Chapter 41

5.9K 139 23
                                    


Ciel

"Bakit ganun ang sinabi mo kay Alex!? Anu na lang ang iisipin nun?" Asar at galit na sabi ko kay Justine pagkarating namin sa park.

"Tinutulongan lang kita Ciel. Di ba yon ang gusto mo? Yong kusa syang lumayo sayo? Tama lang yong ginawa ko."

"Pero hindi sa ganung paraan Justine! Ayukong isipin nya na niluko ko sya! Mahal na mahal ko sya Justine, alam mo yan!" Napahagulhol na ako.

"Anung gusto mo? Bumalik ka don, kausapin mo sya. Sabihin mo sa kanya na di totoo yong sinabi ko. Magkakaayos kayo, pero anung kapalit nun?" Sumbat nya sa akin. Napayakap ako sa sarili ko. Tama nga lang ba yong nangyari?

"Mag isip kang mabuti Ciel, pati pamilya mo madadamay pag itinuloy nyo pa."

"Naguguluhan ako Justine. Ayuko namang maulit yong nangyari kay Tatay. Ayuko rin namang saktan si Alex.."

"Mamili ka Ciel. Ang pamilya mo na nakasama mo mula sinilang ka o si Alex na kelan mo lang nakilala?"

"Justine! Wag namang ganyan! Ang hirap! Wag mo akong papiliin!"

"Pero yon ang dapat mong gawin Ciel! Anung mas matimbang sayo!?"

"Justine! Wag mo namang ganyanin ang kaibigan ko! Lalo mo lang pinaghihirap ang loob nya!" Si Lyka, di ko alam kung san galing. Lumapit sya at niyakap ako.

"Sinasabi ko lang ang mas dapat nyang gawin Lyka." Sagot naman ni Justine.

"Pero lalo mo syang penepressure! Lalo syang naguguluhan sa mga sinasabi mo, hayaan muna natin syang makapag isip ng mabuti." Katwiran ni Lyka. Nanahimik naman si Justine at di na nagsalita.

***

"Hala! Ganun ang sinabi ni Justine kay Alex?" Ani Lyka, sinamahan nya muna ako sa boarding house namin.

"0o, nabigla nga rin ako sa mga sinabi nya." Sagot ko.

"Binawi mo ba?"

"Hindi ko na nabawi. Hinila kasi ako ni Justine palayo sa kanya saka gulong gulo na ako no'n. Ang gusto ko lumayo na si Alex sa akin pero mas masakit sa akin kapag nakikita ko syang nasasaktan."

"Ang hirap nga nyan friend.. Haay... Anu nga ba ang dapat gawin. Basta kahit na anung desisyon mo, nandito lang kami para sayo."

"Salamat Lyka. Kakayanin ko to. Mahalaga silang lahat sa akin."

***
Alex

"You're drunk again Alex. Umuuwi ka na nga dito sa bahay pero lasing naman.! Anung magandang maidudulot sayo yang paglalasing mo?" Si mom.

"Di ako lasing mom. Nakainum lang." Palusot ko. Aakyat na sana ako sa kwarto ko pero hinarang nya ako.

"Sabihin mo nga sa akin, anung dahilan ng paglalasing mo?"

"Walang dahilan mom. Napainom lang ako. Makulit lang kasi ang mga ibang costumer sa bar." Sagot ko.

"Palage ka raw ganyan sabi ni Celeste. Nagkakaproblema na ba kayo ng girlfriend mo?"
Natahimik ako.

"Tama ako? Sabi ko sayo eh, walang magandang maidudulot sayo yong babaing yon!"

"Mom! Will you stop it! Magkakaayos din kami!"

"Wag kang tanga Alex! She's just nothing! Dont waste your life with that girl!"

"I said stop! I love her!!"

Pak!
Mom slapped me.

"Yan ba ang natutunan mo sa kanya? Ang maging bastos sa sarili mong ina?"

"You're forcing me to do it mom. Mauna na ako. Gusto ko ng magpahinga." Yun lang at nilagpasan ko sya at dumeretsu na sa kwarto ko. Don ako muling umiyak.
Naalala ko nanaman lahat ang mga nangyari. Bakit ganun? Kelan lang naman masaya kami. Bakit agad syang nagbago? No! Hindi ako papayag! Ciel is mine! Hindi ko kakayaning mawala sya sa akin, mahal na mahal ko sya.

***

Kanina pa ako nag hihintay pero walang Ciel na dumadaan. Ang alam ko ngayon ang oras ng uwi nya kaya sinadya kong abangan sya sa madalas nyang dinadaanan sa kanyang pag-uwi.

Di rin ako nabigo, sa wakas ay nakikita ko na syang naglalakad palapit sa kinaroroonan ko. Kasama nya si Lyka. Agad akong nagtago, baka iiwas ito agad kapag makita nya ako dito.

"Ciel..." Nagulat sila pareho paglabas ko sa pinagtataguan ko.

"A-anung ginagawa mo dito?" Si Ciel. Nangangalumata rin ito. Halatang parehas kaming may mabigat na dinadala.
Lumayo naman agad si Lyka para bigyan kami ng privacy.

"Hinihintay kita. Gusto ko mag-usap tayo at ayusin natin kung anu man ang di natin pagkakaunawaan. Mahal na mahal kita Ciel, di ko kayang mawala ka sa akin..." Pakiusap ko. Yumuko lang ito.

"Alex... Mas lalo mo lang pinapahirap ang sitwasyon natin."

"Pwede ba tayong mag usap kahit sa park lang?"

"Di na Alex. Wag na natin patagalin to. Sana mapatawad mo ako." Aniya sa aking naiiyak.

"Why? Anu bang nagawa ko at basta mo na lang akong iiwan? Sabihin mo para ayusin ko ang sarili ko. Ciel, di ko kaya." Di ko na rin mapigilang umiyak.

"Wala kang Mali. Ako ang nagkamali." Sagot nya sa akin sabay turo ng sarili. Niyakap ko sya pero tinutulak nya ako.

"Kahit nagkamali ka Ciel, mamahalin pa rin kita, tatanggapin kita. Please... Wag mo namang gawin sa akin to."

"Alex tanga ka ba? Narinig mo naman lahat ng sinabi ni Justine di ba? Hayaan mo na ako. Mas.... masaya ako sa... sa kanya."

Parang sasabog na talaga ang dibdib ko dahil sa sinabi nya.

"Mahal mo ba sya Ciel?" Nanghihinang tanung ko, nagdadasal rin ako na sana ikakasaya ko ang sagot nya.
Matagal kong inaantay ang sagot nya pero nakayuko lang sya.

"Ciel, sagutin mo ako."

"0-oo."

^__^

Thank you for reading.
Dont forget to vote;)

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon