Ciel
"Yan ba talaga ang desisyon mo?" Ani ate Kate, napagdesisyunan kong sabihin sa kanya yong pagbabanta sa akin ng nanay ni Alex at posible rin na ito ang may kagagawan sa nangyaring sunog. Napagdesisyunan ko na rin na gawin ang tama.
"Kesa sa may madadamay. Ayukong hintayin na buhay pa ng isa sa pamilya ko ang mawala ate." Umiiyak na sagot ko. "Siguro ay di kami para sa isa't isa."
"Ciel... Bakit di mo subukang sabihin kay Alex."
"Kapag sasabihin ko sa kanya, baka kalabanin pa nya ang nanay nya. Ayuko namang maghirap sya dahil mas pinili nya ako. Ate, mahirap pero ayuko rin na makikita ko syang nahihirapan. Ayuko rin kayong madamay."
"Makakayanan din natin to Ciel. Malalagpasan nyo rin ni Alex lahat ng pagsubok sa relasyon nyo." Payo nya sa akin. Niyakap ko na lang sya at umiyak ng umiyak sa balikat nya.
****
"Ciel, nasa labas si Alex." Ani Lyka sa akin. Sinamahan nya ako sa apartment namin ng ate ko dahil umuwi sa baryo ang ate ko.
"Sabihin mo na lang tulog ako." Sagot ko.
"What? Woi! May lagnat ka yata bakla ka. Di mo lalabasin ang kasintahan mo?" Di makapaniwalang sabi nya sa akin.
"Basta ganun na lang sabihin mo. Sabihin mo nakatulog na ako. Saka ko na lang ipapaliwanag."
Wala rin ito nagawa at kumakamot sa ulo na lumabas sa kwarto. Umiyak na lang din ako. Miss na miss ko na rin sya pero kailangan kong pigilin ang sarili ko, kailangan kong panindigan to.
Bumalik naman si Lyka na malungkot ang mukha.
"Prenship, may problema ba kayo ng dober mo? Sabi nya sa akin, alam daw nya na iniiwasan mo sya. Di mo raw sinasagot ang mga tawag nya, di ka pa raw nagrereply sa mga text nya."
Hikbi lang ang sagot ko.
"Patay! May problema nga kayo. Bakit mo sya iniiwasan?"
"Malaking problema kasi pag di ko iwasan friend. Alam nyo naman na ayaw sa akin ng mother nya." Umiiyak na sagot ko.
"So? Pinaglalaban ka naman ni Alex a. Nakikita namin kung ganu ka nya kamahal."
"Yun nga e. Ayuko na itakwil sya ng nanay nya at maghirap ng dahil sa akin. Ayuko rin na madamay ang pamilya ko kapalit ng kaligayahan ko!"
"Ha? Anung ibig mong sabihin?"
Ikinuwento ko sa kanya ang lahat.
"Ang laking hudas talaga ng nanay ni Alex na yon. Dapat magdemanda kayo!"
"Wala naman kaming pruweba kung sya ang may pakana nun, saka mayaman sila, matatalo lang kami."
"Tsk! So isusuko mo na lang si Alex?"
"Pa-parang ganun.." Masakit sa loob na sagot ko. "Masakit Lyka pero kapag ipagpapatuloy ko madadamay ang pamilya ko."
"Friend.... Tsk! Anu ba yan. Bakit may kontrabida pa kasi. Papatira na lang natin sa hitman yong nanay nya friend, para wala ng hadlang."
"Gaga ka. Mayayaman lang nakakapagbayad ng hitman."
"Ako na lang ang papatay friend."
"Hm? Sure ka?"
"Pero dapat may bayad."
"Ha?"
"Pakainin mo naman ako ng hapunan. Agahan at tanghalian na tayo di kumain eh, dahil sa pagse senti mo."
****
Alex
Halos isang bote na ng Jack Daniels ang nainom ko. Yon lang ang ginawa ko sa opisina ko sa loob ng bar. Bakit ba ganun si Ciel... Kung may problema sya o problema nya sa akin, bakit di nya sabihin. Ilang araw na nya akong iniiwasan. Tawag at text ko di nya sinasagot. Bakit di nya sabihin sa akin kung anu ang problema! Shit!
(Naihagis ko sa sahig yong baso.) Hilong hilo na ako dahil sa alak at dahil sa nangyayari sa amin ni Ciel. Ginagawa ko naman para sa amin. Di ko namalayan, bumuhos na pala ang luha ko. Ciel, mahal na mahal kita, anu bang problema...****
Violeta
Oh my... Nagulat ako pagpasok ko dito sa office ni Alex. Amoy alak at nagkalat pa ang basag na baso sa sahig, nakatulog din ito sa mesa siguro dahil sa kalasingan.
Tama ba hula ko? Nagkakaproblema na kaya sila ni Ciel kaya sya naglasing? Hmmm.... According to her secretary, ilang araw syang naglalasing at ngayon nga nasaksihan ko mismo. Di ko napigilang ngumiti. This is it Violeta, your turn... Burahin mo sa puso nya si Ciel!^___^
Thank you for reading;)
BINABASA MO ANG
You Are My Everything (girlxgirl)
RomanceAng crush ko naman talaga ay ang sincebirth bestfriend ko. Ang alam ko straight ako gaya ng ruler, pero noong nakilala ko si Alexdoberman naging straight ako na parang rainbow. Pa read po. Thankz!