Chapter 12

12.7K 245 10
                                    

A/N: Puro nalang muna si Ciel ang mag pov para naman suspense ^_-

Nakayakap nanaman sa akin si dober. Di ko kasi pinansin ang pagtawag nya sa akin kanina. Humiga rin ito at tumabi sa akin. Mabigat na ang paghinga nito, ibig sabihin tulog na ito. Dahan dahan akong umayos ng higa paharap sa kanya. Don ko talaga napagmasdan ng maigi ang kanyang mukha. Napakakinis na parang di manlang dinapuan ng tigyawat. Kahaba ng kanyang pilikmata at katangos ng ilong. Kulay pink na labi, labi na umangkin ng first kiss ko. Labi na parang kina aadikan ko na rin. Haist Ciel, umayos ka.... Ibinaling ko sa iba ang mata ko, mahirap na. Nakakahiyang makasuhan ng rape.

Ayun sa kwento ni Jackson nung minsan nagsabay kaming naglunch, may lahi daw si Alex, canadian daw ang lola nito. Kumbaga rin pag aso may lahi rin, parang german dog hihi kasi doberman ei. Pero aaminin ko talaga, sobrang ganda nya, di lang maganda, hot pa. Nasa kanya na lahat ei.. Di ko lang talaga maintindihan kung bakit lage nya ako inaasar at hinaharot sa una pa lang na pagkikita namin na siya ring dahilan kung bakit ako confused sa sarili ko ngayon. Sa kanya lang naman din ako nakaramdam ng kakaiba. Ang alam ko naman si Raem ang gusto ko pero bakit pag nakikita ko tong dober na to parang nag sosomersault ang buong mundo ko tapos mahihilo na isip ko kaya kung anu ano pumapasok na kalukohan sa utak ko. Dahilan ko nanaman ba yon? 0 attracted ba ako sa kanya. Aist...! Nagugulohan na talaga ako. Tomboy na ba ako? Eiii.... di ko naman maimagine magbihis lalaki noh saka nagkagusto na ako sa lalaki. Anu ba talaga!?  Bakit ba kalaki ng naging epekto nito sa akin tong dober na to?

Pero kahit naman siguro sino, kayo kaya halikan at lagyan ng kissmark ng kapwa nyo babae tapos maganda na hot pa! 0 baka siya naman ang tomboy. Napailing ako sa naisip. Di naman siya kilos o gupit lalaki.

Nung una talaga parang nandiri ako, di ko naman naimagine dati na makipaghalikan ako sa kapwa ko babae.. Pero ngayon di ko na alam, kayo na lang humusga! Hindi ko rin naman alam kung anu nasa isip ni dober at kung bakit nya ako hinalikan. Di ko rin alam kung anu na masasabi sa akin ni Raem kapag nalaman nitong nagpahalik ako sa babaing nililigawan nito.

Tok! tok! tok! mahinang katok sa pinto.

"Luciel!" rinig kong tawag sa akin ni nanay. Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ni dober na nakayakap sa akin. Bumangon ako para buksan ang pinto.

"Halina na kayo para makakain na tayo ng hapunan." bungad nya sa akin.

"Sige po Nay. Susunod na po kami." at iniwan na ako ni nanay. Bumalik naman ako sa loob. Imbes na gisingin si Alex ay natagpuan ko nanaman ang sarili ko na pinagmamasdan ang mukha nya.

"Sus Ciel, tunaw na tunaw na ako nyan." nagulat pa ako nung bigla nito imulat ang mata nya at magsalita. Agad naman ako nag-iwas ng tingin. Nahuli pa siya nitong pinagmamasdan nya ito habang tulog o baka mamaya nagpanggap lang itong tulog.

"b-bumangon ka na lang dyan, kakain na raw tayo." sabi ko na lang sa kanya para makaiwas na rin sa panunudyo nito.

"Alam ko.." sagot nitong ngumiti saka ito bumangon.

"ha? Ibig sabihin nagpapanggap ka lang na tulog kanina?!" bulyaw ko sa kanya.

" 0ps! Kaw naman. Highblood agad, di ako nagpanggap na tulog kanina. Nagising lang ako nung may kumatok." sagot nitong nakangisi.

"e b-bakit di ka bumangon kanina?" jushkoday! Di aware pala ito na pinagmamasdan ko siya kanina.

"di kung bumangon ako, di mo ako napagmasdan." sagot nito saka nya ako kinindatan. Pssh! Sya na ang hot.

"ewan ko sayo hmp! Tara na nga sa kusina at ng makakain na. Gutom lang yan!"pag iiwas ko. Narinig ko nanaman ang mahinang pagtawa nito.

"Ate, sino yang kasama mo?" tanong sa akin ni Potpot pagkarating namin sa kusina.

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon