A/N: pasensya po sa matagal na di pag update -__^
LUCIEL
"Anu bang problema baby, bakit ganyan ka?"
Naglakad nalang ako palayo ng konti sa kanya.
"At umiiwas ka na rin huh? May nagawa ba akong di mo nagustuhan?"
Lumapit ito sa akin at niyakap ako sa likod, napapikit na lang ako.
"Anu ba Ciel! Magsalita ka naman...!"
"Hihi! Binibiro ka lang po dober... "Humarap ako sa kanya sa gumanti ng yakap. Di ko sya kayang tiisin.
"Ciel! Huwag mo akong binibiro ng ganun kung ayaw mong hubaran kita!"
Tumawa ako at tumakbo palayo sa kanya. Sorry na lang si Mrs.Meyer pero di ko sya susundin. Humabol din sa akin si dober, nung maabotan nya ako ay pinugpog nya ako ng halik. Napatili naman ako ng malakas dahil nakikiliti ako.
"Mga lintik....!!!!!!!"Narinig naming sigaw kaya napatigil kami sa paghaharutan at napatingin kami sa taong nakatingin sa amin.
"Hindi kayo titigil ha? Kanina nyo pa ako naiistorbo! Di ko na maintindihan tong pinapanood ko!"Sigaw ni ate Kate, 0o nga pala, nasa sala nga pala kami hihi!
"Ate naman! Istorbo ka ng moment!"Kako at umupo ako sa sofa saka ko siya binato ng unan. Umupo rin sa tabi ko si dober.
"Moment, moment! Aroo.... Galing mo magpakipot kuno para lage ka susuyoin ni Alex noh!"Binato rin ni ate pabalik sa akin yong unan pero sinalo ni dober.
"Sinasanay mo kasi yan Alex kaya lumalaki na ulo yan."
Nanulis nguso ko dahil sa sinabi ni ate. Tawa lang ng tawa si dober sa amin ni ate.
"Baby, pwede na sabitan ng kaldero yang nguso mo.." Kantyaw pa nya sa akin.
"Don ka sa karinderya para may pakinabang pa yang nguso mo.." Dagdag pa ni ate. Aba, kanina lang sinalo pa ni dober yong unan para sa akin, pero teka, bakit parang sila na ang magkakampi?
"Sige lang pagtulongan nyo ako, kala mo dober ha." Kako saka tumayo at nagpapadyak na pumasok sa kwarto ko.
"Luciel Cruz! Isip bata ka pa talaga!" Dinig ko pang sigaw ni ate. Nilakasan ko ang pagsara ng pintuan, nagtawanan lang yong dalawa. Nahiga na lang ako at nagtalukbong ng kumot.
"Madam Meyer, pasensya na po pero di ko kayo masusunod, mahal na mahal ko ang anak nyo, parehas kami masasaktan kapag sinunod ko ang utos nyo...."
Violeta
She is really shit! Hindi man lang sya natakot sa banta sa kanya ni tita Selena. But i know, susuko din yan, pasasaan ba. Hindi naman ako papayag na sa kanya mapunta si Alex, good thing na nakilala ko si Justine. Siya ang magiging kasangkapan ko sa mga binabalak ko. May itsura sya, posibleng di magkakagusto sa kanya si Ciel.
"You're mind seems so busy darling..."
Napalingon ako, di ko pala namalayan ang pagdating ni tita Selena. Umupo na ito sa katapat kong silya, napagkasunduan kasi naming magkita.
"Nakapag order na ako tita.." Pamimigil ko sa kanya nung akma nito tawagin yong waiter.
"Okay.. So, anung napansin mo sa dalawa, are they still together?"
"Yes tita, but i have another plan at alam ko na talagang makakasira na talaga yon sa kanila." Nakangiting sagot ko.
"So what's your plan darling?"
BINABASA MO ANG
You Are My Everything (girlxgirl)
RomanceAng crush ko naman talaga ay ang sincebirth bestfriend ko. Ang alam ko straight ako gaya ng ruler, pero noong nakilala ko si Alexdoberman naging straight ako na parang rainbow. Pa read po. Thankz!