Gabi na at magkakasama kami nina ate Clarise at dober, namasyal kami sa peryahan.
"Anu un?"curious na tanong ni dober at itinuro ung katabi namin na food cart. Nakatingin ito sa day old na kakaprito lang.
"di mo alam yan? Sisiw yan, day old tawag dyan." sagot ko naman at lumapit sa nagtitinda.
"Magkanu po sa day old manong?" tanung ko.
"syete isa ineng." sagot naman nung tindero. Tumusok naman ako ng lima at inilagay sa disposable cup. Nilagyan ko ng sauce saka ako tumingin kay dober na nakakunot-noo.
"O tikman mo." duldol ko sa kanya. "ay, bayaran mo muna pala, lima to, seven pesos daw isa."dagdag ko.
"ehh...."napakamot nalang sa ulo si dober pero binayaran naman.
"o, kainin mo na." duldol ko ulit sa kanya.
"eh, kwan kasi, di pa ako nakakakain ng ganyan."tumingin pa ito kay ate Clarise na parang nangangailangan ng tulong.
"Masarap yan Alex, try mo." ani ate Clarise na nangingiti.
"Kunin mo na dober, wag ka na maarte, ang aso naman kahit anu kinakain." pang aasar ko sa kanya, hihi its my time naman.
"kaya nga?" cool na sagot nya sa akin. "kaya pala pati ikaw gusto kung kainin." dagdag nito
Tsk! Namula nanaman ang pisngi ko, its my time kako pero bakit di nauubosan ng isasagot tong dober na to.
"ugh! Kainin mo nga yan!" sabi ko na lang at ipinahawak ko na sa kanya yong baso at lumayo ng konti sa kanila. Dinig ko pa ang mahinang tawanan nila ni ate Clarise.
Pagkatapos makain nina ate Clarise at dober yong day old ay nag aya naman ako sa rides. Ang sarap daw ng day old, bibili daw ito ng marami at iuuwi nito. Natawa ako, mas marami pa nga sa bayan ng ganun.
"Bata ka pa nga talaga Ciel." sabi naman ni dober.
"porket sasakay sa rides, bata na? Tingnan nyo nga yong mga iba don, mga lovers pa." at itinuro ko naman yong couple na nagawa pang maglampungan sa caterpillar.
"Clarise, gusto rn yata ni Ciel ma experience yon.!" ani dober sabay nguso don sa naghahalikang couple sa caterpillar ride.
"Yuck!" kako naman with matching big eyes. "kung ikaw lang din makakaeksena ko, wag na!!" dagdag ko pa at umarteng parang nasusuka.
Tinawanan lang ako ni dober.
"Bakit Ciel, sinabi ko bang ako ang makakalampungan mo?" sagot nya sa akin with smirked.
Napahiya tuloy ako, 0o nga naman, wala pa itong sinabi. Ako tuloy ang nagmukhang katawa-tawa. Natatawa na nga rin si ate Clarise. Emeged..... panu ko ba maibabangon ang puri ko?
"Tse! Ang kapal ng mukha mo! Nakailang halik ka na nga sa akin, di talagang pinagnanasaan mo ako!" pagkatapos masabi yon ay agad ako napatakip sa bibig ko. Bakit ko ba nasabi yon? Kita ko rin na nagulat ang dalawa, nagkatitigan pa ang mga ito. Walang anu-ano'y biglang lumipad ang kamao ni ate Clarise sa mukha ni dober, napaupo naman ang huli dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya at dahil din sa gulat.
Gulat ako kaya napasigaw ako.
"Ate Clarise!" agad ako lumapit sa kanila. Akmang susuntokin pa ulit nya pero mabilis ko siyang niyakap.
"Ate Clarise! B-bakit mo siya biglang sinuntok? Anung kasalanan nya sayo?" nagugulohang tanung ko. Si Alex naman ay nakatayo na. Pinagiliran na kami ng mga taong usyosero't usyosera.
"Wag kang makialam dito Ciel!" galit pang sagot sa akin ni ate Clarise. Nanlilisik pa ang mga mata nitong nakatingin kay Alex.
"Clarise, let me explain!" nakataas naman ang kamay ni Alex, ibig sabihin na di ito lalaban. Sus, kung lalaban ito kahit gaanu ito kalakas, kadaming tropa si ate Clarise dito, kawawa lang ito. Pero di ko naman maimagine na binubogbog nila si dober. May awa pa rin ako kahit papanu noh!?
"E explain mo yang mukha mo Alex! Nag usap usap na tayo nun di ba? I trusted you, we trusted you! Pero anung ginawa mo?!" galit pa rin ang tono ni ate Clarise. Di ko pa rin maintindihan kung bakit ito nagalit ng biglaan, tawa tawa pa nga ito kanina.
"Okay, Im sorry... Hindi ko napigilan. Umamin naman ako sa inyo di ba?"mahinahong sagot ni dober.
Palipat-lipat tuloy ang tingin ko sa kanila. Kung nagalit si ate Clarise dahil hinalikan ako ni dober, masyado namang over. Saka di ko na magets ang pinag-uusapan nila.
"Umamin ka nga pero nung una lang! Nakailan ka na rin pala! "galit pa ring sagot ni ate Clarise.
"Di ko nga napigilan, sorry na. Pero seryuso ako sa kanya, pag matapos kong masolve ang mga problema ko, liligawan ko na siya." ani dober naman. Gulat ako sa narinig ko. Liligawan? Kababae nyang tao, siya ang manliligaw? Sinong liligawan nya, si Raem kaya? Para namang may naramdaman akong mumunting kurot sa puso ko pagkaisip ko nun. Di ko na rin masigurado kung bakit ako nasaktan.
^-^
yan lang haha
pasensya na kung very short update
Hi to justineshane;)
(pakiread din po iba kong story: till the last beat of my heart and cant remember to forget you
0neshot: joseph and jane)
thanks a lot!
BINABASA MO ANG
You Are My Everything (girlxgirl)
RomanceAng crush ko naman talaga ay ang sincebirth bestfriend ko. Ang alam ko straight ako gaya ng ruler, pero noong nakilala ko si Alexdoberman naging straight ako na parang rainbow. Pa read po. Thankz!