Kamalasan 30.
Lahat nasayang
“Ano pang hinihintay natin guys? Bakit hindi nalang tayo tumayo at magpractice?!” sigaw nung isang babaeng 4th year din. Naastigan ako sa kanya sumayaw. Siya nga yung parang tumatayong leader sa amin eh. Maganda siya at parang simple lang.
“Oo nga. Ipakita natin kay Kuya Chris na kaya natin.” dagdag pa nung isa at nung isa pa at nung isa pa. Feeling ko ngayon lang gumana sa amin yung salitang “cooperation” eh. At feeling ko ngayon lang talaga namin narealize na makikita mo lang ang halaga ng isang tao kapag tuluyan na siyang nagwalkout.
At dahil dun, nagpractice kami ng nagpractice. Walang pahinga. Kung meron man, water break at saglit lang ‘yun. Kung naiihi ka, magexcuse ka basta bumalik ka rin kagad. Napakaganda ng cooperation namin ngayon. Hindi katulad kahapon, nung isang araw at nung nakaraan. Grabeng pagbabago namin.
Inabot nga kami ng anong oras pero hindi pa din nabalik si Kuya Chris. Feeling nga namin, iniwan na talga kaming tuluyan. Peri kung hindi na talaga babalik si Kuya Chris, lalaban pa din kami. Gagawin pa din namin yung best namin at mas pagsisikapan namin. Yung sinasabi ni Kuya Chris na hindi namin kayang manalo at umaasa lang kami? Ipapakita naming mali siya. Ipapakita naming kaya rin naming manalo.
“So ano nang balak guys?” tanong uli ni Ate. Nung babaeng 4th year nga na hindi ko alam ang pangalan pero tumatayong leader namin.
“Bakit hindi natin kausapin si Kuya Chris at magkaawang for the last time eh siputin niya tayo sa araw ng contest? Baka madisqualified tayo kapag wala ‘yung mentor natin.” sagot nung isa naming kaklase. Yun kasi ang isa pang rules. Kailangan nandun ang mentor sa araw ng contest at kung wala, alam na. Disqualified na kayo. Wala lahat ng pinaghirapan niyo. At wala silang paki kung napagod kayo, kung pumangit kayo o ano mang nangyari sa sarili nyo.
“Ako nalang ang kakausap kay Kuya Chris.” bigla akong tumayo. Ako naman ang punot dulo ng lahat. Palagi akong late, palagi akong hindi nakakasabay at palagi pa akong nakakasama sa mga tumataas para umihi o uminom.
“Ako naman talaga ang puno’t dulo ng lahat guys. Hindi sana magiging ganito kung wala ako eh. Kung hindi ko pinilit ang sarili kong tumakbo ng canteen at uminom.” sagot ko habang nakayuko. Pero nagulat naman ako at the same time, natouched rin.
“Ako rin, sasama ako sa kanya kausapin si Kuya Chris.” tiningnan ko ‘yung babaeng nagsalita nun. Napakasincere ng pagkasabi niya. Para talagang hindi siya nagbibiro.
“Ako rin. Umalis rin ako kanina.” sagot pa nung isa.
“Ako rin.” At tumayo ‘yung isang babaeng parang ang cool tingnan habang nagpapagpag ng pants niya.
“Isa pa ako.” at tumaas naman ng kamay ‘yung isa pang babaae.
“Kami rin.” sabay sabay na sabi ng apat na lalaking palaging kinukulit si Kuya Chris.
“Bakit hindi nalang kaya lahat tayo ang kumausap kay Kuya Chris diba?” biglang sabi nung ateng leader namin sa sayaw. Napaoo nga naman lahat kami dun. At napaisip kung paano nga namin kakausapin si Kuya Chris. Kung anong palusot o anong eskena na naman ang balak naming gawin.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...