Kamalasan 49
Hug
“Hindi ko akalaing lahat sila, lahat kayo mga manloloko. Pinagkakait niyo sa akin na malaman ‘yung katotohanan.” sabi ko bago ako tumayo sa kinauupuan ko. Nakatingin lang si Rex sa akin. Kaya pala ang daming alam nitong si Ethan eh. At kaya pala naglakas na loob na nagsabing tutulungan niya ako kay Rex. Kaya naman pala.
“Shit Ethan. Wag mong sabihing magkakuntsaba kayo ni Rex sa lahat ng pang-uuto sa akin? Baka pinaglalaruan niyo lang ako parehas?” sabi ko habang natulo pa din ang luha ko. Bakit ba ako pinanganak sa mundong ‘to? Para maging malas? Para pagkaitan sa mundo?
“Erah. Hindi ganun ‘yun. Hindi mo naiintindhan.” At grabe. Ako pa ‘yung hindi nakakaintindi sa lagay na ‘to? Sabog na sabog na ako. Hindi ko alam kung bakit sa kanya pa ako sumama eh. Dapat diba? Na kanila Jas ako. Wala ako dito. Edi sana, wala na akong nalaman pa. Edi sana nagbulag-bulagan nalang ako.
“Hindi ko alam na nandito siya.” sabay turo kay Rex. Mas mabuti nga na nandito siya para alam ko na ‘yung totoo diba?
“Paano kung wala siya dito? Habangbuhay mo nalang na itatago na kapatid mo siya? Edi magaling. Pero shit eh. Mas mabuti pa ngang hindi nalang ako nageexist sa mundong ‘to eh. Pero kahit naman nageexist ako, wala pa din naman diba? Wala pa rin naman Rex diba? Sge, aalis na ako.”Tumingin ako kay Rex pero as usual. Yung Rex Garcia na walang pakialam kaya naglakad na lang ako pero hinawakan ako ni Ethan.
“Bitawan mo ako.” pagkasabi ko nun. Wala siyang nagawa. Binitawan niya nalang ako. First time sa history ng kamalasan ko ang maging ganito. Nagiging malas nga ako pero hindi naman ‘yung ganito kalala.
P’wede bang ibalik nalang ‘yung mga panahong nasa ibang bansa ang kinikilala kong magulang? P’wede bang ibalik nalang ‘yung panahong walang Ethan Atienza sa buhay ko? At p’wede bang ibalik nalang ‘yung panahong hindi ako kilala ng lintik na Rex Garcia na yan? Edi sana.. Edi sana hindi ganito kagulo ‘yung mundo ko. Edi sana ako pa rin yung Erah na palaging late man pero mukha namang wala ring pakialam.
Ang buhay ko kasi parang leche flan. Nakakaumay. Puro kamalasan.
Naglakad nalang ako papalayo. Shit. Naiiyak na naman ako kapag naalala ko ‘yung lahat. As usual, napadpad ‘yung paa ko dito sa favorite place ko. Sa may puno. Kung saan ako nag-iiyak tuwing nasasaktan ako. Yung mga simpleng dahilan lang. Dito ako napunta nung bata pa ko kapag binubully ako ng mga batang gusto kong makalaro. Ito rin ‘yung puno kung saan nakasaksi ng mga pighati ko sa buhay. Ito lahat ‘yun. Pero para kay Ethan, itong puno na ‘to ang nagpamiserable sa buhay niya.
Sakin hindi eh. Alam ng puno na ‘to kung gaano ako kamalas sa buhay. Kaya palagi akong nandito. Napakatahimik kasi ng lugar na ‘to. At ang sarap umiyak dito.
Ayoko munang makipag-usap kahit kanino. Bahala nalang. Gusto ko sanang tawagin si Jas pero natatakot ako. Natatakot akong baka may malaman na naman akong nakakaleche.
Bigla akong napatingin kay Pingpong. Sa aking pinakamamahal na matabang teddy bear.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...