Kamalasan 35.

6K 128 16
                                    

Kamalasan 35

  Notebook

“Have you invited your friends, Erah?” nagulat akong biglang tanong sa akin ni Mommy. Napakamot lang naman ako ng ulo ko.

“Hindi pa po, mommy eh.” sagot ko sa kanya. Ngumiti si Mommy sa akin at tinabihan ako. Ang ganda talaga ni Mommy! Sigurado ba talagang nanay ko ‘to? Mukhang mas bata pa itsura sa akin eh! No wonder nainlove na din si Daddy sa kanya after ng lahat ng nangyari sa kanilang dalawa.

“Bakit hindi ka pa nagiinvite ng friends mo? Eh si Kiel, halos nakakarami nang iniimbita.” biglang napa-what naman ako nun. Sino ba talagang may birthday? Ako ba o si Kiel?

“Pero, My.. Hindi naman ata tama ‘yun? Birthday ko po diba? Hindi birthday ni Kiel?” tanong ko kay Mommy. Wala akong pakialam kung lumabas na masama akong anak pero kasi, birthday ko ‘to. Hindi niya birthday. Bakit siya ‘yung imbita ng imbita diba?

Kinissan nalang ako ni Mommy sa noo. Ang sarap sa feeling na may nagkikiss sa noo. Feeling ko baby na baby pa talaga ako ni Mommy!

“Hayaan mo na si Kiel.. Pagbigyan mo nalang.” Tumango nalang ako. Wala na naman akong magagawa eh. Pero ang saklap lang. Bakit palagi nalang dapat pagbigyan si Kiel? Porket ako ‘yung ate? Grabe talga.

Bigla namang bumaba si Kiel galing room KO. Oo, dun pa din siya natutulog. Namimiss ko na nga ‘yung sobrang lambot kong higaan eh.  Everything na nasa room ko, namimiss ko. Why life is so unfair?

“Good morning Mom.” sabay kiniss niya si Mom. Bigla naman siyang dumaan na harap ko na parang wala lang. Ang bastos talaga ng kapatid kong ‘yan oh! Kung tratuhin ako, para akong hangin. Hindi ba niya alam na palagi ko nalang siyang pinagbibigyan? Tapos ang sama-sama pa din niya sa akin!

Nung isang araw nga, nung nakinig ako ng kadramahan ni Ethan, pag-uwi ko ng mga 6PM eh inaway-away ako niyan ni Kiel. Kung ano-anong pinagsasabi niya. Luto daw. Ganon. Hindi ko naman alam ‘yung mga pinagsasabi niya eh. Patas naman ‘yung laban sa cheering pero galit na galit siya na akala mo naman inapakan ‘yung pagkatao niya!

Alam kong nanuod din sila Mommy and Daddy that time. Hindi ko nga lang ata siguro nakita ‘yung presensya nila. Sinabihan din kasi ako nila Mommy and Daddy na ang galing galing ko daw sumayaw. Pero pagkasabi nun, nagtampo si Kiel. Kaya ayun, amo here. Amo there. Tapos ang sinabi naman sa akin ni Mommy ulit, hayaan mo na. Pagbigyan ko nalang daw?

Like what diba? Palagi nalang dapat pagbigyan si Kiel. Kiel. Kiel. And Kiel!  Kapag ako talaga napuno. Ililibing ko ‘yan ng buhay eh! Nakakabadtrip talaga eh.

“Mommy, alis na po ako.” sabay nagkiss na ako sa cheeks ni Mommy. Tulog pa ata si Daddy. At ayoko namang sumabay kay Kiel kasi letsugas ‘yang babaeng nilalang na ‘yan!

Lumabas na ako ng bahay at naglakad na ko papasok ng school. Parang ayokong makita ngayon si Ethan! Pinagtawanan niya ba naman ako after kong tanungin sa kanya kung ano ‘yung meaning nung ass. At alam niyo ang sinagot niya sakin habang natawa, humanap ka ng dictionary! Shet lang.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon