Kamalasan 57
Weird
“Mommy. Balik ka ha?” halos mangiyak-ngiyak na paulit-ulit na sinasabi sa akin ni Sha-sha. Kanina niya pa ako kinukulit habang nag-aayos ako ng maleta ko. Panay tago ng mga gamit ko kung saan-saan. Para daw hindi ako makaalis! Mga bata talaga.
Nilagay ko na rin ‘yung papel na pinagsusulat ko ng kung ano sa bag ko. Mamaya makalimutan ko pa eh. Pagkatapos kong ayusin ‘yung mga gamit ko, pinababa ko na kay Ethan ‘yung maleta ko. Tumingin muna ako dun sa kwarto bago ako lumabas. Last look na ito. Sulitin ko na!!
“Halika na Sha-sha. Baba na tayo. Meet my dad.” sabi ko pero ayaw niyang bumaba. Binuhat ko nga. Ayun, itong batang ‘to nagiinarte kasi uuwi na daw ako. Wala na daw siyang kakulitan. Mamimiss niya daw ako.
“Dad! P’wede bang ‘tong iuwi sa atin? Nagiinarte siya oh! Ayaw na ayaw akong pauwiin.” Tinago niya naman ‘yung mukha niya habang buhat ko siya. Medyo magaan lang talaga itong batang ‘to. Bulilit kasi eh.
“Ang cute cute naman niyan. What’s her name?” tanong ni Dad sa akin habang nilalapitan si Sha-sha.
“Sha-sha, Dad. Tinatawag niya akong Mommy. Wala daw kasi ‘yung Mommy at Daddy niya dito. At malulungkot daw siya kapag wala na ako.” sabi ko kay Dad. Natawa naman siya dun.
“O siya pasok mo na sa maleta ‘yan!” nagtawanan naman kami nila Ethan. Halos mapaiyak naman si Sha-sha pagkasabi nun at lalong nagsisiksik sa leeg ko. Si Rex? Malay ko na naman kung nasaan siya. Kung kailan halos naging okay na kami kahapon dahil sa usapan namin eh bigla na namang mawawala ngayon.
“Ate Erah will come back here, baby.” sabi ni Dad. Medyo napatingin naman si Sha-sha kay Daddy. Pasimple lang. Nung tinanong ko siya kung natatakot siya kay Dad sabi niya oo daw. Medyo nakakatakot kasi itsura ng Daddy ko. Para kang papatayin lalo na ‘yung mga tingin niya. Pero iba ‘yung itsura niya sa ugali niya.
“Hindi naman nangangain ng tao ‘yung Daddy ko eh..” bigla namang natigilan si Sha-sha at tiningnan niya si Dad. Ngumiti si Dad sa kanya at medyo napangiti na rin si Sha-sha.
“I guess, kailangan na naming umuwi. Thank you talaga Ethan ha?” sabi ni Dad sabay nakipagshake hands kay Ethan. Pinisil naman ni Dad ‘yung mukha ni Sha-sha. Binigay ko na si Sha-sha kay Ethan. Siya na ‘yung bumuhat dito.
“No problem, Tito. Anytime po.” ngumiti naman si Ethan habang buhat-buhat si Sha-sha. At talagang nakakagulat kasi Tito na ‘yung tawag niya. Close na talaga sila ng tatay ko ha?
“Sige Ethan. Ingat ha? See you nalang ulit sa pasukan. Tska ikaw Sha-sha ah? Wag ka nang sad. Di ako babalik dito kapag nalaman kong sad ka. Ikaw kuya Ethan, pakainin mo –
“Ayaw ko! Si Daddy magpapakain sa akin.” sabi ni Sha-sha kaya naman natawa ako.
“O sge. Una na kami ha. Salamat sa inyo.” sabay ngumiti ako. Palabas na sana kami ng may biglang sumigaw sa akin.
“Erah! You forgot this! Boo brain. Tsk.” Narinig kong sigaw niya. S’yempre kinikilig ako. Feeling ko nga slow motion ang paglakad ko habang papalapit sa kanya. Yung tipong iniintay niya ako sa altar. Yung tipong ako ‘yung bride at siya ‘yung groo—
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...