Alex
Halos isang buwan na ang nakalipas, patuloy pa rin sa pag iwas sa akin si Ciel. Di ko maintindihan kung bakit. Nagtatanung ako sa mga kaibigan nya pati kay Kate pero wala naman silang masabi na dahilan. San ba ako nagkulang?
"Anu nanaman iniisip mo?" Si Celeste, ang assistant ko sa bar at kaibigan ko na rin. Napahinga ako ng malalim.
"Di ko lang kasi maintidihan ang mga pinapakita sa akin ngayon ni Ciel. Palage nalang nya akong iniiwasan."
"Bakit di ninyo pag-usapang mabuti para di lumala." Anito. Kumuha ito ng dalawang baso at sinalinan ng alak, inilapag nya sa harap ko yong isa.
"Yon nga eh. Panu namin mapag-uusapan, lage nya akong iniiwasan. Busy daw sya kasi graduating na sya." Sagot ko.
"Eh busy lang naman pala yong tao eh. Yaan mo muna sya."
"Busy? Susunduin ko lang minsan, ayaw pa magpahatid. Ihahatid ko lang naman. Ang ikinaiinis ko pa, palage nyang kasama yong Justine na yon." Naaasar na kwento ko saka ko nilagok yong laman ng baso ko.
"Baka may tampo sya sayo na di mo alam."
"Okay naman kami dati. Bigla na lang syang umiiwas sa di ko alam na dahilan. Di nya ako deretsahin kung ayaw nya sa akin."
"Panu kung ayaw na nya sayo? Anung gagawin mo?"
"Tsk! Di ko alam...."
Ciel
"Ciel, di ka ba nahihirapan sa mga ginagawa mo?"
"Magaan lang naman ang paglilinis ate." Sagot ko habang nagpupunas ng sahig gamit ang basahan.
"Hindi yan ang ibig kong sabihin."
Napatingin ako sa kanya."Yang mga ginagawa mo kay Alex ang ibig kong sabihin. Nakikita ko na nahihirapan na sya, nasasaktan mo na sya dahil sa pag-iwas mo."
"Nahihirapan din naman ako ate pero kailangan kong gawin yon para kapag nagsawa na sya, kusa na syang lalayo sa akin."
"At ikaw naman ang masasaktan?"
"Titiisin ko ate para sa pamilya ko at para rin sa kanya yon." Di ko mapigilang mapaiyak. "Kasi kung uunahin ko yong nararamdaman ko, parang hinayaan ko na rin kayong mapahamak at ayuko rin naman na makaranas sya ng hirap."
"Kung sabihin mo na lang kaya sa kanya ang pagbabanta ng nanay nya."
"Ayuko naman na ako ang dahilan ng di nila pagkakaintindihan. Ayukong mamili sya..."
******
"Ciel!"
Minadali ko pa ang paglakad, kunwaring di ko sya narinig.
"Ciel! Hintayin mo ako sandali, please!"
Napapaluha na ako, di ko alam kung anu ang gagawin ko. Napahinga ako ng maluwang nung makasalubong ko si Justine, agad ko syang niyakap.
"Justine, andyan sya."
"Ssshh...! Wag kang mag alala. Ako ang bahala." Bulong nya sa akin.
"Ciel! Mag-usap naman tayo please..."ani Alex pagkalapit nya sa amin.
"Ciel, mag-usap na kayo ni Alex at sabihin mo na lang sa kanya ang totoo." Ani Justine. Nalilito akong napatingin sa kanya.
"Anu yon Ciel?" Naguguluhan ding tanung sa akin ni Alex.
"Ah um..." Parang di ko naman alam kung anu ang tinutukoy ni Justine.
"Matagal ng kami ni Ciel!"
Gulat kami pareho ni Alex sa sinabi ni Justine."Anung ibig sabihin nito Ciel? Totoo ba ang sinasabi nya?" Halata ang sakit na naramdaman ni Alex.
"Hin-"
"Totoo ang sinabi ko Alex. Matagal ng kami ni Ciel. Di lang nya masabi dahil natatakot sya sayo." Pamumutol ni Justine sa sasabihin. Nahihibang na yata sya, parang gusto ko syang sampalin.
"Bakit mo yon nagawa Ciel? Minahal kita! San ako nagkulang?" Naluluha nyang sumbat sa akin. Naiyak na rin ako, parang umurong ang dila ko at di na ako makapagsalita.
"Bakit di mo ako sagutin Ciel. San ako nagkulang?"
"Ginawa lang ni Ciel ang tama Alex. Kung magmamahal sya, sa lalaki na lang at hindi sa kapwa nya babae. Kami ang mas bagay Alex. Ang babae ay para sa lalake, hindi sa kapwa rin nya babae."
"Tumahimik ka! Hindi mo alam kung anu ang nararamdaman ko!" Sigaw ni Alex kay Justine. Humarap ulit ito sa akin saka nya hinawakan ang kamay ko.
"Ciel, mahal na mahal kita. Huwag mo namang gawin sa akin to." Anito at lumuhod sa harap ko.
"Alex anu ba! Tumayo ka dyan!" Pilit ko syang pinapatayo.
"Sabihin mo munang ako ang mahal mo at hindi ang lalaking yan!" Anito.
"Nagsasayang ka lang ng oras Alex. Hayaan mo na kami ni Ciel!"
"Ciel! Mahal mo ako di ba?" Pambabalewala nito kay Justine.
"Tara na Ciel. May practice pa kayo mamaya para sa graduation nyo." Ani Justine at hinila ako palayo kay Alex.
"Ciel...!"
"Alex sorry..."
"Sorry? Ibig sabihin totoo ang sinabi ng gagong yan?"
Wala sa loob na tumango ako.
^__^
Thank you for reading.
Dont forget to vote;)
BINABASA MO ANG
You Are My Everything (girlxgirl)
RomanceAng crush ko naman talaga ay ang sincebirth bestfriend ko. Ang alam ko straight ako gaya ng ruler, pero noong nakilala ko si Alexdoberman naging straight ako na parang rainbow. Pa read po. Thankz!