Chapter 39

5.8K 141 8
                                    

Alex

Nagising ako dahil naramdaman kong may humahaplos sa mukha ko.

Ciel.....

Dismayado lang ako pagmulat ko, ang nakangiting mukha ni Violeta ang bumungad sa akin.

"Gusto mong kumain Alex. Nagpabili ako sa secretary mo ng soup."

Umiling lang ako. Tatayo sana ako pero nakaramdam ako ng kirot. Agad naman itong umalalay sa akin. Don ko lang din napansin na sa sofa na pala ako nakahiga.

"How did i get here?

"Nagpatulong ako sa secretary mo para ilipat ka dyan sa sofa, nakadukdok ka lang kasi sa mesa." Sagot nya sa akin. Napatingin ako sa wristwatch ko, alas dose na pala ng madaling araw. Mas dumami na siguro ang costumer sa bar.

"You can go home now Violeta, its allready twelve in the morning." Pagtataboy ko sa kanya.

"No! I'll stay here! I want to be with you.."

"Shut up! You dont know what your saying. Just go home, i'll call your family driver to fecth you here." I ignore her and dialled their phone number.

"I hate you Alex! Cant you see? I want to be with you! I want to be here with you! I know you're lonely and alone! Just let me.... please...." Aniyang umiiyak.

"How did you know what i'm feeling right now? Im okay."

"Ow? You can't lie to me Alex. I know exactly your eyes looks like when you're happy or okay! It sparks like a diamond! Now, tell me, bakit wala ako nakikita?"

"Its none of your business! Kaya ko ang sarili ko kung may problema man ako! Can you just please leave me alone!" Di ko mapigilang bulyaw sa kanya.

"Alex.. Kaya kong palitan si Ciel sa puso mo. Ako ang karapatdapat sayo. Look what she did, she's dumping you."

"Thats not true! I know Ciel loves me! Kung di ka aalis dito, ako ang aalis!" Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at lumabas ng office ko, lumabas din ito at hinabol ako.

"Alex! You're crazy! Ciel is just nothing! Hwag kang ganyan! Wait for me!"

Di ko sya pinansin, nagtuloy tuloy na ako sa paglakad, sa fire exit na ako dumaan dahil madaming tao sa bar kung don pa ako dadaan.

*****

Ciel

"Di ka pa pagod pren.."

"Di pa, okay lang ako. Mauna ka na lang sa apartment nyo, susunod na lang ako, may thirty minutes pa kasi ang duty ko."

"Sige pren, para makapagluto na rin muna ako ng meryenda natin habang nagrereview. Panu, mauna na muna ako." Paalam nito.

"Sige, ingat ka."

"Thank you pren. Ikaw mag ingat, e ako ihahatid ako ni Jackson ko." Aniya sa akin saka pilyang tumawa.

"Ayan ka nanaman sa kalandian mo Lyka, umuwi ka na nga!" Natatawang taboy ko sa kanya.

****

"Di ka pa uuwi Ciel? Tapos na ang duty mo a." Ani Justine sa akin pagdaan nya ng canteen ng school namin. Nagworking student kasi ako para may pandagdag ako sa mga gastusin sa pag-aaral ko, sayang naman kung hihinto ako e graduating na ako.

"Naghahanda na ako ng mga gamit ko. Kina Lyka muna ako dederetsu dahil don kami sa apartment nya magrereview." Sagot ko.

"Hatid na kita, malapit lang naman di ba?"

"Ah.."

"Ciel!" Parehas kaming lumingon kung san galing yong boses nung tumawag sa akin.
Si Alex....

"Ciel, ihahatid kita." Agad nyang sabi pagkalapit nya sa amin. Halatang pumayat at nangangalumata ito. God.... Parang gusto ko syang yakapin.. Miss na miss ko na sya!

"Ah.. p-pupunta pa ako kina Lyka. Ihahatid na ako ni... ni Justine." Kinakabahang sagot ko, kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko.

"A-are you serious Ciel? Sya ang maghahatid sayo?" Aniya sa akin sabay tingin kay Justine na parang nakangiti pa kay Alex.

"Na-naka-0o na kasi ako kanina."

"Pwede ba tayong mag usap?" Nakikiusap ang mga mata nyang nakatingin sa akin.

"N-next time na lang. Nagmamadali kasi ako, kailangan naming magreview." Sagot ko saka ako nag-iwas ng tingin.

"Ciel... Iniiwasan mo ba ako?" Anitong parang maiiyak na, parang di ko na sya kayang tiisin sa nakikita kong itsura nya.

"H-hindi, medyo busy lang talaga. Mauna na kami. Justine, tara na." Dali dali kong hinila si Justine paalis sa harap ng canteen.

"Ciel!"
Tawag nya sa akin pero di ko sya nilingon.

"Ciel! I love you! Mahal na mahal kita!"

Di ko na kaya, nakaliko na kami ni Justine. Babalikan ko sana si Alex pero pinigilan ako ni Justine.

"Hayaan mo na si Alex, parehas kayong mapapahamak kapag itinuloy nyo pa. Di ba nga sabi mo nagbanta ang nanay nya."

"Pero di ko sya kayang saktan Justine, mas nasasaktan ako." Umiiyak na sagot ko.

"Mas di mo naman kayang makita na maghirap si Alex, di ba?"

"Ewan ko! Gulong gulo na ako...!" Niyakap ko na lang sya at umiyak ng umiyak sa balikat nya.

^__^

Thank you for reading.;)

Please vote;)

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon