Chapter 37

6.4K 145 5
                                    

Ciel

"Ate, bakit kailangang mangyari to?" Umiiyak ako habang yakap ako ng ate ko.

"Magiging okay din ang lahat Ciel, tatagan mo dapat ang loob mo." Mahinahong sagot nya sa akin. "Ang ipagpasalamat natin ay nakaligtas si Tatay sa aksidente."

"A-ate, hi-hindi kaya pla-" Muntik ko ng sabihin pero di ko na tinuloy.

"Anu? Di ko naintindihan."


"Wa-wala ate, ayan na si Nanay at Tatay." Pag iiba ko, pwede ng lumabas si Tatay sa ospital dahil nagkagalos lang ito sa katawan, buti na lang at nakita ito agad ng mga bombero bago pa ito madamay na masunog.
Lumapit kami at kami na ang umalalay kay Tatay palabas ng ospital.

"Pasensya na mga anak dahil sa nangyari. Ang alam ko napatay ko naman yong kalan kaya napanatag na ako." Ani Tatay pagkauwi namin sa bahay. Pareparehas kaming nakaupo sa sala. Si Potpot naman ay pansamantalang iniwan muna ni Nanay sa magulang nina ate Clarise.


"Tay, wag nyo na po intindihin yon. Ang importante po ay nakaligtas kayo, yon po ang mahalaga." Si ate Kate.

"Tama po si ate Tay, magpahinga na lang po muna kayo." Dagdag ko.


"Tama ang mga anak natin, magpahinga ka muna, hatid muna kita sa kwarto." Si Nanay.

Nag-uusap pa kami ni ate Kate nung may humintong sasakyan sa tapat ng bahay namin. Dumungaw ako sa bintana at nakita ko si Alex, di ko na hinintay na kumatok, agad ko syang pinagbuksan ng pintuan.

"Alex!" Agad ko syang niyakap at paimpit na umiyak.

"Ssshhh.....! Malalagpasan din natin 'to Ciel, magpakatatag ka lang." Gumanti ito ng yakap sa akin at hinaplos ako sa likod, nagtaka ako dahil sa sinabi nya.

"Panu mo nalaman?" Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at nagtungo kami sa sala.

"Nagtext sa akin si Kate, kaw Ciel ha, kung di pa sasabihin ng ate mo wala ka yatang balak sabihin." Anito na parang nagtatampo.

"Hindi naman sa ganun, magulo lang isip ko, syempre nataranta ako sa nangyari." Pagpapaliwanag ko, umupo kami sa sofa at nagbatian sila ni ate Kate, tumayo si ate Kate.

"Maiwan ko kayo saglit, maghahanda lang ako ng maiinom." Paalam nya.


"Kumusta na si Tatay?" Ani Alex pagkaalis ni ate Kate.


"Maayos naman na sya, nagkagalos lang sya kaya pagkagamot ay pinauwi na rin, nahilo lang daw sya dahil sa usok sa loob."

"Mabuti naman kung ganun."

"Pasensya ka na, nawala na yong karinderia."

"Hwag mong alalahanin yon, ang importante ay ligtas sya at walang nawala na buhay, yon ang mahalaga." Pang aalo nya sa akin, di ko mapigilang mapaiyak, napakabuti nya, mapagmahal at maalalahanin, kakayanin ko ba syang iwasan para di madamay ang pamilya ko?

^_^

Itutuloy

A/n: Anu sa tingin nyo ang dapat gawin ni Ciel?

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon