Kamalasan 56
Yes
“Erah, thank you. We miss you.” Feeling ko ang heaven sa feeling. Parang isang taon kong hinanap itong yakap ng Daddy ko.
“Pero Dad, im asking you a favor. Gusto ko pong makilala ang tunay kong magulang. Kahit kwentuhan niyo lang ako ng tungkol sa kanila. At malaman ang buo kong pagkatao.” Sa totoo lang, gusto ko pa rin talagang malaman kung saan ako nagmula at paano ako napunta dito. Di naman p’wedeng hayaan ko nalang ang tunay kong magulang na kalimutan ko sila kahit ako baka nakalimutan na nila. Hindi ako makapag-isip kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ako nandito at ipinabigay. Ang ganda ganda ko lang at ang swerte nila kasi anak nila ako tapos ganun? Oo, nakakapagjoke pa ako. Tawa kayo please. Pero sa totoo lang, sa ginawa ng mga totoo kong magulang, parang pinatay na rin ang sarili nilang anak,.Napansin ko ang paghinga ng malalim ni Dad. Tumingin sya sakin ng seryoso.
“Promise. Sa totoo lang, they’re looking for you. Pero umuwi ka na sa atin ha? Tska may good news ako sa’yo..” sabi ni Daddy sa akin. Nakakacurious naman ‘yung good news niya. Pinunasan ko na ‘yung luha ko at napangiti.. Gumaan ‘yung pakiramdam ko. Tama nga ‘yung sinabi ni Ethan, forgiveness is the right thing to do. Dahil sa kanya naayos ang lahat. At sana tama ang naging desisyon ko.
“Good news?” tanong ko kay Dad. Pinunasan ko na rin ‘yung luha ko kasi naisip kong sayang ang ganda ko kung iiyak lang ako. Masyado naman akong ewan.
“Nandyan na ‘yung Yaya mo, kagabi pa.” pagkasabi niya nun eh agad naman akong nabuhayan ng loob. Miss na miss ko na si Yaya.
“Ano? Sasama ka na ba sa akin?” bigla akong napaisip. Hindi pa ako nakakapag-paalam kanila Rex at Sha-sha.
“Dad, p’wede po bang bukas nalang?” tanong ko sa kanya. Ngumiti lang naman si Dad sa akin.
“Kung ‘yan ang gusto mo, sige. Papayagan kita. Basta bukas ha? Pupuntahan ulit kita dito para sunduin.” hinigpitan ko ‘yung yakap ko dad. Ang saya-saya ko.
“Thank you Dad.” bulong ko sa kanya. Ang gaan pala sa loob kapag nakipag-ayos ka. Super gaan feeling.
“Mukhang nasisiyahan kang tumira dito ah? Tska salamat nga pala hijo sa pag-aalaga sa anak ko. Ano nga palang pangalan mo uli?” tanong ni Daddy kay Ethan. Ay oo nga pala. Hindi ko pa napapakilala si Ethan sa kanya. Nakakahiya naman kay Ethan. Parang naging invisible na siya eh.
“Ethan po. Ethan Garcia. Masaya po ako at nagkabati na kayo. Masayang-masaya po.” sabi ni Ethan at ngumiti siya kay Dad. Hay, Salamat rin Ethan. Ikaw ang nagpumilit saking makipag-usap sa Dad ko. At ang sarap palang pakinggan sa tenga na gamitin sa pangalan mo ‘yung Garcia.
“Ethan Garcia? Garcia? Oh. Daddy mo, business manager ng isang malaking companya?” sabi ni Dad at tumango naman si Ethan at ngumiti.
“Oh.. I see. Nice to meet you iho. Alagaan mo ‘tong anak ko ha? Wag mong paiiyakin. Alam ko namang mabait kang bata at napasunod mo ang baby ko. Mabait ka na nga, pogi pa. Boto ako sa’yo para sa anak ko. So ikaw ba ang boyfriend—
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...