Chapter 22

12.3K 224 12
                                    

Luciel

"Kainis naman!

Kanina pa ako naghihintay dito sa palengke, bakit wala pa si dober para sunduin ako? Inabot na tuloy ako ng gabi. Tinatawagan ko pa cellphone niya pero ring lang ng ring. Ambuset naman o... Magkakaugat na yata paa ako dito. Grrr....! Kainis talaga! Thousand times!"

Kausap ko ang sarili ko kanina pa. E sina tatay at nanay naman kaya di nagtataka kung bakit di pa ako nakakauwi? Anu kayang nangyari sa amin at hanggang ngayon padilim na pero wala pang sumusundo sa akin?

Ngarag na ngarag na ang itsura ko, naglakad na lang ako papunta sa pilahan ng tricycle. Ilang beses pa naman ako niyayang sumakay ng mga tricycle driver pero tinanggihan ko, baka isipin pa nilang nag iinarte lang ako. Kung bakit naman kasi wala pang sumusundo sa akin? Pang ilang tanong ko na ba ito?

"Anu Miss, sasakay ka rin ba?"

Tanung sa akin ng bunging tricycle driver. Ngisi pa ng ngisi e goldteeth naman pero di pwedeng ibenta. Kailangan pa sigurong steel wool ang pangkuskos don para matanggal ang makapal na tartar sa ngipin nya. Ewww....! Dyosko po, patawad at di ko mapigilang purihin ang nilalang na nasa harapan ko ngayon.

"Anu Miss, sasakay ka na?"

Ulit nya sa akin.

"Ay oho manong pero sa jeep ho ako sasakay."

Sagot ko at nagmadali ko siyang nilagpasan hila-hila ang bayong na dala-dala ko na puno na gulay na di nabenta kanina at nagpunta ako sa pilahan ng jeep. Damuho naman, karami pang nakapila. Esh! Ang lagkit ko na rin dahil sa pawis! Iniimagine ko tuloy na naliligo ako sa bathtub at at...... at...... sinasabon ako ni dober. Nyehihihi!!

"Miss, umusog ka na! Kanina pa nakausog yong nasa harap mo!" Paangil na sabi sakin ng matabang ale sa likuran ko at may kasama pang tulak. Nabitiwan ko tuloy yong bayong na dala ko kaya natumba at nagsigulongan yong mga repolya.

"Potragis naman! Di lang to matanda e papatulan ko na!" Nanggigigil na pinulot ko ulit ang mga gulay at ibinalik sa bayong. Buset! Kasalanan to ni dober eh.

Sa wakas naman ay nakasakay na rin ako ng jeep. Inabot na tuloy ako ng alasyete ng gabi. Wala man lang isa sa pamilya ko o si dober ang magtext kung okay lang ba ako. Nakalimutan na yata nila ako ah.

Nang makababa na ako sa jeep ay agad na akong nagtungo sa bahay. Sa loob lang nakasindi ang ilaw kaya hirap kong makita ang daan. Grabeh! Nananadya ba sila? Alam naman nilang anumang oras ay pauwi na ako pero di man lang nila binuksan ang ilaw sa labas para makita ko ang daan.

Agad akong kumatok pagkatapat ko na sa pintuan. Nagtaka ako,nakailang katok na ako pero wala pang nagbubukas ng pinto saka parang ang tahimik ng bahay. Don ako kinabahan, baka kung anu naman na ang nangyari sa kanila!

Itinulak ko ang pinto at nagbukas naman. Lumakas ang kaba ko, ang tahimik talaga. Pumulot ako ng repolyo at lakad pusa ang ginawa ko papunta sa kusina pero madilim, di nakasindi ang ilaw. Napahigpit ang hawak ko sa repolyo habang kinakapa ko ang switch ng ilaw.

"Happy birthday!!!"Malakas na sigawan pagkabukas ko ng ilaw. Naihagis ko tuloy sa kung saan yong hawak-hawak kong repolyo.

Napatulala ako. Di ko rin namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Andito lahat ng pamilya ko. Dito rin si ate Clarise at mga magulang nila. Dito rin si Raem kasama si Lara. Ang malandi kong bestfriend na si Lyka at gwapo nitong boyfriend na si Jackson.

At si syempre, di rin mawawala ang hot kong manliligaw na doberman. Nakangiti pa itong nakatingin sa akin at may hawak pang kumpol ng bulaklak. Oh my God! Nakalimutan ko, birthday ko nga pala ngayon! Seventeen na aketch!!!

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon