Kamalasan 26
Mala-impyerno
“Ano ba yan pizzababe. Sino pa ba? Edi si Trish.” sagot niya sa akin. Kulang nalang batukan niya ako kasi hindi ko kilala kung sino ‘yung Denise na tinutukoy nya. Si Tricia pala ‘yun. Malay ko ba. Eh Tricia ‘yung pagkakakilala ko sa tao. Mahirap kapag madaming pangalan sa utak, nakakarindi.
“Sorry naman..Hindi ko alam na Denise pala second name nun.” Bruhilda kasi lagi kong tawag eh. Pasensya naman.
“Bakit siya babalik ng London? Okay lang naman dito ah?” pero para sa akin, masaya ako dahil bumalik na siya kung saan man siya galing. So meaning nun, wala na akong kaagaw kay Rex! Wala ng bully sa akin. (Except kay Kiel)
“Diba nga kwento ko sa’yo 7 yrs old nandito na siya? London sila galing no’n. Actually, hindi naman talaga nakilala ni Tricia ‘yung tatay niya eh. Parang naano lang ‘yung mama niya which is asawa na nang dad ko ngayon.” Medyo may kabitterness pa din si Ethan sa mama ni Tricia na stepmom niya na ngayon. Bigla ko tuloy naisip ‘yung nasira love story ng tatay ko. Pero okay na ‘yun. Mahal na nila mom and dad ang isat-isa ngayon.
“Oh? Kawawa naman pala siya.” sagot ko. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit naghahanap siya ng pagmamahal ngayon. Kung bakit niya pinagsisiksikan ‘yung sarili niya kay Rex.
“After those years, ngayon niya lang nalaman kung sino ‘yung totoong tatay niya. Bigla nalang silang nacontact at hinahanap niya. Gusto siyang makita. Kahit ayaw nung mom ni Tricia, nagpumilit siya. Spoiled naman kasi yung babaeng ‘yun kaya nagagawa niya lahat ng gusto niya.” sagot ni Ethan sa’kin. Kaya naman pala. Kahit ako rin naman nasa posisyon niya, magpupumilit rin akong makilala ang tunay na tatay ko diba?
“Nung una, galit si Tricia sa dad niya eh. But after nilang magusap parang naliwanagan si Tricia na tatay niya pa din yun. At kailangan nilang magkita. Tska napapagod na din siya kay Rex eh. Gusto niya na ring magpahinga.. kahit saglit lang. At kapag pagbalik niya daw at hindi pa din nagbabago ang isip ni Rex, titigil na siya. First time ngang sabihin ni Tricia ‘yun eh. Bali 1 month lang rin naman siya mawawala. 1 month or 2 months. Pero ‘yun nga, naforced siyang magdrop out kasi medyo matatagalan ‘yung pag-alis niya. Gusto rin nung tatay niya na magspend sila ng time na dalawa. May bago na atang pamilya eh. Pero s’yempre, nakokonsensya rin ‘yun.” kwento ni Ethan sa’kin. Ang dami ko talagang info na nakukuha sa nilalang na ‘to eh.
“Hay nako. Sana hindi magbago isip ni Rex para wala na talaga.” sabay tawa ko. Bigla naman niya akong tiningnan na parang ewan.
“Oh? Bakit ganyan ka makatingin sa akin?” tanong ko sa kanya. Para naman kasi akong papatayin sa tingin ng lalaking ‘to.
“Ganyan ka ba kapatay na patay kay Rex?” seryosong tanong nyia sakin pero ngumiti lang ako biglang pagtugon sa kanya. Halata bang patay na patay ako kay Rex?
“Hindi ko maintindhan sa inyong mga babae kung bakit gustong gusto niyo yung lalaking almost perfect. Matalino. Mayaman. Matino. Alam mo bang naging crush din ni Kathie yan?” sabay medyo natawa siya.
“Pero nung nakilala ako bigla ni Kathie, biglang nagbago ‘yung pananaw niya!” sabay natawa rin ako. Ang taas talaga ng self confidence ng nilalang ‘to. Siguro naman kahit sino p’wedeng magkagusto sa kanya. Ang astig kasi ng sense of humor niya. Hindi pa siya masungit. Napakafriendly niya. Kaso ako? Isa lang talaga yung sinisigaw ng puso ko! Ang cheesy ko talaga.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...