbo paalis.
"Sabi kasing wag patulan!" Ani ate Clarise at tumayo.
"She deserved it." Si Alex.
"Mauna na muna ako. Jane, una na muna ako. Kaw na lang muna umuwi mamaya." Paalam nito at nagmamadaling umalis. Tinginan na lang kami, anung nangyari don?
***
"Baby, sorry na.."
"E sorry mo yang mukha mo."
"Pleaaaase...."
"Wag kang magpacute, di ka naman pusa, aso ka lang."
"Baby naman, seryuso ako."
"Seryuso rin naman ako a, anu kala mo sa akin nagbibiro? Sinu kaya sa atin ang nagbibiro ha?" Di ko na napigilan, tumulo ang luha ko. "Kaya mo ba ako dinala sa bahay nyo ay para ipakita ang paghahalikan nyo?"
"Baby... Di mo pa kasi alam ang nangyari.."
"Ow?"
"Parang set up lang yon Ciel."
"Ganun? Set up lang? Di mo ginusto yon?"
"Hindi. Siya lang naman humahalik sa akin, planu nila yon ni momy."
"Sure ka?" Tiningnan ko sya ng masama.
"0o nga po, ikaw lang ang number one sa puso ko.. Maniwala ka naman o.." Lambing nya sa akin.
Agad agad ko syang niyakap, namis ko sya eh, di ko sya matiis hehe!
"We should celebrate babe."
"Babe?" Kunut-nuo akong tumingin sa kanya.
"Yes babe, short for baby." Aniya sa akin at kumindat.
"Anu naman isecelebrate natin?"
"Yong pagbabati natin at gusto ulit kita ma edate."
"Weh?" Pang aasar ko.
"Namis kasi kita ng sobra Ciel, lage mo naman kasi kasama yong Justine na yon." Ngumuso ito.
"Kaibigan ko lang yon noh. Namis daw, hindi mo na nga ako ulit pinuntahan sa boarding house." Ngumuso rin ako sa kanya.
"Nag aalangan ako kasi iniisip ko na baka galit ka pa. Nag lakas loob lang talaga akong kausapin ka kanina sa kfc." Paliwanag nito.
"Okay, bati na tayo basta wag ka na ulit lalapit sa Violet na yon. Coding sa akin yon!" Tumawa ito dahil sa sinabi ko.
"Sure babe.."
"Promise?"
"Peksman!" Anito at itinaas ang kanang kamay.
"Dapat lanp, kung hindi pektus ang abot mo!" Sagot with makamandag na irap.
****
"Antok ka ba babe?" Ani dober sa akin.
"Hmmm?" Tumingala ako ng konti pero nakapikit pa rin. Nasa parke kami, dito naman nya ako lage dinadala. Pag nag aya ito ng date, laging sa parke. Ito na rin ang nagluluto at nagdadala ng pagkain namin. Naglatag kami ng comforter sa bermuda grass, nakahiga kami pareho at nakasiksik ako sa kilikili nya, hmmm... ang bango, sarap amoy amuyin hihihi!
"Inaantok ka na yata?"
"Hmmm.. Hindi po, nag eenjoy lang po ako."
"Nag eenjoy ka sa date natin kaya ka nakapikit?"
"Hindi."
"Anu?"
"Nag eenjoy ako sa pagsinghot ng kilikili mo..." Natawa ito sa sinabi ko saka nya pinanggigilan ang pisngi ko.
"I love you doberman ko...."
"I love you more babe.."
^__^
Thank you guys for reading!
Vote and comment;)
Iloveyouall♥♥♥
___Marlonestar
BINABASA MO ANG
You Are My Everything (girlxgirl)
RomanceAng crush ko naman talaga ay ang sincebirth bestfriend ko. Ang alam ko straight ako gaya ng ruler, pero noong nakilala ko si Alexdoberman naging straight ako na parang rainbow. Pa read po. Thankz!