Kamalasan 52
He's born with an angelic smile
“Sha-sha, punta ka na sa room mo. Pauwi na ‘yun si daddy mo.” Bubuhatin ko na sana si Sha-sha sa room niya pero sinabi ni Ethan na siya nalang ‘yung magbubuhat kay Sha-sha.
Panay ang dial ko pa din kay Rex pero walang nangyayari. Ganun pa din. Walang nasagot kasi unavailable nga. Mag teten na oh. Pero wala pa din si Rex.
“Sige na pizzababe. Ako na bahala. Umakyat ka na. Gigisingin nalang kita paguwi niya.” pagkasabi ni Ethan eh umakyat na ako. Pero kahit anong higa ko eh hindi naman ako makatulog. Hindi pa rin makapikit. Parang kahapon lang. Umupo nalang ako dun sa may tapat ng bintana at tinitingnan ang bawat patak ng ulan.
Pero biglang may natanaw akong lalaki na tumatakbo at nagmamadali. Shit. Kung hindi ako nagkakamali, si Rex ata ‘yun?! Agad-agad akong bumaba at kinuha ‘yung payong. Nagtatanong pa nga si Ethan kung bakit ako nagmamadali. Hindi ko na nga siya nasagot sa sobrang pagmamadali ko. Tumakbo ako sa may ulanan. S’yempre, may payong na dala. Hindi nga ako nagkakamali.
Si Rex. Basang-basa siya sa ulan. At ginaw na ginaw siya.
“Rex!! Halika sukob ka na!” sigaw ko habang papalapit ako sa kanya. Kawawa naman ang Rex ko. Ako ang naawa eh.
“What’s the purpose of using umbrella if you are already wet? I don’t need that.” Medyo mahinang sabi niya. Kahit basang-basa na siya at mukha na siyang sisiw nagagawa niya pa ding magsungit? Nakakaiyak na talaga ‘yung kasungitan skills ni Labidoo.
“Magkakasakit ka niyan eh.” Hinila ko siya para makasukob siya sa payong. Hinawakan kong mabuti para hindi ka makawala. Tiningnan niya ako. Ang lungkot lungkot ng mga mata niya.
“Ako naman ‘yung magkakasakit. Hindi ikaw.” Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Anong akala niya? Wala akong pakialam? Rex, kung alam mo lang. Kung alam mo lang.
“Manahimik ka na. Tara na. Pasok na tayo.” Bigla siyang napaubo nung pagkasabi ko nun. Nag-aalala na talaga ako. Mamaya magkasakit ‘tong lalaking ‘to eh. At buti naman hindi na siya nagmatigas at sumama na siya sa akin papasok ng bahay.
“Bakit hindi ka nagrereply o sumasagot sa tawag?” panimulang bati ni Ethan sa kanya. Tiningnan lang naman siya ni Rex at tska sumagot.
“Lowbat.” Isang salitang sagot ni Rex sa isang sentence na tanong ni Ethan.
“Yung asawa mo kanina pa nag-aalala sa’yo.” sabay lakad ni Ethan paakyat ng hagdan. Bigla akong natigilan. Teka, sino bang –Shet! Ako ba ‘yung tinutukoy ni Ethan? Pati ba naman siya kinarir ‘yung pagiging asawa-asawahan ko kay Labidoo?
“Where’s Sha-sha?” tanong niya sakin. Nakakapagtaka kasi hindi niya ako sinusungitan pwera kanina. Hindi nya rin ako sinisigawan. Mapapansin mo talaga kapag hindi siya okay eh.
“Nasa taas. Uhmm. Okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya. Hindi naman siya umimik pagkatanong ko nun. Well, usual Rex Garcia.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...