Chapter 34

7.1K 137 25
                                    

Ciel

"Ang tagal naman yatang di dumalaw sayo si Alex, ha, Ciel..." Ani ate Kate sa akin habang nanonood kami sa sala.

"Ewan ko don ate, kung ganun ang gusto nya idi bahala sya.." Sagot ko na lang at kunwaring busy busy-han sa panonood.

"Sus.... May problema ba kayo? Simula kasi nung nalasing ka parang di ko na sya nakitang nagpunta dito." Anito ulit.

" Busy lang siguro yon ate, diba nga siya na ang namamahala sa ibang business nila." Sagot ko.

"Sabagay, magiging busy talaga sya pag ganun. Kala ko nag away kayo."

"Di lang away...." Mahinang bulong ko.

"Anu?"

"Wala ate hehe! Sige pala, mauuna na akong matulog." Paalam ko sa kanya, dumeretsu na ako sa higaan ko at nagtalukbong ng kumot.

"Pakshet na doberman yon! Simula nung hinatid nya ako dito di na nagpunta, may relasyon siguro talaga sila ng Violeta na yon.... niluko lang nya ako... Saka kitang kita ng mata ko na naghahalikan sila at sa may bintana pa.." Pinahid ko ang luhang namamalisbis sa mukha ko, napupunta na kasi sa tenga ko, mahirap na, naluko na nga ako tas magiging bingi pa.

Hmp! May araw din sa akin ang Biolet na yon!

***

"Ciel! Ako na magdadala nyan.!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Justine pala at hinihingal pa itong palapit sa akin.

"Bakit ganyan itsura mo? Para kang hinabol ni vice ganda." Pagbibiro ko.

"Hinabol kaya kita, panu e ang bilis mo maglakad." Sagot nya sa akin. " Akin na yang dala mo, ihahatid na kita sa next subject mo."

"Naku wag na! Baka malate ka pa." Kontra ko.

"Tsk! Mamaya pa susunod na klase ko, tara na." Pagpupumilit nito, ito na rin ang nagdala ng mga gamit ko.

"Ciel bansot!"

Papasok na sana ako sa room ko pagkahatid sa akin ni Justine pero may nagsigaw nanaman ng pangalan ko.

"Bakit kayo magkasama ni Justine?" Tanung nya sa akin.

"Hinatid lang nya ako kasi marami akong dala." Sagot ko.

"Bakit siya ang naghatid sayo?" Tanung ulit nya sa akin.

"Hoy Raem! Ngayon ka nga lang nagparamdam sa akin e naging imbestigador ka pa. Manlibre ka na lang kaya." Pag iiba ko.

"Mag ingat ka sa Justine na yan Ciel, para kasing iba ang kutob ko sa kanya eh."

"Weh di nga? Anu naman yang kutob mo ha Raem? Andami mo na yatang nalalaman ngayon a." Biro ko.

"Di ako nagbibiro, pansin ko kasi parang panay lapit nya sayo, basta mag ingat ka ha. Kita na lang tayo nina Lara mayang hapun, punta tayo ng kfc, wag ka mag alala, treat ko." Anito at iniwan akong naguguluhan. Ngew...

Clarise

"Ready ka na Jane?"

"Yepie!" Sigaw nito mula sa kwarto. Saglit lang ay nagbukas ang pintuan at niluwa ito. "Hmmm....

Napakaganda nya pala kapag nakaayos, parang ngayon ko lang yata napansin na napakaganda ng babaing kasama ko sa apartment..."

"Hoy! Natulala ka naman na yata? Tara na kako, oy....." Pansin nya sa akin.

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon