Chapter 17

10.9K 277 12
                                    


Mag isa na ako ngayong natutulog sa kwarto ko. Kina ate Clarise na kasi natutulog si dober. Pinalipat ito ni ate Clarise, ewan ko sa dalawang bakulaw na 'yon, may something yata. Dapat nga masaya ako kasi walang mambubuset sa akin bago matulog pero parang hinahanap hanap ko rin ang mga pang-aasar nya sa akin.

Wala sa loob na nayakap ko ang unan na ginamit nito at inamoy amoy. Parang timang lang. "hmmm ang bango.... " amoy na amoy ko si dober. Nakatulog ako na yakap-yakap ko yong unan.

Nagising ako dahil ramdam ko na may nakatitig sa akin. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Si dober pala at nakangiti pa sa akin. Parang ang sarap sa pakiramdam na paggising ko ng umaga ay ang maaliwalas nyang mukha ang unang makikita ko. Hay naku Ciel.... di na kita kilala pramis.

"B-bakit andito ka?" tanung ko saka ako bumangon pero nanatilin. nakaupo lang sa papag.Medyo maliwanag na rin pala.

"I miss you.. thats why Im here.." malamlam ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Nakaramdam naman ako ng pagkailang kaya nag iwas ako ng tingin. Saka parang ang seryuso nito yata ngayon.

"0ww? I miss you your face. E kahapun lang tayo magkasama sa palengke a.." sagot ko pero ramdam ko nanaman na kinilig ako sa sinabi nya.

"Mamiss mo kaagad ang isang tao kapag mahalaga siya sayo." seryuso pa ring sagot nya sa akin. Oh my garutay..... Ibig sabihin, mahalaga ako sa kanya? Parang gusto ko ng tumayo at tumalon ng tumalon. Gaadyemm.... anung merun nanaman kay dober at umagang umaga palang ay pinapakilig na nito ang innocent heart ko.

Lumapit ito sa akin kaya umusog ako palayo sa kanya, anu nanaman kaya binabalak ng dober na to.

"Tsk! Dont be afraid, I wont eat you. Just wanna talk to you thats why Im here."sabi nya. Tsk! kainis, kelangan bang inglesin?

"A-anung sasabihin mo?" tanung ko.

"I know, nakagawa ako ng mga bagay na nagpagulo sayo. Baka iniisip mo na pinagtritripan kita, you're wrong..." anito at seryuso pa rin itong nakatingin sa akin.

"ha? A-anung ibig mong sabihin?" kinakabahang tanung ko.

"Di pa panahon para sabihin ko yon, pero gusto kong sabihin sayo na mahalaga ka sa akin. Ciel, parte ka na ng buhay ko." sagot nya sa akin saka nya hinaplos ang pisngi ko. Para naman akong napipi at di makapagsalita. Syeeeet!!!! Mahalaga daw ako sa kanya at parte na daw ako ng buhay nya.. ohmhayghadd..!

"Di kita pipiliting magsalita kung wala kang gustong sabihin. Pagmatapos kong ayusin mga problema ako. I will court you." siya

Para namang nakipagmarathon ang tibok ng puso ko dahil sa huling salitang sinabi nya. Seryuso? Liligawan nya ako?

"Seryuso ako Ciel.." sabi nya, nabasa siguro nito kung anu ang laman ng isip ko. Mind reader pala ito e. Patunayan nga natin, "kiss me doberrr........." Sabi ko sa isip ko.

"And promise, igagalang  kita. Di na muna kita hahalikan ng walang paalam, hahalikan kita kapag naging tayo na." dagdag nito. Laglag tuloy balikat ko, kala ko pa naman. haist..... Sana masolve kaagad nito kung anu man ang problemang sinasabi nito. 0nce na manligaw sya sagot kaagad hihihi!  Dyos ko po.. umaamin na talaga ako ahuhu! Mahal ko na yata tong dober na to.

"So, yan lang ang sasabihin ko. Babalik na ako sa bayan ngayon. See you na lang sa school sa pasukan." anito at tumayo na at tinungo na ang pintuan.

Wait! Babalik na pala ito! Anung sasabihin ko... Ughh!

"D-dober!" tawag ko pero nakayuko pa rin ako, humarap naman ito sa akin, akma na kasi nitong buksan ang pintuan.

"P-romise mo yan ha?" sabi kong nakayuko pa rin, parang nahiya kasi ako eihhh....

Mabilis naman itong lumapit sa akin saka nya ako niyakap. Niyakap ko rin sya ng mahigpit. Pero teka pala, may naalala ako.

"Aww!" napahiyaw ito nung bigla ko siya kurotin sa tagiliran. "Hmmf bakit?" reklamo nito.

"Panu si Raem? Di ba pumayag kang magpaligaw sa kanya?" nakabusangot na tanung ko. Dinig ko nanaman ang mahina nitong pagtawa, para tuloy akong kinikiliti. Grabe, pati pagtawa nito iba na ang epekto sa akin.

"Naniwala ka talagang nanliligaw siya sa akin ha bansot.." anitong nakangiti.

"E di ba nga pumayag ka raw na magpaligaw sa kanya, nasa school pa nga tayo nun ei.." sagot ko.

"Sabi lang namin yon pero di totoo." sagot naman nya sa akin.

"Pero gusto ka raw ni Raem eh." ako

"I know." wala lang na sagot nya sa akin.

"Alam mo pala, e bakit mo ako liligawan. Baka may masabi pa siya." ako

"Bakit, ayaw mo bang ligawan kita?" siya

"Hmmm.... gusto." namumulang sagot ko.

"Naman pala e!" siya, saka nya ulit ako niyakap, napasubsub tuloy ako sa dibdib nya, anlambot hihihi!

"The truth is nagconfess siya sa akin that day, nung nakita nyo kami sa park ng university."pagkukwento nito, di ako ngsalita kaya pinagpatuloy lang nito ang pagkukwento. Ine enjoy ko ang moment with her boobs.. Ops! Walang malisya yun ha, don banda kasi nakasubsub ang mukha ko, nakadamit kami, namannn...

"I told him the truth, na lesbian ako. Pero liligawan pa rin daw nya ako. Diniretcho ko na lang siya na ikaw ang gusto ko."
Nagulat pa ito nung bigla ko iangat ang ulo ko, muntik pa mauntog ang noo ko sa baba nito, buti na lang di tumama. Kawawa naman siya e may pasa pa nga siya sa panga dahil sa pagsuntok sa kanya ni ate Clarise pero pawala na, ewan ko lang kung anu dinahilan nila kina nanay at tatay kung san nito nakuha ang pasa nya.

" Alam na ni Raem na gusto mo ako nun pa?" medyo shock na tanung ko, wala naman kasing sign na alam niya.

"Yeah, pero wag kang mag alala. Tanggap naman nya na ikaw ang gusto ko, open din naman daw siya sa ganung mga bagay, basta wag lang daw kita paiiyakin. Nakiusap na lang ako na isekreto lang muna namin sayo, kahit si Clarise alam din nya." sagot nya sa akin.

"Aww! Anu ba!? masakit yan!. aww! ouch!" hiyaw nito, pinagkukurot ko lang naman siya. Potragis naman kasi, buti pa sila alam nilang may gusto pala siya sa akin pero ako di ko man lang alam.

"Ang daya mo naman kasi eh!" angal ko. Kukurotin ko pa sana pero mabilis nitong hinuli ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Magkadikit ang katawan namin at malapit na malapit ang mukha nito sa mukha ko. Sobrang lakas nanaman ng tibok ng puso ko.

"Ciel... Mamimiss kita pagbalik ko ng bayan." anito sa nito nilapit unti unti ang mukha nya sa mukha ko. Malapit na magdikit ang ilong namin. Hah! This is it. Ipinikit ko na lang ang mata ko.
Naghintay akong dadapo ang lips nya sa lips ko pero sa noo ko dumapo ang labi nito. Para tuloy akong napahiya pagmulat ng mata ko. Nakasilay ang pilyang ngiti sa labi nito.

"Hahalikan na sana kita sa lips pero naalala ko, nangako pala ako na saka kita hahalikan kapag naging tayo na." anito na napakagatlabi pa.
Ugghh!!  Kainis naman!!!



^-^

Thankyou for reading;)

vote and leave some comments po.

Kung may mali mali pong grammar (pasensya po)

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon