Kamalasan 10.

6.8K 149 2
                                    

Kamalasan 10.

 Boo-brain

Halos mamaga ata yung mukha ko kakasampal sakin eh. Ang sakit lang. Ano bang nagawa kong kasalanan para pagdiskitahan tong napakaganda kong mukha?! Talagang insecure lang sila sa mukha ko eh ano?!

Halos buong fansclub ata ni Rex, andito sa harap ko.

“Hello. Im Tricia Alcantara.” bglang may lumabas na babae.

Tricia Alcantara? Wait. Sya yung babaeng..

Oo siya nga yun.

Siya yung babaeng humila ka Rex para makipagusap sa kanya. Siya rin yung babaeng nakapost yung picture sa may labas ng school. May tarpaulin eh. Top 2 daw ng school? Oh well.

Wala akong laban kung labanan ng spelling to! Top 2 eh! Ngangabells nalang!

“Awts. Bakit nyo ako sinampal?” sabi ko dun sa mga babaeng nasa harapan ko. Tae. Inaagrabyado nila yung mukha ko. Yung napakaganda kong mukha. Ang sasakit nilang manampal!

“Pinagpapractisan lang namin yung mukha mo para sa play namin.” Whoah lang! Mukha ko tlaga nakita nilang pagpractisan?! Susmiyo!

“Masakit kaya. Hindi ko naman kayo kilala eh.” sabi ko tapos maglalakad na ako pero pinigilan nila ako.

“San ka pupunta, dear?” biglang sabi nung Tricia. Tae.


“Ano bang problema nyo?” tanong ko sa kanila. Medyo mga 5 sila. 3 ang nasa harapan at isa na si Tricia dun. At dalawa yung back-up sa likuran. Palagi akong nabubully. Ano ba namang buhay to!

“Ikaw.” at sabay sabay pa nilang sagot sakin yun.

“Uwaa. Ano na namang ginawa ko sa inyo para sampalin ako nang ganito?” tanong ko sa kanila habang hawak padin nila yung braso ko.

“Flirt. You’re a flirt.” Nako po. Ano na naman tong pinaparatang nila sakin? Hindi naman to makatotohanan! Kaya aykong magdidikit kay Rex eh. Kaya mas ok na saking makita sya sa malayo eh. Hndi ko naman sinasadyang mabunggo sa kanya.

“Dahil..dahil ba sa kanya?” sabay turo ko dun sa pwesto ni Rex. Medyo kalayuan sya. Nasa tapat na sya ng SSG room ngayon. At kami, andito parin. Pnagtitripan nila ako.

“Kung hindi ka kasi lalapit-lapit sa kanya, hindi ka makaktikim nito. Gusto mo isa pa?” sabi nung isang babaeng kasama ni Tricia. Akala mo naman kagandahan. Malakas lang talga loob nyan, may kasama kasing maganda.

“Anong isa pa? Eh kung kayo kaya sampalin ko dyan?” pagmamatapang ko sa kanila.

“Wala naman akong gingawang masama sa inyo ah.” dagdag ko pa. Kailangan maging matapang no! Natutunan kong walang ibang magtatanggol sakin kundi ang sarili ko lang.

“Wow. Iba ka rin. I like your attitude girl. Masyado kang palaban.” sabi nung isa pang babae.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon