HELLO GUYS! MARAMING SALAMAT PO SA MGA BUMILI NA NITONG BOOK! REYNA NG KAMALAS-MALASAN! At sa mga hindi pa nakakabili, sana po bumili kayooo :) Yun lang po salamat! At hindi ko alam kung itutuloy tuloy ko pa ang pagpost nitong mga updates. Pero itatry ko po.
Kamalasan 50
Soulmate
“Di kita iiwan. Nandito lang ako. P’wede po akong punasan ng luha pero wag mo akong singahan, okay? Promise. I’ll stay here beside you. Partner in crime tayo diba?” biglang sabi niya sa akin pero hindi rin ako nakapagpigil eh. Pati sipon ko napunas ko sa kanya.
“Sorry ha.. sorry rin kung nasingahan kita.” bigla naman siyang natawa.
“Next time ka na bumawi. Alam kong hindi mo pa kayo ngayon eh. Feel free na ilabas mo lahat ng sama ng loob mo sa akin. Bigla ko namang naalala lahat ng sakit.
“Shit. Lumalaki akong akala ko puro katotohanan ang bumabalot sa pagkatao ko. Akala ko tunay nila akong anak. 16 years. 16 years nilang tinago’ yun sa akin. Tapos bigla ko nalang malalaman na hindi pala sila ang magulang ko? Ang sakit sakit Ethan. Feeling ko lahat na nang tao ngayon hindi na magsasabi ng totoo..” bigla na namang tumulo yung luha ko. Pero feeling ko safe ako ngayon sa mga yakap ni Ethan.
“Sorry rin kung nadisappoint kita Erah. Hindi naman sa nagsinungaling ako sa iyo. Naghahanap ako ng tamang tyempo para sabihing kapatid ko si Rex. Wala kasi talagang nakakaalam na kapatid ko siya. Pero maniwala ka man sa hindi Erah. Hindi kami magkasundo ni Rex. Ewan ko ba. Simula nung palagi nalang siya ‘yung pnapanigan ng tatay ko at ako ang palaging nasisisi, naging malayo na ang loob namin sa isat-isa. Atienza na rin ang ginamit ko simula nung namatay ang nanay ko kasi ayokong gamitin ang surname ng Dad ko.. Kasi alam mo na. Malaki talaga ang galit ko sa kanya to the point na pati ‘yung surname niya kinamumunghian ko. Nung una halos mabugbog ako ni Dad dahil nalaman niyang gusto kong magpabago ng surname. Pero tinulungan ako ng tito ko na baguhin ‘yun dahil ‘yun ang gusto ko.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yun feeling ko gumaan-gaan din ang loob ko.
“Pero sana, wag mong sasabihin kahit kanino na alam mo ito. May ibang nakakaalam s’yempre. Yung mga kaklase ko nung elementary pero wala na ‘yun dito s’yempre.” Ngumiti ako sa kanya at tumango. Wala rin naman akong mapapala kung ipagkakalat kong magkapatid silang dalawa.
“Gusto mo na bang umuwi sa inyo?” s’yempre, ayoko. Ayoko pang umuwi kaya umiling ako. Kung abutin man ako ng gabi dito, ayos lang.
“Okay na muna ako dito..” sagot ko sa kanya pero inabot niya sakin yung kamay niya.
“Tara na?” napakunot ‘yung noo ko sa kanya.
“Saan?” pagtatakang tanong ko sa kanya.
“Sa bahay. Dun ka muna. Ayos lang yun sa kanya.” Wala na akong nagawa. No choice kumbaga. Hinila niya ako pero nagpupumilit akong ayoko. Dahil sino ba namang gustong tumira sa isang bahay kasama ang dalawang lalaking ito? Ako? Oo, siguro dati. Noong hindi pa magulo itong utak ko.
“Ethan..pero.” pagmumulit ko sa kanyang wag nalang. Kaya ko namang magtiis kung saan eh. Ayoko nang maabala pa silang magkapatid.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...