chapter 3

23.7K 348 19
                                    

*Luciel*

Kasalukuyan kong inaayos ang backpack ko para pumunta na ng school. Si Raem, ayun nauna na dahil magkikita daw sila ni Jackson.  Kahapon pa nga ako nagtatampo eh. Kainis yon. Alam ko si Alexdoberman ang dahilan e. Close kasi si Jackson at yong mukhang asong yon. Basta na lang ako iniwan dito. Dati lage kami magkasama sa pagpasok ngayon di na.

" Ciel tara na." si ate Clarise.

"ang aga mo naman pumasok ate, diba 10 pa ang pasok mo. Alasnuebe palang a." kako. Graduating na to sa kursong nursing.

"okay lang, sa school na lang ako tatambay." sabi nito at kinuha ang backpack ko at isinukbit sa balikat nito.

"ate ako na magdadala nyan, kahiya naman." pamimigil ko.

"ako na Ciel, baka mamaya lalong di ka tatangkad." anitong nakatawa.

"kainis ka ate, kaw nga magbibitbit pero aasarin mo naman ako." sabi ko sabay pout.

"biro lang, ganda mo naman kahit kulang ka sa height e." sabi nya sabay gulo sa buhok ko kaya ngumiti naman ako. Kakampi ko pa rin si ate Clarise hehe.

"kaw din naman ate ang ganda mo, ang tangkad mo pa.." puri ko rin sa kanya. Namula naman ito at nagtakip ng mukha.

  Totoo, maganda talaga siya at matangkad pa.

"bakit ka naman namumula ate.? inlove ka anu?" tudyo ko. Nag aabang na kami ng jeep.

"heh! inlove inlove ka dyan.! tara na nga!" sagot nya sa akin at agad na pinara ang jeep na paparating.

*Alexine*

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng condo at akmang sasakay ng kotse sa parkinglot nung nagring ang celphone ko. Pagtingin ko sa screen ay napamura ako.Sh*t! kelan ba ako titigilan ng babaing to.?! Pinindot ko ang cancel button pero tumawag uli to. Nak ng aso naman o! Hindi ko pa naman pwedeng patayin ang phone ko, may hinihintay  akong importante. Napilitan nalang akong sagutin ang tawag.

"thank God! Sa wakas ay sinagot mo na rin sweetheart.." agad na salita sa kabilang linya. Ne hindi pa nga ako nakapag hello.

"what?" halatang inis na ang boses ko.

"anung what? Ngayon mo nga lang sinagot ang tawag ko tapos kaw pa itong galit? " tsk! sumusobra na itong babae na ito. Di ko naman sinabing tawagan ako.

"hindi naman kita inobliga para tawagan ako. At anu ba kasi kailangan mo?" salubong na kilay ko.

"Im just reminding you about the dinner sweetheart, be sure to come.."sagot nya sa akin. Magdidinner kasi ang family nila sa bahay namin.

"hindi ko na kailangan pumunta, with or without me matutuloy pa rin ang dinner na yan." hindi interesadong sagot ko.

"you are fuckin' bullshit Alex!!" mura nya sa akin. Naningkit na mata ko sa galit at inis. Who the hell is she para murahin ako.Akmang puputolin ko na ang tawag nung magsalita ulit ito. "its about us Alex kung bakit magdidinner ang family natin together. Diba noon pa napag usapan yon? And you know me Alex.. I can get anything I want.!" pagbabanta nya sa akin. Tsk! Kala naman nya matatakot ako sa kanya.

"Pwede ba tigil tigilan mo na ako!  Marami naman dyan wag lang ako dahil hindi kita gusto!" ubos na talaga pasensya ko. Narinig ko ang paghikbi nya. Anung drama nanaman gagawin nito.?

"You know how much ilove you Alex.. Please naman, mahalin mo naman ako.. Ginawa ko naman lahat para mahalin mo rin ako. Anu pa ba ang kulang?"

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon