Chapter 25

9.5K 229 24
                                    

Alex

After how many months staying in L.A ay nakabalik na rin ako sa wakas dito sa Pilipinas. Parang di ako makapaniwala na na-coma ako ng halos anim na buwan, kaya paggising ko ay agad akong nagpagaling para agad ako makauwi ng pinas.

*Flashback*

"Oh my God iha! Im glad that you're awake now!" Masiglang bati sakin ni mom an hour na magising ako. Wala kasi ito nung unang paggising ko. Si Violeta ang unang nakita ko pagmulat ng mata ko pero si Ciel naman ang hinahanap ng paningin ko.

"Mom Im okay now, can we go back to philippines?"Agad na tanung ko sa kanya.

"My God Alex! Are you serious? Kagigising mo lang sa halos anim na buwan na pagkacoma, ang pag uwi agad sa pilipinas ang iniisip mo? Kailangan mo pang magpagaling!" Over acting na sagot ni mom sa akin.

"Mom, magaling na ako. You dont have to worry, miss ko na si Dad."

Ayun kay Violeta ay kailangang magpaiwan ni Dad sa pilipinas para may mag aasikaso sa family business namin.

"Oh really? Ang Dad mo ba talaga ang namimiss mo o ang taong dahilan ng pagkadisgrasya mo?"

"What if I say I miss them both? Mom, hindi kasalanan ni Ciel ang nangyari sa akin, ginusto kong gawin yon."Matapang na sagot ko.

"Anu bang nakita mo sa babaing yon at di mo maibaling ang paningin mo kay Violeta. Si Violeta ang nababagay sayo! Siya ang nag alaga sayo!"

"Di ko yon hiniling! Mom please, gusto ko ng magpahinga." Pag iwas ko, baka lalo lang kami di magkaintindihan.

"Kahit anung sabihin mo, ako pa rin ang masusunod. Alam mo ang pwede kong gawin pag nagmatigas ka!" Banta nya sa akin.

Sh*t! Napamura na lang ako sa loob-loob ko.

"Heart, kainin mo to lahat. Kunti lang naman nakakain mo." Alok pa sa akin ni Violeta sa pagkain.

"Okay na ako, saka di mo ako kailangang subuan dahil kaya ko naman." Malamig na sagot ko.

"Ahh... ganun ba? Baka gusto mo ng fruits, ipagbabalat kita."

"Di na, busog na ako."

"Baka gusto mo ng-

"Sabi ko nga na okay na ako diba? Di ka ba nakakaintidi? Kaya kong kumain mag isa! Kaya ko ang sarili ko!" Sa inis ko ay di ko napigilan ang pagtaasan sya ng boses na agad kong pinagsisihan nung makita ko ang pagbuhos ng luha nya.

"Im sorry... Gusto ko lang naman na pagsilbihan ka."

"Im sorry too. Wag mo na kasi ako kulitin. It irritates me."

Sagot ko saka na ako humiga at nagtalukbong ng kumot. Dinig ko pa ang pagsinghot nya paalis.

Im sorry Violeta pero may nagmamay ari na ng puso ko and I cant wait to see her again. Ciel, miss na miss na kita. Sana, di ka na galit sa akin. Sana pagbalik ko dyan wala pa akong ibang karibal dyan sa puso mo...

"Hoy!"

"Ha!?" Bigla akong nagulat dahil bigla nalang kung mangalabit si Jackson. Siya ang sumundo sa akin sa airport.

"E panu naman kasi, tulala ka nanaman? Parang alam ko na kung anung iniisip mo."

"Tsk! Alam mo na pala eh. Magconcentrate ka na ngalang sa pagdrive baka madisgrasya pa tayo nyan eh, baka matuloyan na ako at di na ako aabot sa babaing tinitibok ng puso ko."

"Haha! Ka nerbyusa mo naman pare! Wag kang mag alala, aabot ka pa, sayang naman yang kakornihan mo kung di ka na makakadamoves sa idol mo."pang aasar pa nya sa akin.

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon