Chapter 16

11.5K 228 23
                                    

"Ito po sukli nyo." inabot ko sa matabang ale yong sukli nito. Dito ako, ay kami pala ni dober sa palengke, sinamahan namin si nanay na magtinda. Grabe, pati pala sa palengke malakas ang hakot ng bakulaw na to, tanghali pa lang pero paubos na ang paninda naming gulay. Mga lalaking namimili, sa pwesto namin namimili, todo pa cute pa sila kay dober. Hmp! Si dober lang ba maganda dito? Eh nagpolbo kaya ako ng johnsons baby powder kanina. Feeling ko naman ang ganda ko rin, may nahakot dn namang costumer ang beauty ko noh.

"Bakit kunot-noo ka dyan?" si nanay habang inaayos yong mga nagulong gulay.

" Wala po, pagod lang po."sagot ko at umupo sa bangko. Bigla naman lumapit sa akin si dober.

"bansot, basa ka na sa pawis.." anito at basta nalang nito itinapal sa likod ko ang maliit na tuwalya  na nakasampay lang kanina sa balikat nito. Aangal sana ako dahil para nanamang nakuryente ang likod ko pagkadikit ng balat namin pero pinigilan nya ako.

"Wag ka ng umangal bansot, bawal matuyuan ng pawis ang prinsesa baka di nito mapamahalaan ng maayos ang kaharian." sabi pa nitong nakangiti.

Haist.. ewan ko ba pero nakakaramdam na ako ng kilig sa twing hinaharot nya ako, kelan nga ba ako umamin? Hmmm.... Ayuko ng isipin.

"Hmp! Wag mo nga akong binobola dober, di naman ako prinsesa ah!" kunwaring pagsusungit ko para pagtakpan ang kilig na nararamdaman ko.

"Syempre naman, prinsesa ka sa paningin ko. Prinsesa ng mga bansot."nakatawa ng sagot nito sa akin. Grrr!!! akala ko kung anu na. Kainis! Bakit kasi ako kinilig? Si nanay din natatawa rin.

"Nanay naman, dapat sa akin ka kampi. Anak mo ako tapos pinagtatawanan mo ako."nakangusong angal ko.

"Asus.... Ang anak ko, nagtampo na. Binibiro ka lang naman ni Alex e." anito. Sasagot pa sana ako pero may bumibili kaya kailangan muna naming asikasuhin.

"Magkano sa repolyo...?" malandi at malambing na tanung nung babaing bumibili. Bakit ko nasabing malambing at malandi? Eh panu naman kasi, kalagkit ng tingin nito kay dober at pangiti-ngiti pa. Sinasadya pa nitong yumuko ng yumuko kaya nakikita ang mga bundok nito. Kalalaki pa naman, nakasuot  ito ng blouse  at di nakabutones sa may bandang dibdib kaya silip na silip talaga ang bundok nito. Potragis, di na nahiya!

"Thirtyfive per kilo mis..." malambing ding sagot ni dober. Ang walang hiya at parang sa mountains pa nakatingin. Di naman talaga nito kailangang sagutin si bobitang bumibili dahil may nakaipit naman na prize ng mga gulay. Sadyang nagpapapansin lang itong si bobitang malanding bumibili.

"Ako na dyan!" pasingit ko. Hay ewan ko ba pero parang inis na inis ako na nakikipaglandian si dober sa iba.

"Gusto ko, siya magtinda para sa akin.."angal naman ni bobitang malandi sabay turo kay dober.

"Sorry po ale pero di po namin siya tauhan dito, kaya ako ang mag aasikaso sa inyo!"mataray na sagot ko

"Excuse me!?" napataas pa kilay ni bobitang malandi. "Ako ba ang tinatawag mong ale?" mataray ding tanong nito sa akin.

"Aba, sino pa? Kaw lang naman costumer naming bumibili ngayon." sagot ko rin with matching taas kilay pa. Ang slow rin pala ni bobitang malandi.

"You are so bastos! Do I mukha mukhang ale?!" sagot naman nito with trying hard english pa. Mehehehe mas magaling pa pala ako dito e.

"0po ale, you are so mukha mukhang ale! Blehh!" sagot ko saka ko ito benilatan. Dinig ko naman ang mahinang pagtawa ni dober, napabuntong hininga na lang din si nanay. Alam kasi nito na di na nito ako mapipigilan.

"You bastos bastos me! I will not buying buying na here!"anito at sira ang mukha nitong lumayas sa harap ng pwesto namin.

"Okie dokie! Goodbye goodbye you!!!" sigaw ko rin hihihi!

"Naku bansot, lulugiin mo pala ang business ni nanay. Tinataboy mo naman ang costumer na bibili sana. tsk! tsk!." si dober na napapailing.

"pakialam ko sa malanding yon."sagot ko. "Paubos naman na ang paninda a." dagdag ko pa. Umalis naman muna si nanay para bumili ng tanghalian namin.

"Kaw talaga. Bakit mo naman nasabing malandi?" taas kilay nitong tanung.

"eh kasi nilalandi ka nya." wala sa loob na sagot ko.

"huh? Nilalandi nya ba ako? Feeling ko di naman a."nakangiting sagot nya sa akin.

"Di daw e kalagkit ng tingin nya sayo, at ikaw naman nakatingin ka pa sa loyloy na boobs nya!" nakangusong sagot ko.

"Tsk! tsk! Selos ka lang yata bansot e..." tudyo nya sa akin.

"ha? B-bakit naman ako magseselos aber? Di iyong iyo kasi yong loyloyboobs nya"nakasimangot na sagot ko. Ibinaling ko sa iba ang mukha ko, ramdam ko nanaman kasi ang pamumula ng mukha ko.

"Wag ka ng magkaila bansot, namumula na mukha mo. Dont worry, di naman ako mahilig sa loyloy na boobs. Sa mga ganyan ako mahilig, gusto ko maliit lang." sagot nito at bumaba pa ang tingin nito sa may banda ng dibdib ko.

"B-bastos ka!" napatakip tuloy ang kamay ko sa dibdib ko. Tumawa pa ito ng mahina. Ang hudyo! Sabihin pa na maliit lang boobs ko!

"Wag mo ng takpan, wala ka rin namang tatakpan oh.." pang aasar pa nya sa akin.

"Tse! Ang bastos mo! Merun naman ako ah." sagot ko saka ako lumiyad ng konti. Napahagalpak naman ito ng tawa.

"Ciel, wag ka ng trying hard dyan."anito pang natatawa. Babatuin ko sana ng patatas kaso dumating na si nanay.

"Anung pinaggagawa nyo dyan? Umayos na kayo at ng makakain na." anito at ipinatong sa mesa ang nakaplastik na styro, naglalaman ng pagkain namin.

Agad na rin kami kumain. Okay talaga si dober, kahit anu ipakain kakainin nito. Dog lang talaga hihihi!

Alastres ng hapun nung maubos ang paninda namin. As in, ubos talaga. Isasara na sana namin yong pwesto nung dumating si ate Clarise. Si nanay naman may pinuntahan pa, maniningil daw ng pautang nito.

"O ate, napadaan ka." sabi ko bilang pagbati. Umupo muna ito sa bangko bago nagsalita.

"Sinusundo kita." tipid na sagot nito. Napakunot noo naman si dober.

"Bakit kailangan mo pa siyang sunduin e andito naman ako, saka dala ko dito yong sasakyan ko." si dober naman na nagsalubong na ang kilay. Simula nung nangyari kahapun sa peryahan ay di na masyado nag iimikan ang dalawa. Ewan ko sa kanila, mag usap man minsan pero tipid lang at sila na ang nagbabangayan ngayon.

"Idi maganda kung dala mo, may driver pa kami." nakangisi namang sagot ni ate Clarise. May pagkaluko luko rin pala ito.

"So lets go." sagot na lang ni dober. Nahihiwagaan ako sa dalawang bakulaw na to, bakit tiklop si dober kay ate Clarise? Hmmp! Nilock ko na lang yong pwesto at sumunod sa kanila kung san nakapark si cocomartin.

^-^

Thank you for reading.

Vote and comment po;)

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon