Kamalasan 15.
His laugh
“Bitawan nyo ko!!” sigaw ko habang patuloy na hinihigpitan ng isang lalaki yung kamay ko.
“Aray! Nasasaktan po ako!” sigaw ko pero mas hinihigpitan niya lalo ang paghawak skin.
“Hindi mo na ba ako naalala?” sabay tinanggal nya yung suot nyang kung-ano sa ulo ko.
“Omg?! Kuya Payong?!” halos maiyak-iyak na naman ako pagkakita sa kanya. Siya yung nanghold up sa akin dati. Bakit ba crush na crush ata ako nito? Mukha ba akong mayaman at palagi nya akong binabalik-balikan? Alam kong mukha akong artista pero.. bakit ang feeler ko?
Kung hindi ko naman kasi naisip na sundan si Rex at Tricia malamang hindi na naman ako matatrap ng mukhang gorilyang holdaper na to. Alam nya namang wala syang makukuha sakin na pera pero bakit ako nalang palagi ang napagtitripan nitong holdaper na to?
Parang walang ibang tao sa mundo ah. Ako nalang lagi? Ganon? Nakakainis naman kasi. After sabihin nung Manong Guard na nasa isang resto daw ata sila Rex at Tricia, napagdesisyunan kong sundan sila. Nagover the bakod pa ako sa school para lang makalabas. Anong oras na nga akong nakalabas kakaisip ng magndang palusot para pauwiin ako nung Guard pero ayaw pading tablan. Edi nagover the bakod nalang ako.
At oo, nagcutting na naman ako.
Kahit naman magcutting ako o hindi, wala pading nangyayari sa utak ko. Ganon padin sya. PERFECT ZERO PA! Wag na nating isipin yan. Ang dapat kong isipin ay kung paano ako makaalis sa kamay ng gorilyang to!
“Manong naman kasi! Pakawalan mo na ako!!” tapos nagulat ako nang biglang may sumulpot na mga nakaitim sa likuran nya.
“Ipasok niyo na to sa van!” sigaw nung kuya payong na tumulong sakin noon pero nakaligtas ako gawa nang tinulungan ako ni.. uhmm? Ethan ba yun? Oo. Ni ethan.
Eh kamusta naman ngayon?! Baka naman makaligtas pa ako?!
Apat na sila. Isa lang ako.
Kaya umiyak nalang ako.
“Ayoko!! Wag nyo po akong ipasok dyan! Wala pong bibili ng lamang loob ko kapag binenta nyo! Huhuhu! Malulugi lang kayo!" sigaw ko habang nagwawala ako. Medyo madilim na kasi. Hindi ko kasi alam kung saang resto sila Rex kaya ang tagal tagal kong paikot ikot mahanap lang kung asan sila.
Pero eto ang napala ko.
Kasalanan yun ni Tricia eh. Bakit lagi nalang nyang pinipilit sumama sa kanya si Rex? Ayaw nga nung tao eh. Simula nang nakilala ko sya palagi syang nandyan para tawagin at tawagin at walang katapusang tawagin si Labidoo.
“Ang babagal nyo! Dalhin nyo na nga yan!” sigaw ulit nung kuyang payong.
“Waa! Maawa po kayo! Huhu!” sigaw ko habang nagpapadyak-padyak na ako. Natataranta na talga ako.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...