Chapter11

11.2K 242 9
                                    

♥♥♥

Nagulat ako nung bigla idikit ni Alex yong dulo ng tuwalya na ginamit ko sa gilid ng bibig ko.

"Laway mo, tumutulo." anito sa akin saka nya ako kinindatan.

"H-ha?" agad naman ako napapunas sa bibig ko.

"so, guilty ka na naglalaway ka sa akin..?" sabi nanaman nito. Bigla ko tuloy naisip yong ginawa ko. Bakit ko kasi pinunasan ang bibig ko. Naramdaman ko ang pag iinit ng mukha ko, pulang pula nanaman siguro ang mukha ko.Arggh!! Kainis!

"k-kapal lang ng mu-mukha mo doberman Meyer! Di ako naglalaway sayo!" kaila ko. Totoo naman a, di ko siya pinaglalawayan, pinagnanasaan lang ahihihi.!

"eh anung tawag mo don, bakit kalagkit ng tingin mo sa katawan ko. Nakanganga ka pa. Namumula ka na nga o...tudyo nya sa akin sabay hawak sa pisngi ko. Aist!! Sa katawan talaga nakatingin, ay malaswa, di ba pwedeng sa kanya? 0 yong "kanya"? Naku, di na talaga ito nakakatuwa.

"hmp! asa ka pa! Di kita tinitingnan noh. Saka bakit kasi nakatapis ka lang?" angil ko sabay iwas ng mukha ko at umusog ng upo palayo sa kanya. Natatakot ako madikit sa kahit anung parte ng katawan nito, para kasi akong nakukuyente e, ewan ko lang baka kamag anak nito si volta, pero ang layo naman ng itsura nilang dalawa.  Di ko nanaman napigilan ang mata ko na mapatingin  sa mahahaba nitong legs.  Nyay..! Katakam-takam..! Forgive me Lord, bakit naging bastos na kasi ang utak ko, ang alam ko naman inosente ako. Tama! Inosente ako..

" sorry," saka ito tumawa ng mahina. "nakalimutan ko kasi magdala ng bihisan ko. Di bale nag enjoy ka naman sa view." saka nya ako kinindatan. Tiningnan nya muna ako saka rin nya tiningnan ang legs nya. Nahalata ba nitong don ako nakatingin?

"a-anu namang magandang view dyan, sang parte?" saka naman ako kunwaring tumawa.

"Sus, deny ka pa bansot, pinagnanasaan mo kaya ako. Kita ko sa mata mo." anito saka nya ako nilapitan. " sabi ko naman sayo diba? feel free to touch dahil next time may bayad na yan." at ipinatong nito sa papag ang paa nito kaya kaharap na kaharap ko na ang kanyang legs.. Mehehehe Lord, help me please...

"dali na Ciel, pagkakataon mo na yan. Tira na!!" sulsol ng malandi kong kunsensya. Aish.. Kunsensya naman ei, alam mo namang mahina ako sa tukso ei..

Gusto ko na ngang haplusin e, pigil lang Ciel, bata at inosente ka pa di ba?

Isip..... isip.....isip.....

Ngani ngani ko na talaga haplusin nung makita ko na maglalagay lang pala ito ng lotion kaya nito ipinatong sa papag ang paa nito. Dismayado ako, jino-joke lang pala ako.

"Dismayado ka?" anito at papilyang ngumiti. Dahan dahan pa ang paraan nito ng pagpapahid ng lotion. Di ko namamalayan napapasunod din pala ang mata ko. Pasaway na mata, bakit di ko makontrol.!

"B-baliw ka! Magbihis ka na nga kasi. Bakit naman ako madidismaya. Bahala ka nga sa buhay mo!" Humiga nalang ako padapa para itago na rin ang mukha kong namumula saka nagbibihis ito, baka kung anu pa makita ko. Narinig ko nanaman ang mahina nitong pagtawa. Gosh, bakit ba parang musika ito sa pandinig ko.? Di nanaman ba ako naglinis ng tenga ko? Argh! enebeyen!? Reasons!!

Nagmumuni-muni ako nung maramdaman ko ang pag-upo nito sa papag.

"Baby....." mahinang tawag nito sa akin.  Napaka husky ng boses nito.. Esh.. bakit naman paiba-iba ang tawag nito sa akin. May princess na nga, may baby pa.. Tsk! Pero aaminin ko, kinikilig akooo!!! 

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ngeee... umamin ba ako na kinikilig ako.? Ohmayghad.. Naguguluhan na ako!! this is not me! wow english teh..

^-^

(may tanong lang ako)

-Sino ba talaga ang maniac, pervert, malandi,  si Ciel o Alex?

Hmmm.... sa tingin ko--

A__


Blessed Sunday everyone!!

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon