"Tigilan mo nga ako Lyka!" sabi ko sa kaibigan ko, e panu kanina pa ako kinukulit tungkol kay Jackson, kasalukuyan kaming nasa park ng school dahil pasukan na ulit.
"Sige na prenship, kaw na magbigay kay Jackson my true love neto." anito at pilit binibigay sa akin yong love letter nito para kay Jackson.
"Kainis naman eh!"angal ko. "Kaw me gusto don sa tao di ikaw magbigay nyan!"
"Ikaw ang nakakainis prenship e, nahihiya nga ako saka sayo me gusto yong tao e." sagot naman nyang nakanguso sa akin.
"Asus! Marunong ka palang mahiya sa lagay na yan? Ikaw pa unang magbibigay ng love letter?! Haller?! Hwag mo ako idamay sa kakornihan mong yan!"Inis na sagot ko.
"Tsk! Korni daw? Ceil naman e, parang di naman tayo magkaibigan e. Simula nalang nung pasukan, kadaling uminit yang ulo mo. May regla ka ba simula pasukan hanggang ngayon?" maktol nito
Bwiset na Lyka to, anu tingin sa akin, dinugo?
"Nangungunsensya ka pa, ang sabi mo, sa akin siya me gusto baka pag ako magbigay ng sulat mo sa kanya baka lalo siya mainlove sa akin." ako
"Di ka naman nya maliligawan dahil binakuran ka na ng doberman mo! Anu, sino na ngayon ang gusto mo? Doberman o Raem?" pang aasar nito sa akin. Ayun sa kwento kasi ni Raem sa akin ay may gusto daw sa akin si Jackson pero nung nalaman nito na may balak din manligaw si dober sa akin ay umatras ito. Anu yon? Kalalaki nyang tao takot siya sa karibal nya at sa babae pa?. And speaking of that DOBERMAN MEYER, to hell with her! Kaya pala pansin kong mainit lage ulo ko, simula lang naman nung nanggaling ito sa amin hanggang ngayon di ko pa sya nakikita. Alam naman nito number ko, bakit di nya magawang magtext? Tsk! Kainis! Nagpapamiss ba yon? Uhh!! Well, nagtagumpay siya dahil miss na miss ko na siya!
"0y prenship, napaisip ka nanaman yata?" kalabit sa akin ni Lyka.
"Tumahimik ka nga! Magreview nalang tayo, alam mo naman yong prof natin biglaan kung magbigay ng quiz." ako saka ko nilabas yong notebook ko sa bag ko at nagconcentrate ng magbasa. Bigla naman na tumahimik si Lyka pero di ko na nilingon baka nagbabasa na rin, pinilit ko na lang isaksak sa utak ko yong binabasa ko kahit puro dober dober dober dober dober ang laman nun.
"Aist! Anu ba!" bulyaw ko kay Lyka pero di ko siya nililingon, nakatutok pa rin ang mata ko sa notebook ko, hilain ba naman ang buhok ko.
"Lyka anu ba! Isa pa!" banta ko, panu e inulit pa.
"Ly-"napatakip ako sa bibig ko, si dober pala andito at siya pala nanghihila ng buhok ko. Nakangiti pa itong nakatitig sa akin. Si magaling na Lyka naman ay ngingitingiti pa at pawave wave pa habang naglalakad palayo sa amin. Tiniklop ko naman yong notebook ko saka ko pinanghampas kay dober!
"Aww! Baby, masakit yan huh.." reklamo nito pero kalambing ng boses nito. Di pa ako nakuntento at pinagkukurot ko siya sa tagiliran, puro naman ito ilag. Hinuli naman nito ang kamay ko saka nya ako niyakap. Di ko namalayan, napaiyak na pala ako. God knows how much i missed this doberman.
"husshh.... Don't cry baby." anito at hinaplos ang likod ko. Wala akong pakialam kung ako na ang korni ngayon, wala na rin akong pakialam kung pinapanood na kami ng mga tsismosa't tsismoso.
"B-bakit ngayon ka lang nagpakita ha?" tanung ko sa kanya. Nakasubsub pa rin ang mukha ko sa dibdib nya, e hanggang don lang ako eh.
"I just settled some things. Don't worry araw-araw mo na akong makikita. Alam ko namang sobrang miss na miss na ako ng prinsesa ko." nakangising sagot nya sa akin.
BINABASA MO ANG
You Are My Everything (girlxgirl)
RomanceAng crush ko naman talaga ay ang sincebirth bestfriend ko. Ang alam ko straight ako gaya ng ruler, pero noong nakilala ko si Alexdoberman naging straight ako na parang rainbow. Pa read po. Thankz!