Chapter 44

6.7K 149 26
                                    

A/n: hehe natawa naman ako sa comment nyo tungkol kay Justine. Thank you guys!
I love you all!!♥

                  -marlonestar-

Alex

"I love you Ciel... so mu-"

PAK!

Napamulagat ako, galit na galit ang mukha ni Violeta na nakatingin sa akin. Nasampal pa nya ako. So, imagination ko lang pala ang lahat.

"I hate you! I hate you Alex! Kelan ka ba magigising sa katutuhanan ha!?" Sigaw nya sa akin. Napatingin tuloy sa amin ang mga ibang costumers ng bar.

"Im sorry.. Di ko sinasadya." Tumayo ako, I was about to leave pero pinigilan at hinawakan nya ako sa braso.

"Alex, Im sorry too. Alam ko naman ang pinagdadaanan mo, but please, dont avoid me.." Umiiyak na pakiusap nya sa akin.

"Uuwi na ako. Gusto ko ng magpahinga."

"Then I'll go with you."
I sighed.

"Okay, wag mo lang akong kulitin, okay?"

"Okay!" Sagot nyang nakangiti. Inalalayan nya ako hanggang makalabas kami sa bar papunta sa kotse ko. Ito na rin ang nagbukas ng pinto para sa akin, inalalayan nya akong makaupo sa passenger seat.

"Ako na lang magdadrive, you're wasted."

"Okay." Kako na lang ipinikit ko ang mata ko.

***

"Bakit dito?" Tanung ko sa kanya pagkababa namin sa sasakyan. Sa kanila kasi kami huminto.

"Wala ng tanong okay. Just come."
Anito at inalalayan muli ako papasok sa loob ng bahay. Agad naman kaming sinalubong ng kanilang katulong.

"Manang pakihanda po ang maligamgam na tubig. Pakisunod nalang po sa room ko." Bilin nito sa katulong.

"Sige po senyorita." Anito at iniwan na nya kami.

"Tara sa taas." Muli nya akong inalalayan paakyat. Wala na akong magawa, sumunod na lang ako, saka di ko na rin kaya ang sarili ko, nakakaramdam na ako ng antok at pagkahilo.

Agad nya akong inalalayan pahiga sa kama. Nakasunod na rin ang katulong na may dalang planggana. Pagkakuha ni Violeta ay pinaalis na rin nito ang katulong. Nagkalkal ito sa mga drawer at may inilabas na towel.
Antok na antok na ako kaya pinikit ko na lang ang mata ko. Naramdaman kong tinatanggal nya ang t-shirt ko pero hinayaan ko lang. Naginhawaan naman ako nung idampi nya sa balat ko ang basang towel.
   Sana si Ciel ang gumagawa saken ng ganito.

Violeta

Matapos kong mapalitan ng damit si Alex ay humiga na rin ako sa tabi nya. Sana ganito na lang lage, sana lage ko syang kasama. Mahimbing na ang tulog nya. Niyakap ko sya ng mahigpit. Let me love you Alex, please....

Nakakaramdam na rin ako ng antok nung may kumatok. Tsk! Istorbo naman.
Tumayo na lang ako para buksan ang pinto.

"Senyorita, may naghahanap po sa inyo sa baba." Anang katulong namin. Sinu naman maghahanap sa akin ngayong oras?

"Sinu naman yon manang? Tinanong nyo ba kung anung pangalan?" Tanong ko.

"Clarise daw pangalan nya. Inutusan daw sya ng mama nyo at tumawag na rin si madam kanina, pay pinapakuha daw yata." Kwento nya.

"Ah okey. Sige, susunod na po ako."
Bumaba na ulit si manang, pumasok muna ako sa kwarto ko para magsuklay. Anu naman kaya pinapakuha ni momy sa kanya.

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon