Asar! asar!

27.4K 402 30
                                    

Para kay Myrachelle

  

(enjoy reading!)

Luciel

Nakaalalay ako kay Raem pagpasok namin ng boarding house. Buti nalang at mabait yong may ari at di kami pinagalitan dahil madaling araw na kami nakauwi. Sakto pa na wala si ate Clarise(ate ni Raem)

"umayos ka naman sa paglakad mo, ang bigat mo kaya!" reklamo ko.

"kaw naman Shiel, ngayon mo nga lang ako inalalayan taposh aangal ka pa hik.!" sagot niya sa akin.

"sus! kung di lang kita mahal eh.." bulong ko.

"anu shabi mo?" tanung nya sa akin. Hala! narinig nya yata!

"nagsalita ba ako?" kaila ko. "yan kasi, naglalalasing di naman pala kaya, kung anu anu pa naririnig.."

"weh.. di nga? Parang may narinig akong sinabi mo eh.." pangungulit nya sa akin. Kinabahan tuloy ako.

"wala nga! kulit nyo naman po manong." sagot ko habang binubuksan ang kwarto namin at inalalayan ko ulit pagpasok. "o ayan, tulog ka na ha!" sabi ko sabay tulak ko sa kanya sa kama nya. Napahiga tuloy siya ng padapa style. Di ko mapigilang mapahagikhik.

" kaw shiel, shadishta ka pala! kaw lang malashing ng sobra kala mo, itutulak kita sha bangin." sabi nyang nakanguso. Maya maya lang ay humilik na ito. Eww! haha tulog kaagad.

Tinanggal ko ang sapatos nya saka ko siya kinumutan.

Tsk! Kaw na Raem ka, kaylan mo ba ako liligawan? Sa sobrang kabaitan mo sa akin nahulog na puso ko sayo,pakipulot naman... Sige ka, pag di mo pulutin baka aso pa makapulot.. at rumehistro sa imagination ko si Alexine na nakangising aso. Pweh! pweh! Sa lahat ba naman kasi ng iisipin ko na makapulot bakit aso pa. Andyan naman si Coco Martin, Jericho Rosales, Gerald Anderson, Luis Manzano at Edie Garcia!! Ay! wag na pala yong huli. hihi! Bakit si dober pa naimagine ko. Naalala ko tuloy yong paghalik ni dober sa akin (sabay hawak sa labi ko) charap nya humalik lasang  strawberry.. heh.. yuck! strawberry daw. Back to fafa Raem na  kasi.Ambagal mo kasi kaya naunahan ka tuloy, para sayo pa naman sana ang first kiss ko. Pero bakit kasi ako hinalikan ni dober?  Baka naman nagpapanggap lang syang babae pero lalaki pala!? Sabad ng aking kunsensya. Psssh.. si kunsensya talaga baliw na! Panung nagpapanggap na babae e ang ganda nya kaya.... Huh?  Pweh pweh! erase! panget pala sya. Tama ka kunsensya, ngayon magkasundo na tayo. Nagpapanggap lang syang babae. Bakla yon! hahaha! Makatulog na nga.! kung anu anu pa naiisip. Tulog na tayo kunsensya ha, wag maingay. Umakyat na rin ako sa higaan ko para matulog, panigurado hang over ang abot namin bukas. Buti nalang walang pasok..

*Luciel*

"hmmff.. hachoo!!" Nagising ako na nangangati ang ilong ko kaya napahatsing  ako. Ipinikit ko ulit mata ko. Inaaantok pa talaga ako. Shemay na hang over yan. Naramdaman kong nangati ulit ilong ko, may narinig akong paimpit na hagikhik kaya minulat ko mata ko.

Nak ng! si ate Clarise pala..! Kelan pa kaya ito dumating.?! Nag inat ako sabay hikab.

"kayo Ciel ha, uminom kayo kagabi noh? Ang hirap mo gisingin kaya sinundot sundot ko nalang ilong mo gamit ang buhok mo." anitong napangisi.

"Grabe ka ate, di ka manlang naawa sa akin, sarap pa kaya matulog saka may hang over ako." tsk! kaya pala napabahing ako kanina. Lumingon ako sa kabilang kama pero wala na don si Raem. "asan si Raem?" tanung ko.

"mag aalas onse na kaya oy.. Inutusan ko bumili ng kakainin natin. Bakit kasi kayo naglasing ha?" tanung sa akin habang nagsisimulang ligpitin ang hinigaan ng kapatid.

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon