CielOfficially ay naging kami na talaga! Maggirlfriend na kami kaya lagot sa akin ang sinu mang eepal.>_<
FLASHBACK
"Akala ko di ka na babalik dito ha.." Kako kay dober, nasa bahay na kami dahil pinauwi na kami ni nanay, baka daw dadami ang langgam sa palengke. Haay... si nanay talaga epal din minsan. Pero bago kami pinauwi ay sandamakmak na pagpapasalamat ang inialay nito kay dober dahil sa pagligtas nito sa akin.
"Babalik ako syempre dahil nandito ka." Malambing nyang sagot sa akin saka nya ako hinapit palapit sa kanya. Nasa sala kami nun.
"Hala, ang chuweet chuweet nyo naman dyan ate, kayo na ba? Saka gising ka na pala, gabi gabi kaya umiiyak si ate." Bigla namang sumulpot si Potpot sa kung saan, pinaglihi yata ni nanay to sa butiki eh. Kasasabi ko lang na lagot sa akin ang eepal e merun na agad ume epal.
"Di pa noh.. saka wag ka na magkwento ng kung anu anu ha." Sagot ko. "Don ka muna sa mga kalaro mo." Utos ko sa kanya, istorbo sa moment namin eh.
"Bleh! Ayuko nga, babantayan ko kayo ni ate Alex. Baka iibabaw ulit sya sayo gaya nung ginawa nyo nun sa kwarto." Nakalabing sagot nya sa akin. Parang wala lang din na natawa lang si dober. Tong batang to, gusto yata ng pankick!
"Kung anu-anong kalukohan yang pinagsasabi mo. Wala kaming ginagawang masama huh!" Defensive na sagot ko, babatoin ko pa sana ng unan pero pinigilan ako ni dober.
"Ciel naman, para ka pa rin talagang bata, pinapatulan mo pa kasi." Sabi nya sa akin saka nya binalingan si Potpot at may kinapa pa sya sa bulsa nya. "Pot, lika dito." Tawag nya dito, agad namang lumapit ang pinaglihi sa butiki.
"O heto, bumili ka muna ng makakain mo sa tindahan. Iyo lahat yan." Anito kay Pot sabay abot ng malutong na isang daan. Mulagat at tuwang-tuwa naman ang kapatid ko, agad na inabot ang pera.
"Salamat ate, ang bait mo talaga di tulad ng isa dyan. Boto po ako sayo para kay ate. Sige po!" Anito at ang lapad ng ngiti na nagmamadali ng lumabas ng bahay.
"Awwww....! Wooh... Ciel baby... Ouch....!" Daing ni Alex sa akin. Kinurot ko lang naman sa tagiliran nya, makapanuhol e wagas!
"Buti nga sayo, sasanayin mo yong bata sa pera."
"Baby naman eh, ngayon lang naman. Gusto nga kitang masolo.. Namiss kita ng sobra." Paglalambing nya saka nya ako niyakap. Gusto daw nya akong masolo, jushko! Kung anu-ano nanaman ang naglalaro sa inosente kong kaisipan.
"Gu-gusto mo akong ma-masolo?" Nauutal na tanong ko, ehe..
"Yep.." Sagot nya sa akin at may pakagat-kagat pa ng labi na sinamahan pa ng pagkindat. Susmaryosep, parang lumuluwang na ang so en ko at gusto ng malaglag kahit na nakaupo kami.
"Ah eh.. di-dito sa sala?" Namimilog ang matang sagot ko.
"Yes.. Why not? Mahaba naman tong sofa ninyo saka malambot pa.." Sagot nyang nakangiti at another kindat nanaman. Parang nanigas naman na ako sa kinauupuan ko, oh my jushkoLord.. help me please.. pinagpawisan na rin ako. Heto nanaman sya, nilalandi nanaman nya ako..
"Ciel, relax... Magiging gentle naman ako eh." Aniya pa sa akin. Dyemmn...! Wala sa loob na nakurot ko nanaman sya.
"Araaay...! Ciel naman eh. Nakailang kurot ka na ah. Ako magiging gentle sayo tapos ikaw, puro kurot nalang abot ko sayo." Aniyang nakanguso habang hinahaplos ang parteng kinurot ko.
"E kasi pinagtritripan mo nanaman ako eh! May pa gentle gentle ka pang nalalaman." Sagot ko pero impernes, kung anu-ano na talaga naiisip ko sa usapang gentle na yan.
BINABASA MO ANG
You Are My Everything (girlxgirl)
RomanceAng crush ko naman talaga ay ang sincebirth bestfriend ko. Ang alam ko straight ako gaya ng ruler, pero noong nakilala ko si Alexdoberman naging straight ako na parang rainbow. Pa read po. Thankz!