Chapter 45

7.1K 155 22
                                    

Clarise

Sh*t! Di ko rin nakausap si Alex. Dumating din agad ang ina nitong bruha at iniuwi. Pupuntahan ko na lang sya sa kanila next time.

"0 ayan! Tsupi na!" Si Violeta, pinapalayas na agad ako pagkalapag ng mga pinakuha ng mother nya. Sarap din nya tirisin.

"As you wish!" Kako at tumayo, inayos ko ang mga dadalhin ko.

"Bilis!" Aniya pa.

"Alam mo, takang taka talaga ako." Kako, saka ko sya tiningnan.

"Takang taka saan?"

"Kung nanay mo talaga si doktora. Ang layo kasi ng ugali mo sa kanya." Kako saka ko sya iniwan.

"I hate you!"

"Who cares!" Ganting sigaw ko. Tinitingnan tuloy ako ng katulong nila. Di ko na lang inintindi. Sumakay na lang ako sa motor ko at umalis.

***

"Kala ko di ka na darating." Kako kay Alex pagdating nito sa meeting place namin. Pumunta ako sa kanila kaya lang di ako pinapasok ng mahadera nilang muchacha kaya tinawagan ko na lang para magkita na lang kami. Wala na akong oras pumunta sa bar nila para kitain sya, medyo busy na rin ako sa trabaho ko.
Umupo naman ito sa tabi ko. Grabe! Si Alex ba to? Parang di ko na sya makilala, ang laki lang naman kasi ng ipinayat nya.

"Pasensya ka na kung natagalan ako. Si momy kasi." Anito.

"Okay lang yon." Kako na lang. Parang di ko naman na alam ang sasabihin ko, di ko naman alam kung panu simulan.

Huminga ito ng malalim.

"Nabalitaan mo na siguro ang nangyari sa amin ni Ciel."

Eto na..

"Yun nga e. Anu bang nangyari?"

"Ewan ko. Ako nga rin nabigla nung... nung ganun nga. Nung umamin si Ciel na sila na ni Justine." Pagkukwento nya. Si Ciel talaga, ginamit pa talaga si Justine.

"Baka di naman totoo yon."
Kahit alam ko na ang totoo, ayuko namang pangunahan si Ciel sa mga desisyon nya lalo na at sangkot ang pamilya nya dito.

"Wala na siguro akong magagawa kundi tanggapin na lang. Mahirap naman kung ipagpilitan ko ang sarili ko. Kung san sya masaya, don na rin ako." Anitong naluluha.

Patay! Sumusuko na rin talaga si Alex. Kasalanan din to ng mama nya e, idagdag mo pa ang malditang si Violeta. Hay Dyos ko naman, anu bang gagawin ko.

"Tsk! Halika nga!" Gulat sya nung hinila ko sya. "Tara sa bar ninyo, inum tayo!"

Napangiti naman itong tumangotango.

"Kaya nga iyan ang dahilan kaya ayukong magkalablayp. Hik!" Syete! Napasarap inum ko ng alak, lasing na ata ako.

"Sakit nga e, tagos hanggang buto ang sakit pre." Ani Alex na lasing na rin.

"Yaan mo pre, mawawala rin yan." Yohoho! Tama ba yong sinabi ko? Wala naman ako alam sabihin eh.

"Salamat pala Clarise." Aniya.

"Huh? Bakit naman?" Napatingin ako sa kanya.

"Kasi nandito ka ngaun para samahan ako."

"Okay lang yon. Ikaw naman, yun lang kasi ang magagawa ko. Makakalagpas ka rin."

"Sana nga Clarise. Tara! Uwi na tayo. Don na lang muna tayo sa condo ko, dun na lang natin ituloy ang inuman." Aya nya sa akin.

"No problem!" Agad na sagot.

"Magtaxi na lang tayo, parehas na nating di kayang magdrive."

"Ayos! Basta ikaw mamasahe. Alam mo namang pong poor ako!" Tumatawang sagot ko.

"Luko ka talaga! Dapat nga ikaw kasi kumikita ka na."

Tinawanan ko na lang sya. Sa wakas, napangiti ko na rin sya.

****

"What are you doing here?" Si Alex. Nadatnan kasi namin si Violeta sa labas ng condo nya. Maski man ako ay nagulat din.

"Im waiting for you.." Malambing na sagot nito kay Alex. Kumapit agad ito kay Alex at para bang di nya ako nakikita. Bruha talaga tong babaing to.

"May kasama ako. Di ka na dapat nagpunta dito." Ani Alex.

"Ow..." Nagtaas kilay lang si Violeta.

Binuksan na lang ni Alex ang pinto at pumasok na kami.

"Iinom kami ni Clarise. Nasayo kung matutulog ka na." Aniya kay Violeta. Inakay naman nya ako papunta sa isang counter at naglabas ito ng alak.

"Kaya ba natin yan?" Alanganing tanung ko.

"Bahala na kung mauubos natin o hindi. Shot na!" Nagsalin ito ng alak sa dalawang baso.

"Wait lang Meyer. Alam mo namang di ako social drinker. Baka may sitsirya ka dyan."

Natawa ito dahil sa sinabi. Pumunta ito ng kusina, pagbalik ay may dala na itong pringles. Nakasunod sa kanya si Violeta.

"Iinum ka rin?" Nakangising tanung ko kay Violeta saka ako sumubo ng pringles.

"No, babantayan ko lang kayo." Anito at nagcrossed arms pa.

"Bakit mo naman kami babantayan aber? Matulog ka na kaya, lalo kang papanget kapag magkaeyebag ka." Asar ko sa kanya.

"Heh! Manahimik ka!" Tinuro pa nya ako. Napailing lang sa amin si Alex. Bakit kasi nagkarun pa ng bruha dito?

****

Pabalik na ako ulit sa condo ni Alex. Umalis muna kasi ako don pagkagising ko dahil kailangan ko ring magduty sa ospital at para kunin yong naiwan kong motor sa bar. Naiwan ko syang tulog pa sa sala, ewan ko lang kung san natulog si bruhita, baka sa kwarto ni Alex.

Kanina pa ako kumakatok pero walang nagbubukas. Di ko naman nilock kanina sa loob nung lumabas ako. Sinubukan kong buksan ang pintuan at nagbukas naman.
Agad akong dumeretsu sa sala.

"Oh my God...."
Napatakip ako sa bibig ko. Nasa ibabaw ni Alex si Violeta na tanging bra lang ang suot sa pang itaas!

^___^

Thankyou for reading. I need your votes and meaningful comments.


COUNTDOWN TO AND END


3

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon