Kamalasan 1.

23K 385 29
                                    

Kamalasan 1

Kamalasan everywhere



Napakatypical ng araw na ito. Typical kasi puro na naman kamalasan. Kumbaga, nasanay na ako sa araw-araw kong kamalasan sa buhay. Dinaig ko pa nga ata 'yung may kambal na Sirena eh. Atleast sa kanila, sirena 'yung kakambal nila. Ako naman? Kamalasan 'yung kakambal ko.

 

Kamalasan number 1 : Nadulas ako sa may sala. Hindi ko kasi namalayang may natapon palang tubig doon. Masakit siya sa pwet. Halos pati pwet ko mangiyak-ngiyak sa sobrang sakit. Bakit naman ang aga kong atakihin ng kamalasan ngayong araw na ito?!

 

"Erah, my little baby. Are you alright?" to the rescue naman ang Yaya ko habang hawak-hawak niya ang mop. Mukha pa ba akong okay sa lagay na 'to? Pati ata ulo ko sumakit na rin sa tanong ni Yaya. Bukod sa nakakainis na tanong 'yun imbis na tulungan niya nalang ako eh dagdag mong English pa 'yun!! #MedyoEngot.

"Sa tingin mo Yaya, okay lang ako?" inis kong tanong kay Yaya. Tinawanan niya lang naman ako na parang nang-iinsulto pa.

"Mukha namang wala kang natamong bali eh. Ayos lang 'yan!!" pang-inis niya pa. Maaga na nga akong nagising ngayon para hindi ako malate at hindi mapagalitan, kamalasan pa rin ang mag-good morning sa akin? Wow naman, pare!

  Naalala ko pa naman kanina sa higaan kung paano ko minulat 'yung mata ko. Dahan-dahan pa 'yun na akala mo nasa movie ako na ako 'yung bida tapos siya 'yung leading man ko. Pero mukhang nagkakamali talaga ako, forever leading man ko 'yung  kamalasan. At tska hanggang pangarap lang 'yung maging leading man ko siya. Pero reality, pagmulat ko ng mata ko. Normal lang. Nasa kwarto ko ako. May morning glory as in muta na pinasosyal ko naman para hindi nakakahiya sa inyo.

Umupo na ako sa upuan tapos tumabi na din si Yaya. Napunasan niya na ata 'yung basa na naging dahilan ng pagkadulas ko. Hindi ko na napansin dahil sa pag-eemote sa sobrang sakit ng pagkabagsak ko. Tiningnan ko lang naman siya pero nakangiti pa din siya. Kung bakit siya nakangiti, ay hindi ko rin naman alam. Natutuwa ba siya dahil nadulas ako o sadyang may pagkakalog 'yan minsan. Parang super bestfriend ko na rin 'tong Yaya ko. Lab na lab pa ako niyan. Parang anak niya na nga ako eh. Pero single pa ang Yaya ko. Single and ready to mingle ang peg niyan. Kung naghahanap kayo ng maganda, mabait, sexy, madaldal, kalog na girlfriend, ayan ang Yaya ko. Maririndi nga lang kayo sa ratatat niyang bunganga at siguro susuko rin kayo.

Pero kung gusto niyo talagang mag-apply, just contact me to get more info about my Yaya. Tayo na ang bahalang mag-usap kung magkano, ay joke! Mukhang binebenta ko naman si Yaya eh ano?! Hahahaha!

"Erah, my little bebe. Ang aga mong nagising ah? Anong nakain mo?" sabi ni Yaya sa akin. Akala ko naman itatanong ni Yaya kung okay lang ba ako, nasaktan ba ako o ano pero ito siya nagtatanong kung anong nakain ko at ang aga ko magising.

Isa lang naman ang dahilan kung bakit maaga akong nagising. Excited kasi akong makita ang leading man ko este ang aking labidoo. My forever crush. Kaso 'yun nga, hindi mutual ang feelings namin sa isa't-isa. At siguro hindi rin kami bagay. Pero hindi naman ibig-sabihin nun, susuko na agad ako. Maganda kaya ako! Makapal nga lang ang mukha ko. Pero kapag sa kanya? Nawawala 'yun. Naglalaho bigla at para na akong nagiging invisible.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon