Kamalasan 46.

5.6K 134 13
                                    

Kamalasan 46

Lahat gagawin

“Ako nga pala si Jhon. Jhon Nichol Allayban, 3rd year highschool. Brokenhearted din ako kaya mabuhay ang mga brokenhearted!!! Wooo!” bigla naman akong nagulat sa reaksyon niya. Ang weird lang. Brokenhearted pero parang ang saya saya naman niya?

“Ah.. Ako si Erah eh. Hindi naman ako bro---

“Sus. Nagkaila pa! Wala ka nang maloloko dito. Parehas lang naman tayong brokenhearted dito. Bakit hindi pa tayo magdamayan diba? Alam mo, ilang buwan na ding akong brokenhearted pero ngayon, pinag-aaralan ko na  ‘yung salitang move on. As in capital M-O-V-E-O-N. Move on! Ang dami ko na kasing narealize sa mundo. Natutunan kong wag nang ipilit pasukin pa ang pusong hindi ka naman mahal. Dahil para ka lang nagtutulak ng pintong may nakasulat na pull. Nahihirapan ka na nga, nagmumukha ka pang kaawa-awa sa paningin ng iba.” Bigla naman akong napahinga ng malalim. Feeling ko nakahanap ako ng katagpo ko. Kakwentuhan tungkol sa lovelife. Ewan ko ba, habang lalong tumatagal nagiging socialize ako. Ang dami kong nagiging bagong kaibigan. Mga taong bigo at nananatiling bigo sa lovelife nila. Parang ako, bigo at bigo at bigo forever.

Sa mga sinabi niya, bigla akong may mga narealize. Na may mga bagay talagang hindi dapat pinipilit dahil sa huli ikaw lang talaga ang masasaktan. Kailangan mong tanggapin na hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo, hindi lahat ng gusto mo mangyayari. Bakit? Hawak mo ba ‘yung tadhana? Hindi naman diba? Wag kang feeler at mas lalong wag kang assuming na ikaw si tadhana.

“Hay nako. Alam mo kuya, sa panahon ngayon, uso na rin ang umasa. At uso na rin ang magpakatanga.” sabi ko naman sa kanya.

“Alam mo kung ipupush mo ‘yan, bahala ka sa buhay mo. Ikaw rin ang masasaktan sa susunod. Pero alam mo na. If  you need someone like me, ang madrama katulad ko. P’wede mo naman akong mahanap kung saan-saan. Alam mo bang halos lahat ng mga may love problems eh nalapit sa akin?” bigla namang nanlaki ‘yung mata ko.

“Papa Jack?” natawa naman siya sa akin.

“Baliw. Hindi no! Pero p’wede na din. Dahil dun sa taong nang-iwan sa akin, madami akong natutunan. Pero leche lang talaga siya. Bakit pa siya pumasok sa buhay ko para iwan lang ako?! Hay nako. Hayaan mo na nga ako. Bitter na kung bitter pero wala talagang forever.” Pagkasabi niya naman nun biglang pumasok sa isip ko ‘yung kwinento nung teacher namin sa English.

“Teka, teka. Ano bang kwento mo?” tanong ko sa kanya na medyo naguguluhan. Wala naman akong alam kung pag-iisipan ko kaagad yung opinion niya. May  iba iba naman talagang opinion ang mga tao eh. Pero parang naging bitter ata siya sa mundo.

“Hay nako. Sa susunod nalang. Tandaan mo nalang. Ako si Jhon. 3rd year highschool at willing makipagkwentuhan tungkol sa lovelife.” sabay ngumiti siya. Feeling ko sincere naman siya eh.

“Alam mo, wala pa naman talaga akong problema sa lovelife. Yun? Naku. Imposible na magkagusto sa akin ‘yun. Crush ko lan—

“Crush lang ba talaga?” napahinga ako ng malalim. Crush nga lang ba talaga?

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon