Kamalasan 65
JS Prom
Ang buhay ay parang pag-akyat sa bundok. Napakaraming ups and down. Maraming hirap at pasakit bago ka makarating ng tuktok. Maraming lubak na daan na p’wede kang madapa. Maraming putik na lakaran at bangin na kailangang lampasan. Maraming tubig na iinumin at maraming pawis na pupunasin. Ganyan ang buhay. Pero hindi ka makakaabot sa pinakadulong-dulo kapag hindi mo hinakbang at ginalaw ang paa mo. Parang problema, hindi mo malalagpasan kapag hindi mo sinubukang isipan ng paraan kung paano masosolusyunan.
Minsan, sa hinaba-haba ng pagkakalakbay, nandiyan ‘yung times na gusto mo nang sumuko at magpahinga. Bumalik nalang sa simula pero wala ka nang magagawa. Marami ka nang napagdaanan para bumitaw pa.
Ang buhay ay parang pagsusulat ng libro. Minsan tatamarin ka na at binabalak na wag tapusin. Maraming magjujudge. May matutuwa at may mga maiinis. Maraming makikialam na hindi naman dapat makialam. Ganyan ang buhay, napakaraming etchusera.
Ang buhay ay parang paglalaro ng chess. May mga rules at dapat mag-ingat sa galaw. Nasa sa iyo ang desisyon kung paano mo lalaruin ang buhay na kinagagalawan mo. Dapat matalas kang mag-isip. Hindi ka mananalo kung palaging puso ang gagamitin mo. At dapat marunong kang magsakripisyo.
Ang buhay ay parang pag-aabang ng jeep. Choice mo kung gusto mo pang maghintay ng jeep na walang sakay o kung ipagsisiksikan mo ‘yung pwet mo kahit alam mong masasaktan ka lang.
Ang buhay ay parang paglalaro ng basketball. Halo-halo ang emosyon. P’wede kang matalo at manalo. Pero manalo o matalo, ang importante lumaban ka at ibinigay mo ang pinakabest mo para manalo.
Ang dami ko nang natutunan sa buhay. Marami akong narealized simula nang dumating ang pinakabig shot kong problema. Dalawang buwan na ang nakakalipas. Malapit na akong grumaduate. Akalain mo ‘yun?! Nakakatuwa namang isipin na unti-unti ko nang natutunan na ang mga nangyaring ‘yun ay bahagi lang ng storya ko para matuto ako. May mga tao lang talagang dumadating na parang ekstra sa storya mo. Kailangan mong tanggapin ‘yun. At pagkatapos lahat ng mga nangyari sa buhay mo, dapat matuto kang ngumiti kahit gaano pa kabigat ang pinagdaanan mo. Mahirap magmove on pero kung susubukan mo, makakayanan mo.
Pero isa lang talga ang pinakadefinition ng buhay ko para sa akin. Ang buhay ko parang leche flan. Nakakaleche. Puro kamalasan. Pero yung kamalasang ‘yun ang naging recipe para maging sweet ang leche flan ko. Kung walang kamalasan, walang sweetness. Walang leche flan.
Narealize ko kung sino ang tunay kong mga kaibigan. Yung mga taong handang tumulong sa akin kung paano makaget over dun. Hindi pa ako fully na nakakamove-on pero alam kong darating ang araw na tuluyan na akong makakamoved on sa mga nangyari. At mahahanap ko na ang tunay kong happy ending. Yung tipong balang-araw kapag lumingon ako, masasabi kong sa puntong ‘yun, naging matapang ako at nagsakripisyon rin ako para sa ikakasaya ng taong mahal ko.
Salamat kanila Jas, Dylan, Kiel, Yaya at sa mga magulang ko na hindi ako iniwan nung mga panahong kailangan ko. Alam nila ang lahat. Siguro, siguro sila ang dahilan kaya masasabi kong kaya ko nang ngumiti ngayon. At sila rin ang dahilan kung bakit nandito pa ako ngayon at nakikipagsapalaran parin sa buhay.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...