Kamalasan 48.

3.6K 114 4
                                    

Kamalasan 48

Forever Malas

“Tska nga pala. You should thank her. Si Erah. Partner in crime ko ‘yang baliw na babaeng ‘yan. Niligtas niya ako para hindi matuloy ‘yung gusto nung Lindsay Yu na ‘yun eh. You know her right? At tska, si Tricia. Yung bestfriend mo. Nakadalaw ba siya dito bago umalis? She’s in London right now. Pero babalik siya. Hindi ko nga lang alam kung kailan.” pagkatapos ng dramahan session namin eh sa Mommy naman kami ni Ethan pumunta. Sa puntod nun. Pinakilala rin niya ako as partner in crime nga. Ang ganda rin ng Mommy niya at kamukhang kamukha rin ni Ethan. May picture kasi na nakalagay dun.

“Pizzababe, salamat pala sinamahan mo ako ah? Gusto mong ihat—

“Wag na. Wag na. Baka kung ano pang isipin nila Dad eh.” sabi ko sa kanya. Pero nagpumilit ‘tong si Ethan eh. Hinatid ako hanggang sa gate ng bahay namin. Napakaboyfriend material talaga eh. Sana talaga makahanap na siya ng babaeng mamahalin siya katulad ng pagmamahal ni Kathie sa kanya. He deserve to be loved.

Napatingin ako sa orasan ko bago ako pumasok sa bahay namin. Buti nalang 7PM na. Excited na rin akong pumasok pero very unsual ‘tong moment na to. Wala pa silang lahat sa hapagkainan. Siguro iniintay pa nila ako? Palaging gusto nila, sabay-sabay kami. Napakaperfect na nga ng pamilya ko eh. At siguro ang swerte ko na rin.

Excited na rin akong makita ko si Dad kasi ngayon ko nga malalaman kung papayagan ba akong bumisita kay Yaya Enie.

Nasan ba sila? Hinanap ko si Kiel pero hindi ko makita kung nasaan ‘yung babaeng ‘yun. Siguro wala siya sa bahay namin. Hindi naman gaano kalakihan ‘yung bahay namin para hindi ko siya makita. Papasok na sana ako ng kwarto ko nang may marinig akong boses. At sigurado akong boses ni Mom at Dad ‘yun.


“No. It cant be, Ronie! Hindi p'wede.” narinig kong sabi ni Mom. Feeling ko basag na rin yung boses nya. Naiyak ba sya?


“Kailangan nating tanggapin na hindi talaga natin siya tunay na anak. Sabihin na natin sa kanya. Gusto na rin siyang makilala ng mga magulang niya. 16 years na nating tinatago siya. At ang usapan ay usapan. Sabi ni Papa diba? Pag 16 niya, ibabalik na siya.” bigla akong natigilan. Hindi ko maintindhan. Kaya mas lalo akong nacurious para makinig sa usapan nilang dalawa. Hindi nga ako nagkakamali. My mom is crying.

“Tayo ang may karapatan sa kanya! Pinalaki natin siya!! At mahal naman natin siya diba? Tinuring nating tunay na anak si Erah.” narinig ko ‘yung pangalan ko. Oo, Erah daw. Tinuring daw nila akong tunay na anak? Hindi ko alam pero kusang tumulo ‘yung luha ko.

“Pero hindi natin siya tunay na anak. Kahit bali-baliktarin natin ‘yung mundo, hindi tayo ang magulang ni Erah.” At ‘yun. Isang salita na feeling ko magpapabago ng buhay ko. Shit. Lahat ng excitement ko kanina, nawala. Napalitan ng pait at sakit. Kung nanaginip man ako ngayon, gisingin na sana nila ako. Ayoko sa bangungot na ‘to. Ayoko. At ayoko.

Hindi ako makagalaw sa oras na to. Nanginginig lang ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko kapag nakausap ko sila Mom—hindi ko sila tunay na magulang.

Bakit nila ako pinalaki sa mundo ng kasinungalingan? Dapat nung una palang sinabi na nila sa akin para hindi na ako masasaktan ng ganito. Ayoko na. Napapagod na akong umiyak, masaktan. Lecheng buhay ‘to.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon