Kamalasan 59

3.5K 121 3
                                    

Kamalasan 59

May nalaman ako.

Nakasakay na kami ni Dad sa kotse Agad kasi kaming nagpaalam at sinabi naming may emergency. Sinabi ko naman sa mga real parents ko babalik din naman agad ako bukas o sa isang araw.  Sinabi ko lang naman kay Dad na dalhin ako kanila Ethan. Shit, kung maririnig niyo lang ‘yung boses ni Ethan. Paniguradong matataranta rin kayo.

Nakakaleche naman kasi ‘yang Lindsay na ‘yan! Alam na ayaw sa kanya ni Ethan, todo push pa din. Wala pa ba siyang kapaguran? Lahat na ginawa?

Patingin-tingin lang ako sa phone ko. Gusto ko nang makarating kanila Ethan at nang masabunutan ko ‘yung lecheng Lindsay na ‘yan!

“Erah, are you okay?” tanong sa akin ni Dad. Tumango lang naman ako kahit hindi. Ayoko nang pag-isipin sila. Leche ka Lindsay. Nasira mo ang isa sa napakasaya kong araw. Sinira mo kaya dapat mo ‘tong pagbayaran. Hanggang ngayon ba guguluhin pa din ng mga kontrabida tong storya ko?

Biglang nagvibrate ‘yung phone ko. Agad agad ko namang kinuha at tiningnan! Shit. Si Ethan.

 Sender : Ethan

Time : 7:23 PM

 

Okay na Erah. Nataranta ka ba? Sorry ha. Wag ka nang pumunta. Maayos rin ‘to. Salamat.

Hindi ko alam. Mas lalong nang-init ‘yung ulo ko. Hindi ko nalang pinatigil ‘yung kotse kay Dad. Hindi nalang ako nagsalita. Ginawa ko ang best ko para matulungan siya tapos okay na pala? Leche ‘yan oh. Feeling nasira ang buong araw ko.

“We’re here.” nagulat akong sabi ni Dad. Iniisip ko pa din kung tatayo ba ko lalabas o hindi. Naguguluhan ako eh. Sabi kasi ni Ethan, wag na daw. Pero ang feeling ko dapat ko siy—

Bigla akong natigilan. Napatingin kami ni dad sa tapat ng bahay nila. Shit. What’s happening?

“Anong nangyayari, Erah?” pati ako halos nanlalaki ‘yung mata ko. Tunog ng ambulansya lang ‘yung naririnig ko. Gusto kong bumaba pero natatakot ako. Sa kanila ba talaga galing ‘yung ambulansya o feeling ko lang ‘yun?

“Sir. Mukhang sa kanila nga galing ‘yung ambulansya.” Mas lalo akong kinabahan. Kung sa kanila galing ‘yung ambulansya, anong mayroon? Bakit? Paano?

Agad kong dinial ‘yung number ni Ethan pero mas lalo akong kinabahan. Walang sumasagot. Panay ring. At dahil dun, naglakas loob akong bumaba.

“Erah! Pumasok ka na dito sa kotse!” sigaw ni Dad pero nagpumilit pa din ako. Walang mangyayari at hindi ko malalaman kung mananatili lang akong nakaupo sa loob. Hindi ko pinansin si Dad at nagtuloy-tuloy akong bumaba ng kotse at nanginginig akong pumasok ng gate nila. Wala pa akong naririnig na gulo. Naglakad ako nang dahan-dahan papasok sa kanila at bigla nalang ako nagulat nang marinig ko ‘yung boses ni Ethan na nasigaw.

“Shit Lindsay! Bakit ka pa sumama sa Dad ko?!” sigaw ni Ethan. So ibigsabihin hindi siya ‘yung nasa ambulansya? Baka hindi naman siguro galing sa kanila ‘yun.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon