Kamalasan 24.

6.6K 141 3
                                    

Kamalasan 24

September 13

“Sorry dad. Hindi ko naman po sinasadyang mapabayaan yung grades ko. Hindi ko naman po kasi maayos eh. Pero po ngayon, magbabago na po talaga ako. Lahat na po ng aaralin, aaralin ko na. Iiwasan ko nang maging pabaya sa lahat-lahat. At sana rin naman po sa bahay niyo nalang ako paga—

“Anak. Kung inaakala mong pagagalitan kita, nagkakamali ka. It’s our fault. Napapabayaan ka namin. Kasalanan namin kung bakit hindi ka rin namin nababantayan. Sorry.” sabay yinakap ako ni Dad. Malungkot ‘yung tono ng boses niya. Halatang dismayado. Totoo ba tong mga nangyayari ‘to?! Hindi ko maisip. Paano ako nabiyayaan ng kaswertehan sa buhay? Iba ang expectation ko sa reality.

 “Talaga..dad? Hindi po kayo nagagalit? Hindi mo ako palalayasin kasi hindi ko naabot ‘yung expectation niyo?” tanong ko sa kanya. Kung gano’n bakit ko pa kailangang mag-aral?

“No. We’re very sorry kung napabayaan ka namin. I’ll promise na magiging mabuting magulang kami para sayo. Tinanggap kong ‘yun lang ang kaya mo. Ipapaliwanag ko nalang sa Mom mo, okay? Tama naman ‘yung sinabi ni Ms. Soledaridad. Kailangan ng isang anak ng magulang na nand’yan sa tuwing kailangan nila kami.” tumango nalang ako. Hindi ko maipinta ang kasiyahang nararamdaman ko. Napatingin ako sa teacher kong terror. Nakita ko siyang nakangiti sa’kin at nagthumbs up. Hindi ko alam kung bakit tinutulungan niya ako. Diba noon? Gusto niyang nahihirapan ako? Pero bakit? Bakit siya sinabi kay Daddy to? Kung puro kawalanghiyaan ko ‘yung kwinento niya, malamang wala na ako dito. Baka hindi ganito si Daddy sakin.

“Thank you talaga dad.” Hindi ko maiwasang hindi mapaluha sa sobrang saya. Hindi ko kasi iniiexpect na ganto ang reaksyon ni Dad.

“Sorry rin po. Promise ko, babawi ako.” sagot ko sa kanya.

“Wait lang po, Dad ah? Punta lang ako kay Ms.” sabi ko at tumango naman si Dad sa akin. Nakita kong nakangiti si Ms sa akin at agad akong napayakap sa kanya. Hindi ko alam kung anong nakain niya ngayon at ang bait niya. Siguro may lovelife na siya. O baka naman nakita niyang mabuti talaga akong bata?

“Ms. Maraming Salamat po talaga!” tumango naman siya sabay napabitiw ako ng yakap.


“O’ sige na. Go to your Dad na. Basta, bumawi ka, Rodriguez. Im not doing this for you. Kung hindi lang talaga..” napatingin ako sa kanya sabay napaiwas siya ng tingin sa akin. Anong ibigsabihin non?

“Ms? Bakit po?” nakita ko namang hinawi niya ‘yung buhok niya at umiling lang siya sa akin. Nakita ko namang papalapit na ‘yung isang parents kaya umalis na ako. Nagpaalam na rin ako at bumalik na ako kay Daddy na naghihintay sa akin.

“Dad.” Bati ko sa kanya habang nakangiti.

“May sinabi ba sa’yo si Ms. Aliyah mo?” tanong niya sa’kin. Napailing naman ako na parang nagtataka. Kanina pa ko nagtataka eh. Ano bang mayroon?

“Dad—ano pong prob— biglang natigilan si Dad sa akin at nag-iba ang aura niya.

“Pero you’ll going to have remedial classes. 1 week lang naman yun. Yan yung sinabi ni Ms. Soledaridad. After class meron kang remedial. 1 hour. ” sabi niya habang iniiwasan ang topic na ‘yon. I feel something. Mayroon talagang kakaiba. Hindi ko muna pinansin ‘yong sinabi niya.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon