Kamalasan 29
Cheering Squad
“What are we going to do with this? Yung mga schedule? Naayos mo na ba? Hindi pa? What the..” bulong nung secretary ng SSG. Nandito kasi ako sa SSG Room. Masyado silang busy. Napag-utusan kasi akong iabot ‘tong mga papers sa kanila. S’yempre, hanggang ngayon, ako pa din ang pinag-iinitan ng adviser namin. Ewan ko ba. Hanggang ngayon, bitter pa din ata ‘yon!
Pero unfortunately, wala dito si Rex. Hindi ko alam. Masyadong hapit ‘yung schedule ngayon. Bukas na ‘yung sport fest namin. Ang bilis diba? Wala naman masyadong nangyari nung mga remedial days namin. . And to be honest, napakalaking pasasalamat ko kay Sir—Dylan kasi natuto ako.
Imagine? Nakapasa ako sa post test namin nung remedial namin. Tuwang tuwa sa akin yung dad ko. At dahil dun, gusto niyang magcelebrate kami ng engrande sa 16th birthday ko. 1 week nalang birthday ko na eh. Sabi niya nga, maginvite na ako ng mga gusto kong iinvite. Hindi ko parin alam kung sino yung iinvite ko eh.
After naman ng remedial, nagkaroon ng nang mga tryouts para sa nalalapit naming Sport Fest or Intramurals.
“What’s this?” bigla akong natauhan nung kinausap ako nung secretary ng SSG. Masyado siyang busy. Ngayon lang niya napansin ‘yung presensya ko.
“Pinapaabot po ni Ms. Soledaridad.” agad niya namang kinuha ‘yung papers na hawak ko. Pagkatapos nun, tumalikod na ako. Naririnig ko pa din ‘yung sigawan nila. Natataranta silang lahat. Parang opisinang opisina ang peg ng SSG Room. Parang pasan nila ang daigdig.
“Hi?” bigla kong ngiti. Saktong pagharap ko sa likod, nandun si Rex. Nagnod lang siya sa akin. Sanay na siguro akong ganun siya. Sanay na rin akong minsan niya lang ako nginitian. At parang sa lahat ng abalang-abala dito, siya lang ang hindi abala. Yung mukha niya ‘yung napakakalmado. Kumpara mo naman sa iba na talagang haggard na haggard at parang wala nang bukas kung magasikaso sa mga gagawin nila. Samantalang si Rex, parang normal day lang. Parang walang iniisip o talagang hindi lang halata sa mukha kasi gwapo pa din? Ang sisipag nga masyado ng SSG officers dito kumpara sa ibang SSG na walang ginagawa. Dito kasi, parang pasan nila lahat ng problema ng estudyante which is actually good. Deserving sila sa bawat position na hinahawakan nila.
“Naprint niyo na ba yung mga papers na ibibigay sa students? The schedules?” rinig ko namang sabi nung Secretary. Siya talga ang pinakahaggard sa lahat. Lumabas na ako after kong marinig yun. At paglabas ko, naramdaman ko ang pagkaaliwalas. Dun kasi sa loob, parang akong ipit na ipit. At siksik na siksik. Hindi ako makahinga sa sigawan nila.
Bumalik na ako sa room. Naabutan ko yung ibang SSG officers na nagbibigay ng parang booklet sa mga kaklase ko.
“Oh? Ano to?” tanong ko kay Jas habang hinahawak-hawakan yung booklet na binigay sa amin.
“Schedules for the upcoming Sport fest. Bukas na kaya ‘yun. Medyo nalate yung pagbigay ng schedules. Pero sabi ni Kuya Chris sa last day daw ng Sport fest ‘yung laban natin.” So hindi na rin nakakapagtaka kung bakit busy na busy ang tao sa paligid. Mga teachers? Busy rin. Walang naattend at iniwanan lang kami ng mga gagawin namin. Pinagagawa lang kami ng flags na gawa sa construction paper at iwawagayway namin pangcheer sa bawat team namin.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
Chick-LitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...