Kamalasan 36
Kaibigan
Napaclose nalang ako. Mahina ako sa english. Sumasakit at dumudugo ‘yung ulo ko!!
Binato ko nalang kung saan ‘yung notebook at tinitigan ‘yung halaman. Mas lalo ata akong nabadtrip eh.
“Nakakainis kasi ‘yang Kiel na ‘yan! Masyadong pasikat effect! Akala mo kung sinong kagandahan!! Hindi naman!” ganto kasi ako kapag naiinis, nababadtrip at nagagalit. Sa ibang bagay ko ibinubuhos ‘yung galit ko. Kapag sa bahay ako naiinis, dun sa may favorite puno. Ginagawa kong punching bag kahit masakit sa kamay. Ngayon, ito namang walang kamuang-muang na halaman ‘yung napagtripan ko.
“Wala naman kasi talagang kwentang kapatid ‘yan si Kiel! Nakakabadvibes! Bakit pa kasi kailangang umuwi niyan dito sa Pinas ha?! At bakit ko pa naging kapatid ‘yun?!” binubuhos ko na talga ang galit ko sa halaman. Wala namang tao! Naiinis talga ako. Buti nga wala akong nagawa sa kanila! Nakakainis talaga. Mas mabuti ngang dito nalang ako magbuhos ng galit kaysa mapatay ko pa sila.
“Alam kong medyo weird na kinakausap kitang halaman ka pero nakakainis kasi talaga si Kiel! Bakit ganon ba siyang kapatid? Sana naman magkautak na siya. Hindi ko naman siya ginaganon! Pero kung ganito ang gusto niya, magsiraan? Edi go! Sisirain ko din ang buhay niya! Magsiraan kaming dalawa. Leche.” sabay hugot ko sa halaman! Ang haba ng ugat! Iniisip ko na si Kiel to at ginugutay-gutay ko ang mga katawan niya!!
“Grabe. Hindi ko na kaya ‘yung ganito, wala akong iniistalk sa buhay ko.”
“Lord, ano pong gagawin ko? Tulungan niyo naman po ako.”
“Halaman!”
Natahimik ako bigla. Tumingin ako sa paligid ko at biglang..wala. Walang tao sa paligid ko. Wag nilang sabihin na ‘yung halaman? Syet! Yung halaman nagsasalita!!
“Grabe! Wait. Totoo ba ‘tong naririnig ko? Tong halaman nagsasalita?! Omg.” bigla akong napatalon. Feeling ko kasi nakahanap ako ng kasundo ko!
“Nakakabadtrip talaga.” Tiningnan ko maigi ‘yung halaman.
“Really? Badtrip ka din?! Ako rin eh!” sa wakas, nakahanap din ng kadamay sa mundo! Buti pa ‘tong halaman.. parang maiitindihan ako. Hindi kaya siya ang soulmate ko?
“Erah. Nandiyan ka pala?” at nagulat ako. Kilala pala ako nung halaman? Really? At parang pamilyar pa ‘yung boses ng halaman ha!
“Ang weird talaga. Kilala mo—
“Erah.” At may kumulbit sa akin. Napatingin ako sa likod ko.
“Oy Sir Dylan! Ikaw pala ‘yan! Ang weird ng nangyayari sa akin! Nagsasalita ‘yung halaman! Badtrip din daw siya. Pati nga ako eh. Badtrip din.” sabay napatayo ako habang pinapagpagan ‘yung palda ko.
“Ah eh.. Dylan nalang.” sabi niya sakin. Nasanay kasi akong Sir Dylan ‘yung tawag ko sa kanya. Nagturo siya sa amin diba? Kaya nga ako nakapasa dahil sa kanya. Magaling din pala siyang magturo kahit nung una nahihiya siya at pabulol-bulol. Pero habang tumatagal naman. Nawawala ‘yun.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...