Kamalasan 23.

6.6K 137 10
                                    

Kamalasan 23.

 Cards Giving

“Yaya! Please na. Dali? Pretty please? Kuhanin mo na ‘yung card ko!” pamimilit ko sa kanya habang hinihila ko pa siya. Hindi kasi ako makaalis-alis ng bahay kasi ayaw kuhanin ni Yaya ‘yung card ko. Kagabi pa siya. Ang dami niyang dahilan. Nakakainis. Sino namang kukuha nun? Buti sana kung ibibigay sa’kin ng adviser ko. Edi maganda, diretso basurahan! #MedyoBadGirl

“Marami akong ginagawa, Erah. Ikaw nalang kumuha nun. Maglalaba. Magluluto. Maglilinis ng—

“O baka maglalaro ka sa laptop. Puro ka dahilan, Yaya!” sabi ko habang inaayos ‘yung mga dadalhin ko sa school. Nakakainis naman. Wala talagang kukuha ng card ko? Wala na bang nagmamahal sa’kin?

“Yaya please nama—                        

“Lilibre kita ng pizza!” sigaw ko sa kanya.


“Ayoko. Nako Erah! Ilang beses ko nang narinig yang kakapizza mo pero hindi mo—

“Yaya bakit? Anong problema?”  bigla siyang natigilan as in parang na-freeze siya. Nakakatulala lang. Humarap ako sa likod ko pero hindi ko inaasahan kung sinong makikita k—What the heck. This is damn. A hell, of course.

“Dad?!” sigaw ko ng napakalakas at kulang nalang mabasag ang buong voice box ko. Parang hihimatayin ako. Parang malalaglag ang puso ko. Shit. Bigla akong naluha ng narealize ko na baka si Dad ‘yung kumuha ng failing grades ko. What the heck? This life! Ang malas. Sobra-sobra!

“Sir..” halos pabulong na sabi ni Yaya. Pati siya, kinakabahan. Bakit ganyan siya? Hindi man lang siya nagsabing uuwi siya dito? Bigla-biglaang nadating? Feeling ko mamamatay ako sa kaba! Ayoko na! This is hell.

“Oh..Dad.” ulit ko pang sabi sabay ngumiti siya sa akin.

“Tears of joy, huh?” sabi niya. Medyo napangiti ulit ako ng plastik. Pinunasan ko ang luha ko pero bigla akong nagulat kung sino ang biglang pumasok. What the heck? Okay na sana kung si Dad lang pero.. Shit.

“Mom.. Kiel..” mahina kong sabi. Wala na. Feeling ko masisira at sirang sira na talaga ang buhay ko. Ayoko na. Bakit sila nandito? Bakit nandito ang kapatid ko na wala namang respeto sa ate niya? Bakit? Shit lang. Bigla namang lumapit si Dad sa’kin at yinakap ako ng sobrang higpit. Wala na akong magawa kundi mapayakap nalang rin. Si Yaya, nakanganga pa din. Kulang nalang mapasukan ng langaw ‘yung bunganga niya.

“Miss us?” hindi ako makaimik. Hindi ko masabing oo, hindi ko masabing hindi. Parang ayokong magsalita. Naiistunt lang ako sa mga pangyayari. Sana nanaginip lang ako. Sana hindi totoo ‘to. Mas okay pa atang nasa ibang bansa sila kaysa nandito sila. Hindi ko naman hinangad ‘to. Ang gusto ko lang, kamustahin nila ako. ‘Yun lang. Kasi kung nandito sila, puro kamalian lang nila ang mapapansin ko. Ang masaklap puro mali pa ‘yung nagagawa ko.

“We miss you, Erah! Ang laki laki mo na!” sabay lumapit sa’kin si Mommy. Napayakap din ako sa kanya ng mahigpit. Sa totoo lang, wala akong nafefeel. Parang hindi nila ako anak kung tratuhin. Mukha akong tagapagbantay ng bahay na ‘to eh.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon