Kamalasan 18.
Ako ang napili niya
Bgla akong nagulat pagkatalikod ko. Akala ko kasi si Rex yung sinasabi nilang Ultimate Crush. Yun lang kasi alam ko. Wala na kasi akong pakialam sa iba. Pero halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. What the heck?
Ultimate crush ng school..si..
Ethan?!
Ethan Atienza. Ang lalaking tumulong sakin nung muntik na kong maholdup nung unang beses. Ang lalaking nanlibre sakin at nanapon ng pizza ko. At ang lalaking nakita kong muntik ng magpakamatay sa favorite puno ko. Sya yun.
Sya yung ultimate crush.
Pero nagulat ako. As in gulat na gulat.
May biglang umakbay sa akin na naging dahilan para mastunt ako. Hindi ako makagalaw. Hindi ko rin sya matingnan. Alam ko na naman kung sinong umakbay sakin eh.
Sino pa ba? Edi yung kutong lupa. Ang FC nya lang. Gusto nya atang ipagkalat ko sa buong campus ang kabaklaang ginawa nya sa may favorite puno ko!
"Hi babe." bati nya sakin. Napa eww naman ako. Pede po bang masuka? Tiningnan ko sya ng masama. As in masama tlaga.
"Makisakay ka muna." bulong nya sakin. Napatango nalang ako sa kanya. Parang hindi ako makahindi eh. Haahahhaa.
"Babe, ang tagal nating di nagkita. Kamusta ka na?" sabay kiss nya sa cheeks. Ngumiti lang ako ng pilit sabay tingin sa kanya ng napipilitan-lang-ako look. Tiningnan nya naman ako ng please-parang-awa-mo-na-look.
"Pasensya ka na babe ah? Hindi kita naasikaso. Busy kasi sa school." sabay medyo lumapit ako sa kanya.
"Tingnan mo yung mga babae. Sakin lahat nakatingin. Ano na namang trip to Ethan?" bulong ko sa kanya ng mahina.
"Sabi ko sayo, makisakay ka lang." tumango nalang ako. Parang ngayon ko lang sya nakita sa school. Nakakagulat nga eh. Tatanungin ko nalang sya mamaya. Kasi usap-usapan nga na bumalik na sya so ibigsabhn wala talga sya dito.
"Nagulat ka ba sa pagbabalik ko BABE?" halos dinidiin nya yung salitang babe na nagpapaasar sa akin.
"Hindi naman masyado BABE." Bilang pang-asar din, binalik ko sa kanya yung pagdidiin nya sa salitang babe.
"She's flirt. Parang lahat balak nyang landiin?" rinig ko sa paligid ko.
"Wala eh. Ganyan talga kapag lower section." sagot naman nung isa.
"Di man lang ginalang si Kathie." sagot pa nung isa.
"Tss. Ethan. Tigilan na natin to. Ano ba kasi to. Naririnig mo ba yung mga pnagsasabi nila?" sabi ko nang mahina sa knya. Yung pabulong lang.
"Ayokong makakarinig ng kung ano-anong masasamang salita na sinasabi nyo tungkol sa babe ko. Ako ang makakalaban ko sa oras na makarinig ako ng masamang salita." Halos parang natakot naman yung mga babaeng kung ano anong pnagsasabi at napatakip ng bibig.
"Ayan na. Basta, makiride ka nalang." sabi nya sakin. Pagkalingon ko nman nkita ko si Rex na nakatayo. Nagkasalubong yung mata namin. Hindi inosente yung tingin nya.
"Ethan..wait. Puntahan ko s-
"Dito ka lang." sabi nya sakin. Hindi ako makaalis kahit gusto kong puntahan si Rex. Tong lalaking to kasi. Ang FC. Ako pa pnahamak nya eh.
"Tigil-tigilan mo na kasi kakababe mo sakin, Ethan. Hindi talga nakakatuwa." sabi ko sa kanya. Sympre, nakita ko na si Rex. Parang nainis ako bigla sa sarili ko. Kung kailan nagiging malapit na ko sa kanya, tska nya pa ko makikitang lumalandi ng iba dba?
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...